Makulimlim na Hapon sa Lahat

0 31
Avatar for Rena
Written by
4 years ago

Isang malugod na pagbati sa lahat. At ito na naman, tatambay lang muna dito sa community na to, habang inaantay yung paparating na gabi. Isang makulimlim na hapon na sa aking damdamin nagpapawi sa init ng araw at pawis na dati'y dumadampi sa matamlay at malumbay kong katawan.

Heto ako laging nag aantay sa darating na gabi, sa kadahilanan na nawawalan na ng hanapbuhay pansamantala, at sana'y hindi ito pansamantagal. Na labis na ikinababahala ng marami nung sila'y naisali sa listahan ng mga nawawalan ng trabaho, dahil sa pandemyang ito.

Gayo'y paano na ang aking pamilya na aking iniwan kung magiging kabilang ako sa listahan, sana'y di naman. At umaasa pa din naman ako na babalik pa ito sa dati. Tiwala lang ang kailangan at kooperasyon,susunod sa mga alituntunin para tayo'y makapamumuhay ng matiwasay at maipagpatuloy ang buhay, dito sa mundong ibabaw

Dahil sa lagi akong nag iisa sa sulok ng loob ng munting tahanan, kaya madaming pumapasok na palaisipan, at ito'y aking naisipang ipamahagi sa pamamagitan ng pagsulat at ako nama'y nakatagpo ng isang platapormang tulad nito. Na sana'y hindi lang hanggang dito ako, na aktibo sa una lang,sana'y tuloy tuloy na ito.

Bago pa man ako sa platapormang ito, nawa'y may gagabay at makakatulong din sakin,kahit papano at maipagpatuloy ang adhikain bilang isang mamamayang Pilipino. Ensayo lang po ang katapat kung kagustuhan ko'y maging bihasa na manunulat. Alam kong wala akong alam sa pagsusulat, at ang alam ko lang ay ang mga letra at mga titik nito, marunong magbigkas at magsulat. Wala man ako sa kalingkingan ng mga bihasa na manunulat, pero ang masasabi ko lang naman ay ,okay lang. Basta ang alam ko gusto kong magsulat at magbaHagi ng mga ideya kung anong pedi na meron ako sa panahon na sisipagin ang kamay ko.

Nawa'y ipanalangin po nating lahat, sa panahon ngayon na tayo'y mag kakaisa at magtutulungan, na sana maitigil na po itong krisis na ating hinaharap ngayon.

Mapagpalang Linngo po sa ating lahat, mga katambay dyan. Maraming salamat sa pagbabasa at alam kong napaka haba po nito, sana hindi po kayo naguguluhan sa sulat ko, kung ito'y inyong nagustuhan pedi nyo din pindutin yung like button po, at kung gusto nyo ding aabangan susunod kong post, paki subscribe na din. Isang milyong salamat po sa inyong lahat. Nawa'y pagpapalain po kayo ng ating PANGINOONG DIYOS.

Ingat po at sisiguraduhing ligtas ang lahat. 😊

1
$ 0.00
Sponsors of Rena
empty
empty
empty
Avatar for Rena
Written by
4 years ago

Comments

Sana po ay hindi ka makasali sa listahan ng mawawalan ng trabaho. Mahirap po talaga yan. Tyagaan mo lang po ito. Kikita ka din dito.

$ 0.00
4 years ago

Sana nga po, ang hirap pag walang trabaho,babalik na namn ako sa wala.

$ 0.00
4 years ago