Huwag mong hayaang maging tanga ka sa pag-ibig. Yung tipong alam mo na ngang niloloko ka na niya ay mahal mo parin siya. Ang pag-ibig hindi pagpapakatanga. Ang pag-ibig ay hindi pagpapakamartir. Minsan isipin mo din ang sarili mo at huwag puro siya. Huwag na huwag mong hahayaang isa ka lang option sa kanya. Huwag mong hayaang lokohin ka niya. Huwag mong sanayin ang sarili mo sa pagpapakatanga sa isang taong di naman deserve na mahalin mo ng ganyan. Wake up! Isipin mo ang sarili mo na masyado nang nasasaktan sa mga ginagawa niya. Minsan kailangan mong pakawalan ang taong mahal mo para marandaman niya na kaya mong mabuhay kahit wala siya. Malay mo sa pagkawala mo, maiisip niya na mahalaga ka pala sa buhay niya.—✌️✌️ hahaha isa na namn tinamaan kso di nag babasa haha
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet