Handa ka na ba magka-COVID?
Habang ginagawa natin ang lahat upang maiwasan o mapaliit ang tsansang makuha ang COVID-19 sa pamamagitan ng minimum public health standards (face mask + physical distance + iwas enclosed space + handwashing/disinfection), magandang handa rin tayo kung sakaling kalaunan ay makuha natin ang virus. Ipagpaliban na muna ang pagbili ng milk tea o paggastos para sa mobile game sa mga susunod na linggo, at i-prioritize ang pagkakaroon sa inyong bahay ng tatawagin nating "COVID-19 Mild Symtoms Management Kit" kung sakaling maging symptomatic (mild) at kailanganing mag-isolate sa bahay. Ang mga kaibigan kong nagka-COVID ay nakaranas ng lagnat, dry cough, sore throat, headache, at body aches and pains--mga sintomas na minanage nila sa kanilang sarili habang mag-isa sa bahay. (Habang may constant communication with their doctors of course.) May kasama rin ako sa trabaho na suspect case, na pinayuhan naman ng kanyang doctor na mag-increase ng intake ng Vitamin C (up to 1000/1500mg) + Zinc (10 mg) at Vitamin D3 (800iu x 2). Sinabihan din syang uminom ng melatonin kung kailangan para sa mahimbing na tulog sa gabi. Niresetahan din sya ng isang gamot para sa bacterial infection para sa kanyang sintomas. Maliban sa antibiotic na kinailangan ng reseta, ang lahat ng mga gamot para sa ibang mild symptoms ay "over-the-counter" at magandang maging laman ng First Aid [Medicine] Cabinet sa ating mga tahanan, lalo na ngayong panahon ng pandemya. Maging bukas din sa senaryo na makaranas ng severe symptoms. Mainam na paghahanda para rito ang pagkuha ng reliable na health insurance na makaka-cover sa iyong medikal na gastuhin kung kakailanganing maospital. Nabasa ko sa post ng isang kaibigan na ang anim na araw na pamamalagi ng kanyang nanay sa ospital ay inabot ng P100,000.00.
No comments yet