Hindi kita ikakahon sa'yong pagkukulang o pagkakamali Ang iyong mabubuting nagawa'y sasariwain palagi Palaging hahanapin ang pag-ibig sa likod ng bawat mong gawi Ang masasaya kong alaala sa'yo ay mananatili. O anong liit natin kumpara sa kalawakan O anong iksi ng buhay kumpara sa walang hanggan Ipaalala ito sa akin nang mahimasmasan Sa mga panahong ang puso ay tigib ng kabalisahan.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet