read.cash Log in
@Rejen

While waiting na magising mga anak ko napaisip ako sa mga karanasan ko sa buhay. Sa murang edad nakita ko kong gaano kahirap ang buhay. Dahil sa hirap minsan nanghihiram kami nang bigas sa tiyahin ko. Most of the time binibigyan nya kami, kahit marami syang sinasabi at the end of the conversation binibigyan nya parin kami. Kaya grateful ako sa tiyahin ko na iyon. Nakakatandang kapatid sya nang mama ko. May apat syang anak at alam ko sa panahon nayon nahihirapan din sya sa pang araw araw na pangangailangan. Pero, pinili nya parin na bigyan kami. Nakita at nararamdaman ko kong gaano nya kamahal ang mama ko. Malaki Ang utang na loob ko sa tiyahin ko. Hanggang ngayon sya ang tunay na kasangga ni mama at mag best friend talaga silang dalawa. Si mama ko may Alzheimer's na pero Ang tanging Hindi nya makalimutan Kong gaano sya kamahal nang kapatid nya. Pareho silang mabuting Ina, kumakayod para sa mga anak. At ang tiyahin ko kumakayod padin para sa mga apo nya. Kaya saludo ako sa kanya. Hindi lahat nang kamag anak ay katulad nang tiyahin ko. Kong meron tayong kamag anak na mabuti ang kalooban e treasure natin at suklian natin ang kabutihan na ginawa nila sa atin.

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.