read.cash Log in
@Roni more from that month

Late snack na naman ako friends, kadarating ko lang kasi dito sa bahay. Share ko sa inyo itong nadaanan kong playground dito sa banda namin, Tulad ng makikita ninyo sa aking post ngayon, bago ang pandemya ng covid 19, sa oras na ito, maraming mga bata ang naglalaro sa palaruan na ito. Pero kanina almost 5pm na, pero itong bata lang na ito ang naglalaro mag-isa dito! Pero kasama niya ang mama niya, syempre! Nitong nakaraang buwan ng December dahil naging zero covid na dito sa place namin sa ganitong oras medyo malaya ng nakakapaglaro ang ilang bata rito. Pero nitong nakaraang mga araw may nabalita na naman ang tungkol sa bagong omicron variant na madali daw makahawa ngayon at may mga case na rin sa ilang lugar dito, kaya nabahala na naman ang mga tao. Nalulungkot ako kapag naiisip ko ang mga hindi magandang nangyayari sa buhay ng mga tao, lalo na sa mga bata, na hindi man lang alam ang nangyayari sa kanilang paligid. Isipin na halos dalawang taon silang hindi isinasama ng kanilang mga magulang sa pamamasyal o simpleng lakad, kahit tuwing weekend lang? Parang napakatagal na panahon na na-miss nila ang masayang buhay sa kanilang kapaligiran sa murang edad. How I wish and pray na bumalik na sa normal ang lahat para maranasan ng mga bata ang malayang paglalaro sa labas nang sa gayon ay masanay sila sa pakikisalamuha sa kanilang mga kapwa bata.🙏

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.