Katapos lang naming kumain ng hapunan at busy na kaming tatlo. Kanya kanyang cp para hindi magulo 😂 Magandang gabi sa inyong lahat. Tapos na ba kayong maghapunan? Ulam namin kanina ay yung tira namin na inihaw na tilapia kaninang tanghalian. Dinagdagan na lang namin ng nilagang talbos ng kamote. Medyo tipid kami sa gastos ngayon at kailangang bumili kanina ng gatas ni baby boss namin. Parang uulan na dito sa amin kanina at ang lalakas ng kulog at kidlat pero sa kabilang baryo lang ata umulan at hindi umabot dito sa amin. Kumusta naman ang weather sa mga lugar nyo? Ok lang ba?
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet