"HUWAG SAMANTALAHIN ANG TAONG GIPIT" -Kanina my lumapit kay nanay binebenta yung inani nyang mais nakikiusap kay nanay 50 pesos lang daw siguro nasa 7to10kl din yung dala nya mais, Pambili lang daw ng ulam ng kanyang mga anak, patay na din kasi asawa nya kaya sya nalang bumubuhay sa mga anak nya, alam naman namin na nahihirapan sila sa buhay. Kinuha naman ni nanay yung dala nya mais binayaran nya ito ng 50php kung tutuusin di ganun ang halaga nun dala nya tapos kumuha si nanay ng bigas inabot sa kanya at binigyan pa ito ng additional 300. Sobrang pasasalamat nung ale kay nanay sabi nga nya di sya nagkamali ng nilapitan. Actually halos yata lahat ng nagttinda gulay prutas dito pinupuntahan si nanay kasi alam nila di sila mapapahiya. Sobrang proud ako sa nanay ko! Nakaka proud maging anak nya, sabi nga nya kung may sobra at kaya naman ibigay sa iba bakit hindi diba. Sabi rin nya kaya mura ibenta yun kasi nagigipit yung tao. Yung mga taong nagigipit dapat wag samantalahin instead kung kaya naman tulungan tulungan natin ito sa paraan na kaya natin.☺️ Sarap i Flex ng nanay ko hihi! Maganda gabi eto nailaga na yung mais kain tayo hihi
No comments yet