read.cash Log in
R@Ren more from that month

Kasaysayan

Maalala, nang hulihin si Rizal noong Hulyo 6, 1892 at ipatapon sa Dapitan dahil sa pagkakatatag niya ng La Liga Filipina, at nang sadyain siya doon nang malaon ni Dr. Pio Valenzuela upang himuking maging pandangal na tagapangulo ng Katipunan, mahigpit na tinanggihan ni Rizal ang alok na iyon. Sa pahayag niya: “Sa simula pa lamang nang mapansin ko ang binabalak, tinutulan ko ito, kinalaban ko ito, at ipinakita ko na ang kilusang ito ay tiyak na hindi magtatagumpay. "Bakit ganoon ang pahayag ni Rizal? Bakit hindi niya ikinatuwa na nagising na rin ang sambayanan, kagaya ng gusto niyang mangyari sa kanyang nobelang Noli at El fili.Ano nga kaya ang ideya ni Rizal tungkol sa pambansang kalayaan? Kung tinutulan niya ang pagkakamit ng kalayaan sa pamamagitan ng rebolusyon, ano kaya ang ipinalalagay niyang tamang pamamaraan upang makamit noon ng Pilipinas ang kalayaan? Kung hindi nga naging lider ng rebolusyon si Rizal, bakit siya itinanghal na pambansang bayani? “Kabataan ang pag-asa ng bayan”Sa panahong sinakop tayo ng mga kastila tinatawag na mangmang at walang alam, Indio kung tawagin sa aklat na inilimbag ni Jose rizal na pinamagatang Noli me tangere at El filibusterismo kung saan dito masaksihan ang paghihirap ng ating mga ninuno na pinagkaitan ng kalayaan at mariwasang pamumuhay sa ilalim ng mga kastila. Ang ating kalayaan ay hindi matatamo sa pamamagitan ng dulo ng espada upang ipagtanggol ang ating bayan Ika nga ni Jose Rizal hindi solusyon ang dahas upang makamit ang kalayaan. Sa murang edad na mulat kami sa kahirapan at gawain ng mga naglilingkod sa pamahalaan bilang gahaman sa pera at kapangyarihan makikita natin ang mga mapagpanggap na pulitiko, mga mapagmahal sa salapi, na wawasakin ang masa sa kanilang mga sikmura. Hanggang sa kasalukuyan patuloy parin kinakaharap ng mga Pilipino ang problema na kailangan may nagdudusa sa sariling bayan. Gaya kay Jose rizal ito ang kanyang ginagamit upang makabuo at mailabas ang kanyang hinanakit at galit kung saan nagbibigay ito ng malaking tulong sapagkat ang mga mamayan na bumasa nito ay mamulat sa katotohan gaya sa kasabihan na “Pen is mightier than the sword” makabuluhan ang panulat at papel na ginagampanan ng sandata sa pangkasalukuyang pangyayari, sa pamamagitan ng pagdakila sa katalinuhan ng tao, sa pamamagitan ng pagmamahal sa katarungan, katuwiran at kadakilaan sukdulang ibuwis ang ating buhay. Ang pagtahak ng edukasyon ay parang giyera kailangan ng sandata upang may panlaban at maging handa sa kahit anong oras kaya bilang mag-aaral meron din tayong sandata upang makapagtapos at makatulong hindi lamang sa pamilya kundi para narin sa para sa inang bayan.Kung sa gyera patalim ang kinakalingan, sa paaralan namay panulat ang kinakailangan wag maliitin sapagkat ito ay nagbigay ng malaking tulong saatin tulad ni Jose Rizal ang panulat ang siyang nagsilbing instrumento upang mamulat sa katotohanan ang mga pilipino. Sapagkat hindi kailangan magbuwis ng buhay para lamang makamtan ang titulong "bayani" at hindi kailangan ng patalim para makalaya ang bansa. Sapat na ang panulat at papel upang gisingin ang mga pilipino sa ating kamang-mangan. Ang edukasyon at kalayaan ay dapat na laging magkaugnay kagaya ng kanyang sinabi sa sanaysay niyang “Sobre la Indolencia de los Filipinos” na “kung walang edukasyon at kalayaan na siyang lupa at araw ng isang tao, walang repormang posibleng maganap, walang hakbang na magbubunga ng ninanasang resulta.” Ang pagkakaroon ng sapat na edukasyon ay gabay ng sinuman sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan, hindi lang ito mag-aahon sa atin mula sa kahirapan bagkus ito ay susi upang makatulong sa ating magulang at maging sa inang bayan. Ika nga nila "Ang edukasyon ay tanging pamana na kalainmay hindi mananakaw ninuman", hindi makakamit ang kaunlaran ng bansa sa tulong ng masa kaya obligasyon natin na tulungan ang ating sarili.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.