read.cash Log in
@RazellaOnNoiseApp

Magandang gabi sa inyong lahat πŸ€— In demand dito saamin ang mga taga bantay ng baby, dati 3k to 4k ang sahod ng taga bantay monthly, ngayon pumapatak na 7k wala paring mahanapan at walang may gusto haha. Walang mahanapan sila ate ko na magbantay sa pamangkin ko, magaaral na kasi siya ng kinder eh need taga hatid sundo, both working sila ate at kuya kasi. At dahil wala pang mahanapan, no choice si mama siya muna sa ngayon magbantay, si mother in high ng ate ko may binabantayan din siyang baby kasi. Mejo malayo sa bahay namin ang bahay ng ate ko. Naiwan si Daddy sa bahay kasama si Panganay, si second to the last, at si bunso. Ako naman na umuwi galing work, dumeretso ako sa bahay ng isa ko pang ate kasi feeling ko wala akong gagawin sa bhay dahil wala dun si Mama. Boring ang bahay pag wala si Mama, pero unfair kay Daddy kaya umuwi ako sa bahay nung Sunday ng gabi. Nung umuwi ako sa bahay namin, napangiti ako....In fairness kay Daddy malinis ang bahay namin, walang labahin, walang hugasin, malinis ang lababo at table, basta malinis ang bahay! ☺☺ Marunong na dati pa si Daddy ng gawaing bahay kasi nakikitira siya noon, pero surprise parin ako na after 1week na wala si mama sa bahay eh mas malinis ang bahay πŸ˜… or sadyang wala lang talagang tao sa bahay kasi panay lalaki sila kung saan saan pumupunta uuwi na lang ng gabi πŸ€·β€β™€πŸ˜ I love every minute with my Fam πŸ’™ #Raze

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.