read.cash Log in
R@Renn0 more from that month

Pahinga

๐Ÿ“†03-19-20 ๐ŸŒน@myr_ttch (my own poem fr. Fb acc Myrthe Tatcha) Paano ba ang tamang pahinga? Hihiga, tutulog at ipipikit ang mata? Utak nga'y nakapagpahinga Kaya naging okay ang lahat. Ngunit pano naman yung isa? Ni hindi alam kung pano ang kanyang pahinga. Ipikit mo man ng magdamag ang yong mata Luha naman'y hindi mawawala Humilata ka man buong araw sa kama Sakit nama'y ramdam na ramdam pa Makatulog ka man ng dalawampu't apat na oras Paggising mo ay malalaman mong oras lang pala ang lumipas. Hinuhukay ng pailalim Dinudurog ng patalim Ngunit walang paraan para gumaling. Naghahanap ng pahinga Ngunit bakit hindi makita? Kung tulog lang sana ay sapat na Sakit sana'y hindi na palaging dala-dala.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.