Ano ba naman yan Boss...gabi na! Hindi ka pa sawa maglaro maghapon? Wala na talaga matinong laruan niya dahil lahat nasisira agad dahil pipilitin nya talagang paghiwa hiwalayin. Yung tipo na laging curious sya kung bakit ganun or paano nabuo kaya winawasak nya. 🤣 Mahilig din sya maglaro ng mga tools ko na gamit sa motor kaya naisip ko baka maging mekaniko ito balang araw. Mataas ang curiosity level nya at kapag nakita nya minsan na ginawa mo ay alam nya na rin gawin agad. Makakain na nga muna habang busy sa paglalaro at tapos na rin kasi wife ko mag luto ng fried chicken. Bibili na lang ng mang tomas pampagana kumain. KAINAN NA!!!
1 comment
Cute naman po ni baby boss... Yan po talaga ang gamit ng mga laruan, nilalaro at hindi pang display lang 😊