Mahirap palang magkaroon ng sariling bahay kung low income or average income ka. What more kung wala kang regular na work. If you are earning less than 40k pesos a month,hindi ka pwede sa maayos na condo, townhouse o house and lot na matitirhan. Pero meron din naman daw yung mga foreclosed properties daw o yung mga natirhan na na di natapos bayaran. Kailangan, kumikita ka daw ng nasa 200,000 pesos a month para ma-afford mo yung mga magagandang matitirhan, labas na mga monthly gastusin mo dyan. Kaya pala madaming nagrerent na lang kasi talagang di kaya dahil mostly sa atin mga low and average income. Gaya nung napagtanungan ko nung isang araw, ang post nya 5,675 a month, ang ganda ng bahay, bagong bago, tinanong ko kung bakit ganong kamura para sa isang bagong bagong bahay. Yun pala naman 5.6 Million pesos dw yun na total selling price nila. Pang bluff lang pala yang 5,675 monthly. Kung hindi ka OFW o liban na lang may maganda ka talagang kita dito sa Metro Manila, di mo kakayanin ang ganyang halaga. Pasensya na lang at napabilang tayo na isa sa mga laylayan ng lipunan.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet