read.cash Log in
@Puroypoi more from that month

Si Oyo, yung bida sa nakaraang kwento. Sa pamamagitan ng isang meeting, ay nalaman nya sa kasalukuyan nyang mga amo, na dumating na pala sila sa puntong pinatatanggal na sya ng isa sa kanyang mga amo. Dahil hindi daw para sa lahat ang kanilang ginagawang propesyon. Ngunit malaking pagbabago daw ang naganap kay Oyo, matapos ang isang buwan buhat nang magsuhestyon ang isa nyang amo na tanggalin sya. Matapos ang meeting, nalaman nya rin mula sa isa nyang amo, na ang suhestyon na iyon ay isang lihim na di na sana binanggit sa pagpupulong at kung bakit sya ay tinutukan sa kanilang training nuong isa pa nyang amo. Nang tanungin sya ng isa nyang amo kung ano feelings nya ng marinig ang ganon rebelasyon, ang tanging nasagot nya ay " Ayos lang daw at hanggang maaga ay nalaman" pero sa huli sinabi nya na malungkot rin ng marinig nya yun. Sabi naman ng amo nya, kung kelan tapos na saka pa daw nalungkot. Kaya bilang pang alo ng isa nyang amo, parang dinamay nya yung 2 pang trainees at sinabing , kasama rin yung 2 iyon sa mga nanganganib nuon. At tila baga epektibo naman dahil pansamantalang nawala sa alala ni Oyo ang ganong senaryo sa kanilang meeting pero muli siyang nalungkot at napag isip sa oras ng kanyang pag iisa at isipin di malayong maulit na matanggal sya tulad ng pagkakatanggal nya sa dating trabaho nya.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.