read.cash Log in
@Pretyjhen more from that month

Pagsubok

*Sa araw araw ng ating buhay* *Kaydaming pagsubok na sumasalakay* *May araw na masaya at makulay* *Meron din namang sadyang kay tamlay* *Paano mo nga ba ito haharapin* *Anung paraan ang dapat isipin* *Kailan bang ginhaway kakamtin* *Sino bang andiyan para ikay sagipin* *Maraming bagay dapat isa alang-alang* *Kung alin ang sapat, alin ang kulang* *Ang tama at mali dapat itimbang* *Para sa huliy walang maiwang patlang* *Anumang tadhana ang sayo'y nakalaan* *Sari-saring tungkulin ang gagampanan* *Lahat ng hirap na iyong mararanasan* *Gawing inspirasyon at iyong kalakasan* *Hindi lahat ng taoy iyong kaibigan* *Minsan ang iba'y di mapapagkatiwalaan* *Maaamong tupa sa iyong harapan* *Sa iyong pagtalikod ikay sisiraan* *Lageng maniwala sayong kakayahan* *Sapagkat madalas sarili ang sandalan* *Dito sa mundong puno ng kasalanan* *Tibay ng loob gawin mong sandigan* *Lageng tibayan ang pananampalataya* *Sa buhay na di tiyak kung kaob o kaya* *Bumuo bawat araw ng mga memoryang sariwa* *Pagmamahal ang lageng sayoy magpapalaya*

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.