Ikot Ikot lang....

0 13
Avatar for Rome2020
3 years ago

Ikaw ba ay nasa itaas o nasa ibaba, asensado ka ba ngayon o problemado ka? Sabi nga nila "ikot-ikot lang". Ang Bola ay parang simbolo ng buhay ng tao. Ito ay hugis bilog at hindi sa lahat ng pagkakataon nasa parehas lang na lugar ito.

Ang paa sa larawan ay nagsisimbulo kay God...Hayaan mo sya na siyang kumontrol ng buhay mo hanggang marating mo ang finish line. Habang gumugulong ang bola dumadaan din sa pagsubok tulad ng tao. Tandaan natin hindi sa lahat ng oras ang nasa taas ang siyang palaging nandun may oras din na siya ay ibababa.

Kung sino man ang nagpapakataas ay ibababa at ang sinumang nagpapakababa ay itataas. Ganyan ang wika ng Diyos sa kanyang salita. Isang patotoo na ang Bola umiikot at sa buhay ito ay paikot ikot lamang. Patuloy sa laban at huwag sumuko.

1
$ 0.00
Avatar for Rome2020
3 years ago

Comments