Covid-19 Alert
Simula nang dumating ang sakit na covid marami na ang napa praning. At isa na ako dito. Bagamat, hindi ako covid patient naranasan ko ang hindi maganda sa buhay ko. Nag karoon ako nang Post partrum depression.. Naka ramdam ako nung una ng sorethroat pero n minsan hindi ako nilagnat, walang ubo at sipon. Sa sobrang isip ko na baka may covid ako nag trigger na ang insomia ko. Simula noon hindi ako maka tulog halos buong gabi pati sa umaga hindi pa rin mata tulog. Umabot isang buwan ang insomia ko. Takot takot ako noon at dahil may baby pa ako na inaalagan. Madaming imahinasyong ang pumapasok sa utak ko at palaging umiiyak. Sabi ko sa asawa ko baka magiging baliw ako nito pag hindi ako naka tulog. Ang ginawa ko nag pa check up ako sa doktor. Ayaw ko sana ksi baka sabihin nila may covid ako pero nilakasan ko ang loob ko . Binigyan ako ng doktor ng gamot sa soarthroat at vitamins na pampatulog. Nung una wlang epekto. Ngunit sinabayan ko iya ng chamomile tea na anti depresant o reduce stress. Naka dalawang box din ako. Hindi ako umiinom ng softdrinks, coffe,at chocolate drinks. Nilakasan ko lng loob ko naghanap ako nang maka usap araw-araw para mabaling ang atensyon ko at para hindi ko maalala ang mga nangyayari. Nag dasal ako nang maigi at sa awa ng Dios tinulungan nya ako. Sa ngayon mabuti na ang pakiramdam ko. Nakakatulog na ako ng mahimbing at hindi ko na iniisip ang covid na yan. Panalangin lng ang sandata nating lahat sa ano mang pagsubok na dumating sa ating buhay.
No comments yet