PASKO NA NAMAN By: Roge Sison Kay bilis ng panahon. Matatapos na ang taon; Tatawid sa bagong taon. Ano kaya ang naghihintay roon? Tulad din ba nitong lumang taon? Dala ay pasakit sa lahat ng pagkakataon. Haharap tayo sa hamon. Ang ilan ay malalagas, Ang ilan ay mababaon. Mapalad kung makakaahon; Sa bilis ng takbo ng panahon. Ang sistema nawa ay makatulong. Merry Christmas sa lahat. Magdiwang tayo ng may galak. Kahit pa buto't balat; Na sa hirap ay nagbabanat. Pag-asa lang ang katapat. Ang bunga ay matatanggap.
No comments yet