Kuya kulang ako ng tatlong piso, yan ang sabi ni tricycle driver sa kanyang pasahero. Sabi naman ni pasahero, sige okay sabay tanggap ng kanyang sukli sa singkwenta pesos na inabot nyang bayad. At pagkaabot ng sukli, biglang pinaandar na ni driver ang tricycle. Laking gulat ni pasahero ng bilangin nya ang sukli, bukod sa kulang na nga e sobra sobra pa ang singil sa kanya. Walang magawa si pasahero kundi ang maghimutok at sabihin pagpalain ka sana sa ginawa mo. Yan ang maikling kwento ng manlalamang na tricycle driver at ng pasaherong gigil sa pangyayari. ;) #MemaLang
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet