Kanina sobrang init, ngayon makulimlim na. Pero baka paasa na naman ito na uulan. Mahigit 1 week na laging makulimlim pero hindi naman umuulan. Anyway, nakapag pananghalian na ba kayo? Kami ay katatapos lang, at bumili lang ng ulam sa kariderya dahil hindi na kami nag luto pa. May tira pa kaming kanin kagabi at pritong bangus kaya bumili kami ng ulam na may sabaw. Yung mga lugar diyan na sawa na sa ulan, papuntahin niyo na lang dito sa amin at matagal na kaming nag hihintay na umulan para sa aming mga pananim sa bukid. Magandang hapon sa lahat..Stay Safe!
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet