Brunch na tayo mga ka noise. Hindi kami nakapag almusal kanina kaya pagsabayin na namin pati lunch. Nag request si boss ng Lomi kaya siya namang niluto ko. Kulang nga lang sa gulay pero madami namang sahog na kikiam, konting karne at nilagang itlog. Tamang tama ito sa panahon ngayon na makulimlim kaya hindi muna kami magkakanin. Halika kayo at samahan niyo kaming kumain habang mainit pa at umuusok. Medyo mahirap pumasok ngayon dito sa site at congested na ata masyado ang server dahil sa dami na rin nating members dito. Magandang araw sa inyong lahat!
No comments yet