BAGYONG LANIE Hindi man dito sa lugar namin dadaan ang bagyo ay apektado pa rin kami ng pag ulan dulot nito. Halos umuulan dito sa amin ngayon buong araw at kaninang madaling araw ay sobrang lakas talaga nang ulan. Sana bukas ay gumanda na ang panahon at umaraw na dahil kawawa ngayon ang magsasaka dito sa amin na mag aani na sana pero hindi matuloy dahil sa lakas ng ulan. Pabagsak na naman ang presyo ng palay kaya sana umaraw na bukas at makahabol sila sa presyo. Noong nakaraang araw kasi na nagbenta kami ng bagong ani na palay ay 14 pesos per kilo pero ngayon ay 13.50 na lang.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet