read.cash Log in
@Rhut24 more from that month

Patpat ng kawayan aming kabuhayan

Ako nga pala si Nene galing ako sa maralitang pamilya sa Zambales.Tatlo kaming magkakapatid. Dalawa ang kuya ko at ako ang bunso.Pinanganak ako pagkatapos pumutok ng bulkang pinatubo.Mgsisimula ang kwento ko noong 9years old palang ako. Nong una ok ,naman ang pamumuhay namin noon kasi ang papa ko ay isang karpintero at nagtatrabaho sa Maynila habang ang mama ko naman ang naiwan at nag aalaga sa amin. Buwanan lang kung umuwi si papa kasi nga malayo.Nagpapadala nalang siya ng pera minsan sa mga kasamahan niya sa trabaho kung may uuwi ang isa man sa kanila o kaya naman ipapadala ang pera kasama ng sulat.Masasabi kong maganda pa ang buhay namin nong panahon nayon kasi nakakabili pa kami ng ulam sapat sa pang araw-araw namin.Binibilhan din kami ni mama ng bagong damit kapag sasapit ang pasko.Nakakapundar din ng mga gamit sa bahay. Ngunit isang araw biglang umuwi si papa dala ang mga gamit niya sa kanyang trabaho kasama na ang kanyang mga damit..Dala ang balitang wala na siyang trabaho.Doon nagsimulang magbago ang lahat.Ang piniritong isda ay naging sardinas.Ang tinapay na almusal at merienda namin ay naging kamoteng kahoy,nilagang kamoteng baging,minsan nilagang saging,ube o kya gabi.kung mamalasin pa nilugaw na kanin na asin lamang ang pampalasa,iyon ang buong maghapon naming kakainin.Ang almusal namin ay kape na ilalagay sa kanin para maging sabaw.Masaya na kapag may inihaw o piniritong tuyo at piniritong itlog na hinahati pa namin para magkasya sa aming lima.Nagsimula kaming maghanap buhay sa mura naming edad, ang mga kuya ko ay nagsimulang mamundok upang kumuha nang buho o kawayan para aming gawing stick.Hinihila nila ito mula sa taas ng bundok hanggang sa aming tahanan o di kaya'y hanggang sa mga bahay ng gusto ring bumili ng buho o kawayan na ginagawang ring stick.Iyon ang kinabubuhay ng mga taga roon sa amin.Araw araw iyon pag kagaling sa aming school kailagan naming tumulong sa pag stick para may makain kami minsan nauuna pa ang utang bago pa magawa ang stick minsan nga kulang pa yong nagagawa kaya dumadagdag lang din ang utang sa tindahan. Kahit bakasyon ng dalawang buwan yon ang ginagawa namin.Bawal ang maglaro kailangang matapos ang pag stick para may pambili ng pagkain.Kahit na nakakainggit ang ibang mga bata na nag sasaya kapag bakasyon. Hanggang mag high school ako.,pag ka galing ng school unahin ang stick bukas nalang ng madaling ang mga assignment para makatulong sa ikinabubuhay.Minsan nga dahil s dami ng ginagawa namin sa school at kailangang maipasa yon kaagad,pinagalitan ako ng papa ko kasi mas inuna ko daw yon kisa tumulong di nalang ako umimik pero pinipigil ko yong pagluha ko kasi di ko alam ang dapat kong unahin ang pag aaral ba o ang pagtulong para may makain kami.Kasi kahit sabado at linggo yon na din ang gingawa ko puro na nga sugat at kalyo ng mga kamay para lang matapos at maibenta ang stick na bumubuhay saamin. Sa awa nang Diyos nakapagtapos ako ng High School..Kahit sa ganoong istado lang ng aming pamumuhay. Na kahit mahirap ang buhay kailangang lumaban..Hindi hadlang ang kahirapan upang hindi magpatuloy at maging talunan habang buhay.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.