Noong bagong kasal kami nang asawa ko we are struggling talaga financially kasi palagi akong nakukunan mahirap. Tatlong beses akong nakunan, Isa sa pinaka mahirap na nangyari sa Buhay namin mag asawa. But, Hindi kami sumuko sa mga hamon nang Buhay. Maraming tao Ang nag pray para sa amin na maging okay Ako physically and emotionally. Ang husband ko palagi syang nag pa fasting para humingi nang tulong sa Diyos. Early nang 2015 na recieve namin ang magandang balita na buntis ako, pero kaming mag asawa nalito sa pwede naming maging reaction. Inisip namin baka makunan na naman ako. Pero dahil sa mga panalangin at pananampalataya sa Panginoon nakakita kami nang Isang magaling na OB. Tinulungan kami na mabuhay yong anak namin. Fast forward, hindi parin naging madali ang buhay. Marami paring pagsubok pero, ang pinaka maganda na blessing ay nabuhay ang anak ko at ngayon ang birthday niya. Malaking blessing sya sa buhay namin at lalo na sa akin kasi naging Ina ako dahil sa kanya. She is now 7 years old.
No comments yet