Eto yung panahon na ipapa upo mo lang siya sa isang tabi at maglalaro na siya mag isa. Pero ngayon ay sobrang likot at kulit na talaga dahil malingat ka lang konti ay kung ano ano nang ginagawa. Madalas pa ay biglang nawawala, yun pala nasa labas na. Kaya kung minsan ay mas gusto ko na lang na ipasyal ko sya sa bukid gamit ang motor kesa bantayan sya maglaro sa labas at mas napapagod ako kesa sa kanya kakasaway. Alam ko maraming makaka relate dito na may mga anak din na nasa 2 to 4 yrs old , eto kasi yung edad na kakulitan talaga ng mga bata.
No comments yet