Fall inlove in the Right Age

4 7
Avatar for Reo
Written by
3 years ago
(Photo not mine; SPECIAL CREDIT TO THE OWNER)

Fall Inlove in the Right Age

Short story by: @Reo

Naaalala ko pa noon ang linya nyang

"Ikaw ang MAMAHALIN ko balang araw"

..pero umabot na ng ilang Taon at high school na kami wala paden?

Nasan na ang Pangako mong mamahalin mo ako?

Yung mga araw pang Pinapansin mo ako, Ang saya saya naten noon Pero ngayon, Parang naglaho na dahil hindi mo manlang ako Binibigyang pansin . Kaya gumawa ako ng Paraan para Mapansin Mo ako.. Iyon ay Ang pagboboyfriend ko ng Ilan , baka sakaling tumutol ka..

Pero sa hindi inaasahan, Hindi mo manlang Binigyang toon kahit isang pansin ang sakit lang kasi wala kang pakeelam saken.. BINIGYANG HALAGA KO BA NG SOBRA ANG PANGAKO MO NOONG BATA PA TAYO? SINABI MO LANG BA IYON PARA UMASA AKO? sa kakaisip ko sayo araw araw, araw araw tinitignan kita mapa klase man o kahit saan.Binabantayan kita kasi baka kung anong mangyare sayo.. Kung ayos ka lang ba? Kung anong ginagawa mo? Minsan nag seselos din ako sa mga kaklase nating babae 'BUTI PA SILA PINAPANSIN MO, AKO KAYA?' .. Tapos Nung May tinanong akong Babae na malapit saken at Pati sakanya kung bakit wala parin siyang girlfriend ang sagot naman "KASI AYAW NG MAMA NYA NA MAG GIRLFRIEND SIYA" napaisip ako noong nalaman niya na crush ko siya, hindi kaya dahil doon kaya niya ako iniiwasan?


Sa Ilang taon ko ng Paghihintay.. Ngayon lang ako Napaisip kung 'TAMA BA ANG GINAGAWA KO? BAKA SA MGA GINAGAWA KONG TO AY MAS NAGIGING MALALA PA NA LUMAYO SAKEN'

Isang Gabi , sa pagiisip ko napapaisip ako.

Tama bang Gawin ko pa to? O Aatupagin ko nalang muna ang pag aaral Ko Para baka sakaleng BALANG ARAW MAGUSTUHAN AKO NG PARENTS Niya..
naiimagine ko na tuloy kung ano ang Buhay namin sa future ,
may tatlong anak , tapos may malaking bahay , may kotse at lahat lahat at higit sa lahat Nagmamahalan kami araw araw Oh diba? HAHAHA ang Feeling ko Tuloy Baka kasi may iba siyang gusto đŸ¤ĻđŸģ‍♀ī¸ malay mo, Pag college na namin mag Ka Gf siya nako! magsisikap na talaga ako sa pag aaral!

Makalipas ang ilang taon at College na ako. Nag kahiwalay kami ng school, wala na din akong Balita sakanya.. pero Heto ako, Nagsisikap sa pag aaral 😊 Nag tratrabaho ako sa Gabi 😞 sa isang restaurant para pangdagdag sa Pera at pantulong na din sa bahay. Sa umaga naman nag Aaral ako, Architect ang Kinuha ko kasi un na talaga ang pangarap ko simula bata pa ako. Di na din ako nag Boboyfriend kasi wala akong panahon doon at tanging iniisip ko kapag napapagod ako ay PARA SAKANYA.. dahil gusto ko talaga siya 🙂

Makalipas ang Ilang Buwan , At graduation na namin . Nakuha ko din ang Pangalawang inaasam ng mga mag aaral kapag Graduate . hindi man ako Valedictorian isa naman akong Salutatorian ng batch namin. Sobrang tuwa ko talaga kasi SA WAKAS! MAKAKAPAG TRABAHO NA DIN AKO AT MAKIKITA KO SIYA ..

Napaisip ako Baka kasi may pamilya na siya ☚ī¸ masakit mang isipin pero sige , Tatangapin ko kung ganon nga ang mangyayare . Basta makita ko lang siya ulit masaya na ako . 😊

SA EDAD NA 24, heto na ako ngayon buti nalang talaga nakuha ako sa isang kompanya para mag trabaho dito sa Ibang bansa sa US.. Mahirap man mawalay sa magulang pero tinitiis ko para din lang naman samin to ng pamilya ko.

Hanggang sa Isang Araw , sa ikalawang Buwan ko palang dito Binigyan ako ng isang proyekto ng boss ko masaya akong tinanggap yun at isang Engineer ng kabilang kompanya *kumpanya ng kaibigan ng boss ko* ang makakasama ko sa Trabaho. Kaya nung araw na yun ay Tumawag saken ang Secretarya ng Kumpanya nila na sa isang Restaurant kami mag Kita at ayon nga dumalo ako kinabukasan para mapagusapan namin ng engineer ang mga bagay bagay na kailangan sa proyekto at sa pagkaupo ko sa table na nakaset samin 5 mins na akong naghihintay at biglang may umupo sa harap ko. Isang Lalaki na naka Shades , gulo gulo ang Buhok at Gwapong nilalang. Nakita ko sa ID sa may Pocket ng Suit nya ang pangalan niya at Nagulat ako , Oo! dahil ang isang lalaking kaharap ko ngayon at ang engineer na makikita ko at makakausap ko ngayon ay ang mismong Nagbigay saken ng Pag asa at Inspirasyon sa Buhay 😮

Nagulat din siya noong nakita ako at tumawa "IKAW PALA..." sabi niya sabay ngiti saken at inalis ang shades nya "Kamusta na?" hindi ako makapaniwala na tatanungin niya ako ng ganon "Parang Kailan lang Bata pa tayo noon..tapos heto na tayo ngayon natupad na ang pangarap nating dalawa" iyon ang linya na mas lalong nakapag pagulat saken kaya kinurot niya ang pisnge ko kaya don lang ako natauhan AS ALWAYS noong bata kami ganon kasi ginagawa niya saken . Nag usap usap na kami about sa mga bagay bagay hindi ko maiwasang hindi mapangiti 😊 Bumalik na ang dating siya na kay tagal ko ng inaasam.

MAKALIPAS ANG ILANG BUWAN at ganon paden kami, labas-labas, usap usap, Pasyal pasyal hanggang sa nanliligaw na siya ngayon saken at Oo nanliligaw na siya inexplain niya saken kung bakit di niya ako pinapansin noon maybe para maisip ko na Mahalaga muna ang Pag aaral bago makipag relasyon dahil masyado pa daw kaming Bata . Nadissapoint siya saken noong may mga naging Bf ako Pero, alam naman niya na dahil Yon sakanya. But its okay , masaya naman na kami ngayon kasi Matagal na yon!! Atleast , Siya paden ang Mahal ko .

At NGAYON, Umabot kami ng 4 years na Relationship, Nananatili padeng matatag ang relasyon naming dalawa . 🤩

IKAKASAL na kami ngayon at Napaka Saya ko sa Buhay na binigay saken ng panginoon dahil natupad ko na ang Lahat lahat.. Kung hindi ako nagsikap mag Aral .. ano na kaya mangyayare saken? Buti nalang at naisipan kong Maghintay kahit gaano pa Katagal 😊


NAKATAKIP ang aking mata ngayon at hindi ko alam kung bakit , "Wag mo munang tatangalin yung panyo mahal ah?" bulong niya saken. Nakakailang man pero Yun talaga ang tawagan naming dalawa. Tumango lang ako bilang sagot "pag bilang ko ng tatlo tatangalin mo na , 1 ... 2 ... 3 ..." inalis ko ang pairing ng aking mata

Pero, Iba ang nakita ko. Birthday ko kasi eh, Tuyo lang naman at kanin ang nakita ko sa lamesa at higit sa lahat isang lalaki pa ang nakita ko sa harap kandong kandong niya ang Anak ko "Pasensya na mahal.. yan lang nakayanan ko eh. mahirap kasi ang buhay ngayon alam mo naman yan. "


Oo tama kayo, Nasa isa akong Kahirapan at ang kuwento ko sainyo ay Panaginip lang na sana mas Pinili ko pa sanang gawin iyon. Isang Pagkakamaling desisyon ang nagawa ko at Iyon ay MAGMAHAL NG SA MAAGANG PANAHON kaya ito ang nangyare saken, isang Batang magulang. Naiiyak man ako sa sitwasyon ko ngayon pero wala akong Magagawa andito na eh,

Ung Lalaki na crush ko, Ayon! May sarili ng Pamilya at may maganda ng pamumuhay samantalang ako, eto.. HAHA nagpakatanga at nagpauto ako sa pagibig sa murang edad. 🙂



Kaya kayo ! payo sa mga READERS : Wag tularan , Matuto tayong Maghintay..wag padalos dalos sa decisyon . Hindi ko naman kayo pinagbabawalang magmahal ng maaga, pero sana alam nyo na kung anong TAMA AT MALI para hindi kayo magaya sakanya sa Huli .🙂


NOTE :
"SAKA KA NA MAGMAHAL KAPAG NAABOT MO NA ANG MGA PANGARAP MO" mas mabuti yon kesa masira ang kinabukasan mo. Nakakabulag kasi ang pagmamahal at dapat nating sundin ang payo ng mga magulang natin na wag muna mag boyfriend/girlfriend sa murang edad 😊

Btw. Hindi po ako yung asa kwento, ginawa ko po ito last 2017 pa at napost ko na sa facebook ko at nag gain naman ng 200+ readers so I post it again here to give some lessons about life and This is one of my inspiration to do or write more stories. 🙂

Thank you for reading everyone I hope that you like this story and Give you some lesson specially sa mga underage na gumagamit ngayon read cash. 😊🙏

And please subscribe me and I will subscribed you too. Thank you 🤩

Hi I'm Reo. 😊

5
$ 0.00
Sponsors of Reo
empty
empty
empty
Avatar for Reo
Written by
3 years ago

Comments

Kaya mo yan Keep it up. 🤗

$ 0.00
3 years ago

Thank you po ate sa support 😊

$ 0.00
User's avatar Reo
3 years ago

Sige 😊🤗

$ 0.00
3 years ago

Nice one I have to use Google translate and I enjoyed it.

$ 0.00
3 years ago