Ito po ang mapapayo ko sa mga nahihirapang maghanap ng trabaho. Pakiramdaman mo ba ang dami mo ng inapplyan pero wala ka pa ring mapasukan? Yun bang tipong gusto mo ng gumive up dahil sa hirap kang makahanap ng trabaho? Magpatuloy ka lang sa paghahanap, dahil parte talaga yan ng buhay. Magpatuloy dahil may matitisod ka rin sa katagalan. At yang mga nakolekta mong mga rejections, yan ang magpapatibay sa iyo. Basta gamitin mo lang yan kung paano mo mapapabuti ang mga susunod mong aapplyan. Mahahanap mo rin sa katagalan ang tamang mapapasukan mo, ang kumpanyang tatanggap at magtitiwala sa iyo. At pag nangyari yan, wala nang pinakamasarap sa mundo, kundi ang namnamin na napagtagumpayan mo ang minsang pinaghihirapan mong hanapin. #MemaLang
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet