The Untold Story of Dora
"The Untold Story Of Dora" ---- "Tsk Dora nanaman ano ba yan" iritableng tugon ko ng makita ko ang aking pinsan na nanonood ng dora. Pumunta na lang ako sa aking kwarto at nahiga sa kama ko ng maalala ko ang librong napulot ko kanina. Kinuha ko ito sa ilalim ng kama ko at sinimulang buklatin ito. "The Untold Story of Dora" pagbasa ko sa pamagat at bahagyabg natawa dahil wala manlang kadise disenyo ang pabalat nito. Sinimulan ko ng basahin ang bawat pahina. 'Si Doleen Rain o Dora ay isang batang suwail, hindi sumusunod sa magulang, at tila walang patutunguhan sa buhay.' "Okay that's clichè" nakangiwi kong tugon ng mabasa ko ang nakasulat sa unang pahina. Binuklat ko ang sumunod na pahina at nagtuloy sa pagbabasa. 'Isang araw ay gustong gustong umalis ni Dora sa kanilang bahay ngunit hindi siya pinayagan ng kanyang magulang dahil sa malakas na bagyo, bitbit ang kanyang laruan na unggoy ay dali dali siyang nagtungo sa kanilang kusina at kumuha ng kutsilyo." "Kaibigang unggoy? Si Boots yata yun?" Tanong ko sa sarili ko at nagpatuloy sa pagbabasa. 'Ang maulang gabing iyon ay napuno ng mga paghihinagpis dahil sa sigaw ng mga magulang ni Dora, walang alinlangang pinagtataga ni Dora ang kanyang mga magulang at tila ba uhaw na uhaw siya sa mga dugo nito, ginawang manlaban ng ama ni Dora at ang tangi niya lang nagawa ay ang sugatan ang mga mata ng kanyang anak.' 'Nang matapos si Dora sa pananaksak sa kanyang mga magulang ay agad niyang isinalin ang dugo nito sa tabo na nakuha niya sa banyo, ng matapos niya na itong isalin ay dali dali niya itong ininom.' "Ew, gross." Nakangiwing tugon ko. 'Nagulat si Dora ng makita ang kanyang matalik na kaibigan na si Swiper na nakatulala at takot na takot na nakatingin sa kaniya, ngumisi si Dora at dali daling lumapit dito bitbit si Boots na nasa kanyang likod, akmang susunggaban ni Dora ng saksak ito ngunit nakailag si Swiper at dali daling sinaksak ang mga mata ni Dora, mula nung araw na iyon ay hindi na nakakita pa si Dora, at palagi na siyang hinahadlangan ni Swiper sa kanyang mga binabalak.' "Boring," tugon ko at sinara ang libro ng may maramdaman akong tumulo sa mukha ko. Agad akong napatingala ng makita ko ang isang dalaga na nasa taas ng kisame ko, puro dugo ang mukha at may saksak sa mata, hindi mawala ang nakakatakot na ngisi sa kanyang labi habang nakatitig sa akin. "Maganda ba ang istoryang nabasa mo?" Nakakakilabot ang tinig na pinakawalan niya kaya naman agad nanlaki ang mata ko at napatingin sa librong hawak ko. "Susunod ka na." Humahalakhak na tugon niya at tumalon patungo sa harap ko. "AAAAAAAHHHHHHH" malakas na tili ang kumawala sa bibig ko bago ako mawalan ng malay. (crdts for the photo)
No comments yet