Madalas sa trabaho maraming iba't-ibang hamon at mga stress ang iyong mararanasan. Noong nasa ibang bansa ako, palibhasa iba't-ibang lahi ang kasama ko, meron isang lahi na kahit wala akong ginagawa mainit ang dugo sa akin at ang pinaka- ayaw ko sa lahat ay ang minumura ako. Nasabi ko ang tungkol dito sa sulat ko kay misis. Sabi niya naranasan niya rin ito sa isa niyang classmate noong high school pa lamang siya. Ang ginawa daw niya, hindi niya ito pinatulan. Sa halip daw na iwasan niya ang school mate niyang ito, dahil hindi naman nga puwedeng hindi sila magkita dahil magkasama sila sa group study nila, kaya sinikap daw niyang kaibiganin siya, at nawagi naman niya ito. At bandang huli naging matalik pa silang magkaibigan. Nang maglaon nalaman ni misis na kaya pala gano'n iyon kumilos at gumawi dahil lumaking spoiled brat sa family nila, palibhasa "the only child" pala siya ng isang well to do family. Ang advice sa akin ni misis, ay ang kasabihang, "To win your enemies, try to make friends with them", lalo na di ko naman daw siya pwedeng iwasan dahil magkasama nga kami sa work. She said in her letter, "try to win him, by being calm, kind, and approachable", and that's what I did, and it was so effective! Kaya ko naikuwento ito mga ka-noise, nabasa ko sa post ng isa nating ka-noise na problemado siya sa isang kasama niya sa work dahil bago pa lang daw siya, mainit ang dugo nito sa kaniya at parang nagsasalita pa ito ng patalikod nang wala namang katotohanan. Kaya naka-relate ako sa naging damdamin niya ukol sa nararanasan niyang iyon, dahil naalala ko ang naging karanasan ko. Kayo, mga kaibigang ka-noise kung kayo ang nasa gayong kalagayan, ano ang gagawin ninyo? Magandang umaga sa inyo ka- Pilipinas? #Nori23
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet