Happy new year from our family to yours!! From socor to ph. Cheers of another year of life🎉 Nawa'y kung ano yung 2021 ay mas biyaya pa sa 2022, at naway walang magkasakit sa ating pamilya at ilayo tayo sa anumang sakuna o disgrasya. Ganun din sana sa inyong pamilya at mahal sa buhay!!
@Pretyjhen in January 2022
Magandang hapon sa lahat, gandara ng pagpasok ng newyear ko pag check ko kagabi my $42 worth of token ako sa coinw😍 siguro yung nasasalihan ko sa twitter to kaya meron nito nakakatuwa naman talaga pag ganito napalitan agad ung nailabas na mamaya i coconvert ko din sya sa BCH my 0.6 nako hold since dec 15 malapit na goal ko 1bch hhihi meron na sana kung di lang naiconvert sa ibang cryto like cprx at naluge pa sa takot ko ma banned nilabas ko sa 3.75 php nung isa araw eeh.
Share ko lang yung biniling contis cake ng kapatid ko para sa new year eve, napagod ata sa byahe tumagilid na hahaha.. Magandang gabi kakatapos lang ng unang pagsamba ngaun pagpasok ng taon. Salamat po AMA. Napaka ganda ng pagpasok ng taon dahil ikaw agad ang aming kasama.
Goodmorning happy sunday everyone!! Bawat gising ay napaka ganda! Bawat gising ay pagpapala! Bawat gising ay biyaya! Kaya pag mulat pa lang ng ating mata wag selpon agad ang hanapin, ikaw pumikit muli at magpasalamat sa dyos sa panibagong biyaya ng buhay!! Tara kape my taste bread pang natira galing nung salubong hahaha
Hindi ginalingan magtago ng kapatid ko hahaha may natira pa pala salad sa freeze nasa pinaka sulok ayan may bimiryenda tuloy tayo ngaun hapon, mamaya gagawa ako buko pandan naman birthday bukas ng aking bayaw gusto daw nya ng buko pandan kaya gagawa mamaya ayus din yun para may makuha pag walang miryenda eheh
Here at sm, night ride with love 😍. Pupunta sana kami dun sa bagong mall global mall na may pa bazzar sa labas kaso yung dadaanan namin is sobrang liblib at balitang madami pinapara dun kaya wag na lang sa sm nalang kami nakapag palagay pa kami ng hydrogel tempered ng phone namin for 700php dalawa phone pwede na din mas safe daw to di madali mabasag kesa sa tempered glass.
Goodmorning!! Monday yung iba my work back to work na sila this monday morning hehe, ingat po. Inubo ako at sinipon parang nanunuyo yung lalamunan ko sa lamig ng panahon, kaya ng panili ako nito firshermant friend mint candy mas effective sakin to kesa dun sa isa na parang maxx candy haha gusto ko mint kase at masarap talaga sya. Ehe
Happy na birthday pa continues celebration samin pag pasok palang ng taon 4 na katao sa bahay ang my birthday ng january eheh yung bayaw ko nyan request nya lang samgyup and alak assusual hehe hinihintay nalang mga ka GINuman nya yan maya maya hahaha.
Panghimagas, buko pandan, green jelatin buko pandan flavor, buko, green kaong, and white nata tapos sa cram evap milk, condence and all porpose cream. Mas masarap ang buko pandan pag hindi sya masyado frozzen may sabaw pa ng cream at sakto tamis lang hindi masyado matamis yoko ng super sweet nawawalan na kasi ng creammier pag super sweet eeh sakto lang baga ehe
Goodmorning pelepens! Napasilip tuloy ako sa mga cryto pag gising nasa ibat iba wallet hold ko bch at xrp ang bch natin nag sstay sa 21k,22k ayaw umangat jan, malapit pa naman mag birthday si mama wala akong cash na hawak sana naman tumaas sya isang pump lang kukurot lang ako ehehe. kahit alin lang sa dalawa bch o xrp masaya nako kaya isali na yung cprx ni abra ehe
Mga batang kemekemerut kung ano kulay ng suot ng isa dapat ganun din sa isa. Magpinsan sila pero mag bestfriend at kapatid ang turingan pag wala ang isa sa nasa lola naghahanapan sila hindi makatulog ang isa pag wala ang isa ganun talaga siguro dahil sabay sila lumaki sa iisang bahay pa at magkaedad halos at magkasama. Hehe
Dumaan lang kami jollibee at eto lang kinakain ko jan haha wala naman iba nagpapapunta lang dito yung mga babies ee pinagbigyan lang pero di rin naman sila nanabik sa food sa lugar lang sila nanabik ang iingay ng mga chikiting pag datingsa jolibee ayaw naman kumain kinain lang din yung dala dutchmill at biscuit hehe ako naman my favorite cokefloat and jolly hokdog syempre.
Sizzling night, burger patties with mixed vegies and egg for dinner!! Nakakatamad na magluto ee ksya eto nagpunta kami malapit lang naman so go na ngaun gabi lang naman hahaha nag crave din ako ng mixed nuts and binatog kaya mapapabili pa kami nito. Magandang gabi sa lahat kumain naba kayo? Sumasakit ulo ko grabe naghahanap din kami gamot sa madaanan namin pharmacy dito wala sila available na biogesics and paracetamol nagkakaubusan yata.
Good morning pelepens!! On the way hospital followup checkup ng bembem namin naka 1 month na sya sa 6month nyang gamutan medyo may improbment na yung kulani nya sa leeg medyo lumiliit na continues lang pag inum nya antibiotics kahit pahirapan sa pag inum nya kailangan ee para gumaling agad sya at maagapan habang primary pa lang yung sakit nya sa likod.
Laking ahas neto ssend sakin ni jowa nahuli daw dun sa work nya lagi sila my nakikita ahas jan, may mga cobra pa nga pero yan parang yung hindi naman sobrang wild yung sakto lang sya patulog tulog baga eheh nangingitlog pa daw nung nahuli nakupo nagpapadami pa ng lahi hehe
Hair fall problem? Mga madam eto yung problema ko manipis na yung buhok ko dahil every maligo ako laki ng nababawasan ng buhok ko. Ano maganda remedy dito? Baka mamaya isang araw wala nako buhok sa lakas maka lagas haha yoko maging kalbo no
Lucky money fruit tree, gandarah parang mga cherries key tita andami nya binebenta din nya gusto ko rin sana kaso wag nalang iniisip ko yung mga bata samin baka mapansin akala prutas o pagkain pitasin pa at kainin hehe eh di naman sya kinakain baka malason pa.. may ganito din ba kayo sa bahay? Ganda no? Omg pababa pa ang ating BCH sumabay pa xrp🤦 pano nalang neto kukurut. Sana biglang pump na kailangan ko kona pakurot
Eto pananga ko sa omicron virus haha parang trankaso lang daw sya hindi naman ganun kalala at maagapan agad, yun nga lang mabilis lang sya kumalat. Fisherman friend lang katapat sakin nyan lalo na pag my sipon at at bumabara sa lalamunan sarap ng mandarine at ginger flavor nya tapos mind pa nakakarelax sya ng leeg simula nung bumili ako nawawala sipon at ubo ko at masakit sa lalamunan
Itatabi ko na din matulog ang cryto dito🤦 baka pag gising double na. Natulog na nga at nag stay sa pwesto ngaun naman sobrang sumarap ang tulog at nag deep ng sobra grabe lahat ng iinvest ko cryto deep BCH,XRP,CPRX mag 2months na din tulog parang my balat yata ako HAHA pag ilabas ko nyan tsaka tataas gaya ng mga nakaraan HAHA pero hindi hold pa matibay pa ko kakapit pako kayo din ba? Ehe
I am not sure if real to or not kasi naka bili kami sa kilalang drugstore same sa sinasabi nila fake daw. Imposible naman siguro na magbenta sila fake dun sa planet drugstore hehe pero nakikita ko to nagkalat ss fb which is sinasabihan ang publiko na mag ingat sa mga fake ng biogesic daw kasi nga nagkakaubusan ng gamot, alam naman natin uso yung trankaso pag ganito malalamig ang panahon sa atin mapa bata at matanda and sumabay pa yung covid. Kaya minsan kung ttrankaso ka…
Habang lumilipas ang araw padugo ng padugo ang laban!! Oh my hangang kailangan ako susubukan ng katatagan hahaha BCH XRP BAT LTC CPRX hold ko lahat madugo binili ng deep mas lalo nag deep huhuhaha. Kaya pa yan baka april tataas yan like nung nakaraan taon ganyan din pag pasok ng taon madugo pag inani to sana double na. Hindi na ko naghold ng cryto sa abra pull out kona kasi dami nababanned kahit wala naman reason para i banned account nila natakot lang ako kaya sa ibang…
Eto yung hair clip na pinapangarap ko nung bata ako kaso lang hindi ako magawa mabilhan ni mama sa hirap ng buhay imbis na ipambili ee pang baon nalang. Ginagawa ko pag magpasko nun at may sobra ako bibili ako para may butterfly ako gumagalaw galaw pag naglalad ako hehe. Ngaun kahit 10 nito kaya ko na bilhin hehe napakababaw ng pangarap ko nuon diba, kaya sabi nga kailangan maging thankfull tayo sa mga biyaya narerecieve natin dahil yung mga bagay na meron na tau eh…
Bagong set na negosyo additional pagkakitaan ngaun taon hahaha naku naku hindi na nga namin maharap ng maayos yung ibang paninda dinagdagan pa ng aking kapatid hahaha pero okay lang habang mabenta lang naman ngaun at medyo matumal yung shake and milktea ngaun medyo malamig eeh. Maganda umaga sabado ang bilis ng panahon sabado agad ah ne parang kailangan lang nag new year 1 week na agad ang nakalipas.
Normal lang ba na after 15years eeh sumasagi pa din sa isip at panaginip natin yung taong nagdaan sa buhay natin nuon? Kahit na may nagpapasaya sa atin ngaun at ganun din sa kanya? Dont know why minsan napanaginipan ko sya then madalas na sya sumasagi sa isip ko, kahit yoko na sana sya isipin dahil para ano pa diba? Tagal ng panahon masaya naman ako kung ano meron ako ngaun. Minsan lang talaga bigla sya simasagi sa isip ko, yung unang lalaki na minahal ko ng sobra nuon bata…
Anong oras nanaman kaya ikaw matutulog bembem ko HAHA ganadong ganado pa manuod manuod eeh mukha magpupuyat nanaman tayo nito ah. Maganda gabi sa lahat kakatapos lang namin kumain tinapa talong sawsaw sa green manga may labanos kamatis at bagoong sobrang solve yung gabi pag ganyan ang ulam diba
Goodmorning milky polboron for today!! Visit lang ako kay cousin nag gagawa pala sya ng polboron then binebenta sa mga co worker nya for extra income! Nice sa hirap ng buhay ngaun kailangan talaga ng extra income para dagdag kita. Kaya wag mahiyang mag benta basta marangal at maayos ang tinitinda go lang ng go. Happy sunday morning everyone!!!
Kala ko naman saan kami pupunta at dinala nya ko sa nagtitinda ng chocolates hahaha napagastos tuloy sya ng wala sa oras, niloloko ko sya bakit ang aga ng pa valentines jan palang kako nextmonth pa ang feb hahaha sana kayo din kahit wala okasyon may pa chocolate ehe
The weather was so good today, just spot the beautifull view of mt.arayat with the sun covered by the white cloud. nasa kabilang lalawigan/bayan kami ngaun ng cabiao nueva ecija dito alam ko dito din nakatira si sis @Yen nanuod kami ng kakera ng kalabao kasama si boyfie at yung mga friends nya. Kanina pa kami dito pauwi na din kami nyan miryenda lang then uuwi na eheh
Almost 1am nako nakatulog kagabi napuyat ako kaka online bingo HAHAHA na willy ako dito napa cashin tuloy ako 200 naging 1500 co agad ang 1k para safe diba ganun dapat mag maglaro hindi yung go lang ng go HAHAHA naiinip kasi ako sobra pag gabi pag binabantayan ko yung mga babies namin dito dahil late sila natutulog nagsasawa din ako manuod ng manuod sa yt haha lowbet lang naman jan pa 5 pesos lang naman hehe friend ko din yung agent kaya nakapasok ako hehe
Nilagang mani for lunch/ miryenda sobrang na busy sa pag gawa ng mga paninda binabalot lahat ayan di na nakakain nglunch tinamad nako sakto luto na yung nilagang mani na binili ko kanina 90php per kilo bumili ako 2kl kasi mahilig nga kami mag chicha mapa mais mani ganun hehe sarap eeh
Legit nga 100% yung kanina ko pang umaga inaantay na may mag tut ngaun gabi lang sya naging ok grabe nawala man 500 ko nung una try ok na din naka 5 nako nagamit and 3 pending medyo matagal na pumaosk yung code ngaun pero okay lang importante meron na mga jupatid ko kahit wala pa ko na ccashout para sa sarili ko hehe Maganda gabi sa lahat
Notice letter from the mayor's office effective pa pala nung jan 9 ngaun umaga lang binigay liqiur banned again, then bawal lumabas wala facamask and vaccination card with boaster stay at home lang pag wala ka nun. dapat pagka 3months ng last vaccine mo nagpa inject na eeh kami naka 3months na nung dec 26. Kaso ang pagkakaalam ko yung sinovac effective sya 6months kaya di kami nag pa boaster pa tapos ngaun bigla mag 3month. Goodmorning everyone! Have a great day!!
Busy busy ang lola nyo buong maghapon ng babalot ng cheesestick and lumpia toge non stop mga bumibili ee.. kahit medyo sad ako kahapon nag sell ako ng 0.2 BCH AT 105XRP kahit sobrang down kailangan eeh lumapit kasi tito ko nanghihiram sya dahil yung apo nya which is pamangkin mo nakaconfine sa hospital. Matitiis ko ba naman lalo na sa ganyan pagkakataon diba? Naka withdraw tuloy ako kahit sobrang deep wala ee kailangan ganun talaga ang buhay. Mas malaki magiging kapalit…
Goodmorning!!! sobrang nalulungkot ako pag nakakakita ako ng ganito pangyayari sa bundok grabe sunog ang ginagawa nila kahapon to nh hapon tapos nung gabi na pauwi kami sobrang laki ng apoy magkaibang parte pa ng bundok hindi ko alam ano to baka daw nag cacarbon lang sabi nila. Pero wag naman sana sunugin yung ating bundok. Tayo din ang babalikan nyan balang araw at wag naman sana. nakakikita na nga halos makalbo na din sa parteng ibaba ee. dapat ay mahalin ito at alagaan…
After lunch may pa miryenda naman ang aga miryenda nito, may birthday dun sa tita ko isa hindi sya nag invite dahil bawal kaya pinagdala nalang kami ng miryenda spagetti jelatin and biko. Naks sarap ng miryenda sigurado naman talaga mabubusog ka sa sarap ehe
Hindi ko talaga alam kung ano meron bat lagi ako binibigyan ng chocolates ni jowabels ngaun ah nung nakaraan din ngaun isang malaki hersheys naman hahaha. Bawing bawi ang pagod and stress na dumadaan sa araw araw. Honestly sobrang masasabi ko na sobrang swerte ko sa kanya unang una sa lahat sya yung nag turo sakin at at naging daan para ipalapit ako sa Dyos. na dati hindi ko alam kung saan ako relihilyon pumupunta. pangalawa sobrang swerte ko dahil sobrang spoiled nya ko…
Yung magugulat kana lang sa biyayang iyong natatangap another $68 from coinw grabe feeling ko sobrang blessed ko pag nakakarecieve ako ng ganito bagay sobrang naaapreciated ko talaga, galing to sa airdrop sa twitter mistery blind box usdt and SAND binigay kaya sobrang thankfull ako kasi may pang trade nako😍 nawa'y mapalago ko ito
Here at my cousin house may bago sila alagang pusa ang cute my breed sya. Super duper cute nya tignan nakatingin sakin di ko alam kung galit or what ahah calm down sabb mabait akong ate chill ka lang hindi tayo mag aaway at magkakasundo tayo panigurado hihi💚
Cotton candy binili lang dun sa naglalako sa daan super duper loves ng mga babies namin dito but 1 plastic lang kada isa sa kanila kasi nga matamis to bawal masobrahan sa matamis at mga babies pa. Goodmorning everyone! Have a great day!!
Yay!! Share ko lang yung shopee budol ko yung nauso last day na 500shopee voucher naka 8 voucher ako pero nagastos din ako ng 1500 kasi yung last ayaw ng maredeem as shopeepay eeh pero atleast nakasobra ng 2500 din na voucher ayan na sila may 3 deliver pa na pending❤️. kung maaga ko lang sya nalaman sana sobrang dami nyan hehe at naishare ko tricks kaso gabi na kasi then minutes lang ubus na agad katay na agad kaya naka 8vc lang ako.
Mt. Arayat sunset view, sarap mag tambay dito pag sunset napakadami tao naglalakad and jogging kitang kita yung buong kataasan ng bundok at buong kalangitan. mismong paanan na to konti move lang aakyat na talaga kami hehe pero gang dito lang kami bawal ngaun dun sa medyo mataas nya lugar ee
Sabi nga nila nasa huli ang pag sisisi nakita ko to last october pa may nag promote sa fb which is pag omorder ka ng lazada, dito ka muna magpunta at iclick mo yung lazada pag naka order ka 1500 o 30$ within 1month magkakabonus ka ng 200$ sayang lang at di ko inakala legit pala ngaun tuloy dami na nakapayout kaya ngaun ko lang i try ulit sayang naman yung rebates after 3months papasok na sya as reward. kayo kung nag oorder kayo sa lazada try nyo si social good parang…
Eto nanaman ako nagsell ulit ng xrp and bch ko yung nasa coinsph ko birthday ni mudra bukas wala ako cash dahil nahiram eeh. kaya need ko mag sell muna bawi nalang sa susunod hehe. Goodmorning have a greatday!! Happy sunday everyone!
Nilagang mais for miryenda, binili lang sa suki namin naglalako for 25pesos 2 pcs okay na rin yung laman nya malaman sya di na luge sa presyo nya ehehe.. Sunday na sunday nakakatamad kumilos ayy! Sarap matulog lang ngaun at magpahinga ano? Tapos yung panahon sumasabay pa oh medyo makulimlim
Trioberries cheesecake and babana loaf, grabe sobrang panalo yung trio cheesecake nila ngaun ko lang natikman yung ganito kasarap na cheesecake with 3 berries flavor, for only 300php solve sarap, yung banana loaf masarap din naman sya mas nagustuhan ko lang talaga yung cheesecake. Nag resell kasi yung pinsan ko inalok ako try ko lang naman din at para hindi rin sya mapahiya diba bukas my order ako frozen brazo. Matry din yun ehe
To the woman i love the most, sa aming ilaw ng aming munting tahanan, sa pinaka maganda at pinaka mabait kong ina ngunit tanging kabaitan lamang ang aking namana sa kanya🤣 happiest 59th birthday mami, naway lagi kang malakas at hindi nagkakasakit, makita lamang kitang walang dinaramdam at hindi nag iisip sa buhay buhay ay sobrang happy na kami mga junakis mo, bawi tayo nextyear pag sapit ng iyong legal age ay este senior jorney hihihi.
Simple birthday celebration, not much busy kasi yung mga inihanda eeh inorder lang namin na para less pagod nag try lang kami mag order ngaun okay naman din pala hindi pa pagod pa sa pagluluto ehe Tara miryenda tayo☺️
Banana chips ilanh araw kona binilad yan sa araw pwede na sya iluto kaya naluto na para may chicha haha. maganda umaga sa lahat ohw bilis ng araw 18 na agad ng january ilang araw nalang matatapos na ang bwan at ikalawang bwan na agad ng taon ah.
Tawag samin neto is 'BULE' hindi ko alam kung eto yung patani pero parang yan nga ho yan, si nanay ginagawa jan ginigisa sa sardinas at kamatis instant ulam na minsan naman ginagawa minatamis o bukayo. May nabili na din ako dati nito ginagawa nila chips o para bang cornick style fried sya na may timpla ng asin at seasoning. masarap sya binibili dati namin ng ate ko yun sa manila pa kami medyo pricey pa nga ee. pero di ko pa sya na try gawin kasi nga samin ulam and minatamis…
Gandara ng kalangitan ngaun naging mga pulo ang mga ulap sinabayan ng maliwanag na sikat ng bwan🥰. Pansin nyo ba? Ganda no medyo scary sya sa bandang dulo dahil dark yung ulap dun haha but the rest napaka ganda nya tignan. Goodevening everyone!
Ube jam and buns for breakfast samahan ng mainit na black coffee solve ang araw. napakasarap naman talaga ng ube one of my favorite mapa kakanin pa o palaman hihi. Good morning! Have a wonderfull day everyone!!
Dahil sa nauuso yung social good ngaun napaorder tuloy ako ng celphone sa lazada for cashback lang sana pero okay na din gagamitin ng mga babies dito para may pinapanuod sila mula lang naman 1800 lang sya min purchase $30 para eligable dun sa promo ni social good. dun sa gusto mag try download nyo lang and lagay na din ng code para sulit 😋 code: P9Y48F tapos order kalang min 30$ sa luob ng 30days na nag register ka daan ka sa mismong apps ni sg dun ka oopen ng lazada mo para…
Super dupper yummy nya😍 grabe sobrang smooth and creamy nya sa mounth sobrang sarap nya di ko i expect na mas masarap pala pah frozen yung brazo de marcedez upgraded ung lasa nya grabe parang maadik ako oorder dito kay mami joy sarap ng mga desert, pang 3 days na to sa freez ngaun ko lang napansin nakalimutan ko nunt birthday ni mama may order nga pala ko nito nun kasabay ng chesecake.
Goodmorning!! Just got home from supermarket, bumili lang ng pasta dahil mamaya luluto ako ng pasta favotite ng mga kasama ko sa bahay walang katapusan carbonara hahaha. Cute ng bowties style ng pasta eto gusto ko ginagamit at yung penne ee
Miryenda for today, katapos lang mag luto ngcarbonara sabayan ng black forest cake sarap medyo na late pagkat late ang bisita ng kapatid ko birthday nya kasi today dadating mga friends nya mag samgyeopsal sila at eto carbonara😋
Goodmorning friday!! bilis ng araw ano count to 10 days nalang 2 month of the year na hihi!! Share ko lang firstime ko lang kasi na incounter to almost 3years na din kami nagamit ng pldt lagi 15th of the month yung due date nya firsttime lang na yung due sya is feb 11 nagulat lang ako kasi expect ko papasok palang ang bill by 25th ng january ee mag due ng 15 ng feb, ngaun aga nya napasok tapos 11 ng feb sya ma dudue, last payment ko is nung 11 pa, buti nalang advance ako nag…
Anyare?😅 Ngaun araw pa naman sana ko balak kumurot ee HAHA tapos eto makikita ko laki ng binagsak. wag na nga muna an panatiliin ko muna sila nakakulong jan gosh!! 17.5k bch and 35php ang xrp sakit sa mata neto pero ayus mag buy neto sana lang eto na ang pinaka deep nya. Matagal tagal din sila nanatili sa ibaba ah. Tulog pa ang mga pating.
Kind of dinner dahil open na yung chowking dito sa may city mall samin ere na at kakain na😋. Every pasok kailangan ang vacc card naging valid id na sya kulang nalang picture para valid na talaga HAHA. baka next time talagang masasali na to sa mga primary id's naten hahaha
Sarap ng breakfast my favorito nilagang saging ng saba and black coffee, pag gising ko may foods na agad sa mesa hihi 2am na kami natapos magpaikot sa paymaya challenge eeh 200 lang cb ngaun pero okay na din saan moba naman pupulutin yung 200 diba hahaha kaso 4 nalang account ang hawak ko ngaun nasira iba eeh.
Wow!! Lihi mode haha last time i post on my fb about dun sa fake pregnant para dun sa di nag cclick ng see more.... Aakalain na buntis talaga haha pero pag nag click at nabasa buong post itss a frankkk😂!! ilang days ko na sya na post then kanina namarites na nung kapit bahay namin sa mama ko sabi nya buntis daw pala ko haha galit si mama eeh sabi ni marites nagpost daw ako na buntis ako chika nung anak nya nasa abroad hahaha uwi si mama galit ginising ako sa pagkakatulog…
To the moon na ba lahat?😂 Well time to buy, wag muna bumili ng underwear bumili muna sa deep HAHA. team holder kahit na nakabili sa deep at mas na deep pa di rin naman luge gat di nag sell, depende kung scalper. ikaw ano ka holder o scalper? ako hold lang muna isasantabi kona yung undies ko hehe!! Photonotmine Goodmorning sunday!! Whole day electric power interruption dito ngaun samin. waaah!! makapag mall nga mamaya ehe
Dahil whole day walang kuryente kanina sa mall kami nag stay wala lang trip lang almost 6hour din kami nakaupo😂. minsan lang kami nag order ng food which is chowking lang ang open pa dito sa city mall at favorite namin ang wanton soup nila. Nakakangilo ng ngipin soup at halo halo HAHA!! sarap sana mahiga dito malamig foam pa upuan mahaba kaso baka palabasin kami hahaha
Way to market, dahil birthday ngaun ng aking panganay na pamangkin luto nalang kesa mag order muna kaya mamimili ng ingredients sa handa nya hihi kay ganda talaga ng ating mother nature at kay ganda ng panahon napaka liwanag ng bundok sadyang napaka ganda.
Done pancit canton and spagetti sauce nalang ang nakasalang. Hihi. Ayus to medyo late na luto para di masyado mainit diba. After nito miryenda time hihi. Ni naalala ko di pako nakakain ng lunch haha
Super busy kahapon kaya di ako masyado updated dito, plus nunggabi sobra sakit ng ulo ko para baga binibiyak💔. ngaun araw naman wala net hype si pldt wala nanaman signal kung naka data kanaman dito parang pagong naman yung data mapa smart o globe hayss!! Kumusta na kaya yung cryto natin ngaun di ko na na check baka april kona babalikan hahaa
Pineapple with salt, may part sya na maasim pa yung hindi masyado hinog na part pa pero yung medyo hinog na part sobrang tamis sakto lang eto lang gusto ko mixed ng maasim at matamis pang 3days na to sa bahay galing pa ng tagaytay ngaun lang binuksan kasi pinapahinog pa di pa rin pala sya masyado hinog pero pwede na. 🍍
One of the reason kung bakit di ko masimulan ang diet ko😂 hahaha kung kelan mag set nako ng di ako kakain ng gabi tsaka naman sasarapan ang ulam hahaha anu ba yan mukha bukas nanaman ako nito mag didiet ehe.
Patibayan ng sikmura haha 10am after magluto ng bagoong napasungkit ako ng manga wala pa malaki buto sa kapit bahay hahaha. Eto lang gusto ko talaga malutong sya kahit maasim haha Tara na at sabay tayo mangasim haha. Goodmorningeveryone!! Oh kay bilis ng araw wed na agad parang kailan lang nag newyear.
Yung kapit bahay namin inabot samin ito mga nasa 40 sachet pa sya naiwan daw ng anak nya dahil napa balik na sa japan na ito. Samin binigay baka daw ma expired lang, jusmi nag try ako ng 1 piraso kahapon yung lasa nya masarap parang 3 in 1 coffee lang na may tea, ang problema 12mn umilab ang tyan ko 2am at 4am ganun din para ko manganganak sa hilab ilang beses ako napapunta sa cr hahaha ngaun yoko na sya ulitin at mag sasamba pa ko mamaya baka sabayan ako sa sakit ng tyan.…
Goodmorning thursday!! Kakatapos lang ng aming pagsamba, Salamat po Ama ng madami sa panibagong araw na ito, nawa'y kami ay panatiliin ligtas at malakas,ilayo kami sa anumang sakit na lumalaganap sa mundo at nawa'y alisin mo na po ito. muli po maraming salamat sa biyaya mo araw araw sa panibagong araw na iyong pinag kalaoob sa iyong mga anak. Medyo makulimlim panahon pag gising ko medyo may ambon pa pero ngaun pasikat na araw,napatingin lang ako dito sa halaman ganda nya…
Ayun na nga at anihan nanaman ng sweetcorn sa aming barangay, kung hindi bigay ee napakamura lang ng bentahan dito. owh my fresh na fresh sa pukluan fresh na fresh sa kaldero umusok usok pa niluto lang namin sa likod ng bahay gamit ng kahay pagkat napaka mahal ng gas ngaun medyo matagal to pinapakuluan hehe. Di na siguro ako kakain ng kanin nito, eto rin dahilan kung bakit lagi bigla nalang namamanhid paa ko mahilig ako kumain ng mais mani kamote ganun kaya pag naupo ako…
Yellow water melon, super sweet nya, mabuto din palibhasa malaki kasi haha pero sarap nya. Nauuso na din yan ngaun after nung bilog na red yan ang tinatanim dito yung yellow at oval na pakwan. May ganito din ba sa lugar nyo? Magandang gabi sa lahat!! Isang sobrang busog na araw nanaman ito salamat sa Ama sa sobra sobrang biyaya❤️.
Eto yung games na di ko pinagsasawaan, simula bata pa ko dati sa video game lang at maghuhulog kapa piso para makalaro haha. Binigay lang to 3d mini gamepad dito sa pamangkin ko di rin nya trip laruin kaya ako nag lalaro napuyat pako kakalaro kagabi hahahaha. Maganda at mapagpalang umaga sa lahat!! O kay bilis ng araw byernes agad last day of weekdays sahod ni boyfie ngaun😂 alam na this saan kaya kakain mamaya mag iisip pa ko ehe for sure mag aaya yan dahil advance ako mag…
Pati pagtitinda ng isda sa online papasukin na🤣. Fresh live tilapia kakatapos lang namin magbenta honestly hindi naman sya sakin sa cousin ko negosyo nila yan may fishpond sila at nagbebenta ng tilapia dala yan sa barangay sobrang dami kaya nagpatulong magpabenta kanina sa awa naman ng dyos at napaubos naman 70 per kilo buhay na buhay nag sswiming pa hahaha.
Pag pasok ng cprx ko sa pending nilipat ko agad sa bch ayan peeling ko mas madali tumaas sa bch haha tiwala ako jan mag ttiis muna ko cashless ko kumurot hahaha
Itsss chowking day again salamat sa libre sa ate ko ewan ko ano nakain at nanlibre pagdating sa bahay tinubigan na yung halo halo favorito ko pa naman sa chowking yun eheh. Tara kain sakto di pako nakakain ng lunch.
One of my favorite author, nakafollow ako sa page nya, dito alam ko nauso yung jamich nun ee bago yung mga ibang blogger sila muna. Isa sa post na na sshare ko at sinagutan ko naman greatest lesson ng buhay. Life is full of failure, magpatuloy lang at magtiwala, magfailed ka man sa huli ang importante nagpatuloy ka at sumubok. Mas wala ka mararating kung susuko agad subukan mo marahil mag fail ka ngaun sa susunod pero malay mo nasa dulo pala yung success mo❤️
Happy lang kasi nag reflect na kahapon yung mga order ko sa lazada as pending sa social good apps. siguro mga 1-2months mag rereflect na din ito kung i aaprove o reject, pero kasi yung binili namin dito ay mga gamit naman kaya malakas din kutob ko na ma aprove ito i have 10 invite and 5 dito sa mga kapatid ko nag order din sila at nag reflect na din na fullfilled na nila yung 30$ spend order para makakuha ng 200$, yung 5 naman sa iba ko n invite mga friends ko so far nag…
Share ko lang ang next target ko for my online earnings🙏. Uso to ngaun yung hardware style, bracelet naman may kwintas naman na din ako eeh. last time nag post ako nun dito about sa gusto ko bumili ng necklace from my earnings din sa online and nagkatotoo nga at hindi lang isa 3 pa❤️ salamat sa Ama isa lang ang hiniling ko binigyan ako ng sobra. this time maiba naman mas mabibigat to nasa around 20k up ang price pero baka march to april kakayanin kona to. napapansin ko kasi…
Sunday famday samgyeop day!! basta naisipan mga kapatid ko mag sstart sasabihin ng isa oh pork ako yung isa naman lettuce ako hahahha no choice ka rin kasi bibigyan ka din ng toka mo kung ano ang sshare mo hahaha. but ayus naman to atleast nag kakasundo sa bagay bagay at nag sshare alam naman pati namin kung yung isa wala budget ee syempre tangal na sya sa list ng mag sshare haah
Left over cashew nuts kagabi tinago ko agad kaya may natira pa hahaha favorite ko to eeh kaya ngaun kinakain ko habang nagkakape ko eheh. Magandang araw ng lunes sa lahat last day of jannuary napakabilis ng araw ano ang akala ko nga ay feb na may 31 pala ang jan.
A cup of black coffee para sa hapon na payapa, wala ako alam na miryendahin haha magkakape nalang ako di naman ganun kaalisangan ngaun eeh. Kaya pwede mag kape, ganyan talaga kape ko black lang yoko ng may creamer feeling ko nahihilo ako pag may cream okay na okay sa black lang. Magandang hapon sa lahat ang bilis ng araw no.
Kind of dinner fresh chicharon baboy binili lang namin naka styro pa 50php per styro sinamahan na din ng kare-kare at dinakdakan nakakatamad na kasi magluto kanina kaya pumunta nalang ng bayan para bumili ng luto na ulam. Sakto my homemade suka pinakurat dito sa bahay hihi. Maganda gabi sa lahat!! Ilang oras nalang feb na at kasabay ng pagpasok ng feb ang chinese newyear.