read.cash Log in
@Rainbow

Maligayang anibersaryo

Sa loob ng sampung taon na pagsasama natin aking mahal na asawa. Nananatili tayong matatag at lalong naging matibay. Kahit maraming pagsubok ,sakuna ,problema, sakit o karamdaman ,sa hirap o ginhawa ,sa kasaganaan at sa kasalatan naging matibay tayo mahal. Dahil ang naging gabay at sandigan nating mag asawa ay ang Diyos . Naging maayos din ang pagpalaki natin sa ating mga anak dahil naging responsable kang ama. Alam Kong di ako nagkamali ng piliin kita at ganon kadin sa akin. Kayanaman nakayanan natin lahat ng mga dumating sa atin. Salamat sa pagmamahal mo sa amin ng iyong mga anak . Sa pagiging kaibigan at mabuting asawa sa akin. Naway gabayan at laging patnubayan tayo ng ating maykapal.

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.