Buhay OFW 01

0 18
Avatar for Robi_Traveller
4 years ago

Isa akong nangarap mag trabaho sa ibang bansa, yung kahit saan basta may malaking sahod. Taong 2013 ng ako ay umalis sa Pilipinas at na swerteng nakapagtrabaho sa Dubai bilang isang waiter. Oo nga pala graduate ako ng Nursing pero isang waiter ang magiging trabaho. Naku basta ang naisip ko nakapagtrabaho ako.

Sobrang saya ko ng unang araw ko sa trabaho.. Grabe.. Daming nakikilang bagong kaibigan at ibang lahi na rin.. Lalo na noong unang tanggap mo ng sahod sobrang saya ko.

Lumipas ang mga buwan dito ko napagtanto ang hirap pala magbudget ng pera kasi papadala mo sa pamilya mo sa Pilipinas at magtitira ka para sayo. Di alam ng pamilya mo bilang isang waiter napakahirap pala kelangan magaling ka makipag usap ng Ingles di lang yun lagi kang nasa oras ng pagpasok kapag may mga okasyon yung mga upuan, lamesa bubuhatin nyo at aayusan pa ng mga kobyertos, kapag tapos na liligpitin na naman..

Naiiyak ako sa pagod. Doon ko naisip mga magulang ko sa pagpapa aral nila sakin na ang pera di basta basta hinihingi dugot pawis nilang pinaghirapan.

Naway may napulot kayong aral. Sundan po ninyo ang sunod na kwento.

1
$ 0.00

Comments