Naubos na yung ulam namin kanina at tinamad na kaming mag luto pa kaya nilagang Mais na lang ang pananghalian namin. Naubos na din kasi stock namin sa ref kaya kailangan na rin naming mag grocery na naman mamaya ng stock namin ulit for 1 week. Nakakatamad din naman lumabas para bumili sa carinderia dahil sobrang init sa labas. Babawi na lang kami ng kain mamayang merienda at nag request kasi si boss ng Pizza. Kain na din kayo guys para hindi kayo malipasan ng gutom. Mainit na hapon sa inyong lahat!
No comments yet