PANDESAL at KAPE Gandang umaga guys, medyo maaraw nga ngayon ibig sabihin maganda ang panahon kaya ingat sa mga may skin care lagi magdala ng payong hehe. Yun nga nagcrave na naman ako sa pandesal kaya kahit masakit likod ko pinilit ko talaga makalakad, grabe anlapit lang ng bilihan sa may labasan lang pero hirap na hirap ako, laking relief ko nun nakauwi na ako. Oh siya ikain ko na lang tong nararamdaman ko ngayon huhuhaha. [Rockgod12]
13 comments
Ang cute naman po ng mug.
from shopee lang yan frend hehe.
Geh lang breakfast lang kami ay tapos na good morning:)
Ako sun screen naman lagi kung gamit kasi mad manipis n balat sa mukha
naku ingat sa araw kung lalo manipis na mukha mo baka magkapekas ba tawAg dun hehe. tama mag sunblock ka kahit sa bahay ka lang.
Ganyan din ang madalas ko na almusal 😋.
naku gaya gaya ka haha char
Napasarap tulog mo mate tanghali na hehe
Ah oo frend late na rin kasi nagising buti nga may naabutan pang pandesal haha
inom ka pain reliever at Bcomplex para mawala sakit ng katawan mo
basta sa spinal talaga ang sakit damay talaga buong katawan hirap ka talaga kumilos.
Sarap naman ng pandesal friend. 🤤
thanks frend, panlipas gutom yan sa umaga hehe.