read.cash Log in
R@Roger0515 more from that month

Magandang Araw Sa Inyong Lahat! Naaalala niyo pa ba yung post ko last July na nagka sakit na tiyahin ko at binantayan ko gabi gabi for more than a week? Natakot kasi kami noon na dalhin siya sa ospital dahil bukod sa mataas ang sugar niya Pneumonia daw ang sakit niya sabi ng kanyang doktor na isa sa mga simtomas ng covid19. Baka kasi sabihin na Covid at e-isolate agad siya kapag dinala namin sa ospital kaya minabuti na lang namin na itago siya at nakipag communicate na lang kami sa doktor niya kung ano ang mga gagawin. At buti na lang at may mga nurse kaming kamag anak na siyang umaalalay sa amin at nag lalagay ng Dextrose sa kanya. Kung sakaling dinala namin siya sa ospital ay siguradong hindi namin siya mababantayan at baka mas lalo pang lumala ang lagay niya. Eto na siya ngayon at malakas na, pasaway na rin at laging gumagala. Isa din sa libangan niya ay itong mga kanyang halaman na halos araw araw ay lagi niyang inaasikaso.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.