Kasalukuyang umaambon ngayon dito sa amin at may malakas na hangin. Sana naman ay matuloy nang umulan at wag paasa lang dahil kailangan na talaga namin ng tubig para sa aming mga pananim na nanunuyot na ang mga dahon dahil sa tigang na ang lupang kinatatamnan nito. Kasalukuyan namang nagluluto ang misis ko ng kalderetang baka para sa aming hapunan. Mas mura kasi ngayon ang baka dito sa amin na 200 lang per kilo kumpara sa baboy na mahigit 300 pa ang presyo. Ilang saglit lang at kakain na kami. Magandang gabi sa inyong lahat!
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet