Dito sa amin, tuwing Sunday, parang laging may misa sa buong paupahan sa sobrang lakas ng panonood nung isang kapitbahay na nagsisimba. Para yatang gustong idamay ka na, na magsimba. Di ka tuloy makapanuod dahil naooverpowered ng sounds nila ang papanoorin mo. Pwede naman nakasara pinto kung di maiwasan malakas ang gagawing sounds. Kahit sarado na pintuan namin dinig pa din. Sa akin lang, iba iba tayo ng paraan kung paano magbigay pugay sa Lumikha. Huwag natin kalimutan may tahimik lang na nagbibigay pugay. Para kasing di mo na nirerespeto yung paraan ng iba at parang ang dating pwersahan sumabay ka sa gusto nila. Di naman pinoforce yan. Mas effective kung in silent ka magconvince. Tapos ano after ng misa, syempre wala na rin ang sounds. Parang may iniimply lang kasi sa lakas ng sounds nila sa panunuod. Ang dating tuloy sa akin, pakitang tao lang. Hay Sunday! Yan naibulaslas ko na. Mamaya okay na ulit. ;) #MemaLang
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet