Pagsubok

0 25
Avatar for Pretyjhen
4 years ago

Sa araw araw ng ating buhay
Kaydaming pagsubok na sumasalakay
May araw na masaya at makulay
Meron din namang sadyang kay tamlay

Paano mo nga ba ito haharapin
Anung paraan ang dapat isipin
Kailan bang ginhaway kakamtin
Sino bang andiyan para ikay sagipin

Maraming bagay dapat isa alang-alang
Kung alin ang sapat, alin ang kulang
Ang tama at mali dapat itimbang
Para sa huliy walang maiwang patlang

Anumang tadhana ang sayo'y nakalaan
Sari-saring tungkulin ang gagampanan
Lahat ng hirap na iyong mararanasan
Gawing inspirasyon at iyong kalakasan

Hindi lahat ng taoy iyong kaibigan
Minsan ang iba'y di mapapagkatiwalaan
Maaamong tupa sa iyong harapan
Sa iyong pagtalikod ikay sisiraan

Lageng maniwala sayong kakayahan
Sapagkat madalas sarili ang sandalan
Dito sa mundong puno ng kasalanan
Tibay ng loob gawin mong sandigan

Lageng tibayan ang pananampalataya
Sa buhay na di tiyak kung kaob o kaya
Bumuo bawat araw ng mga memoryang sariwa
Pagmamahal ang lageng sayoy magpapalaya

1
$ 0.00

Comments