read.cash Log in
P@Poorita more from that month

Ang aking Amang mandaragat

Gigising sa umaga, Maglalakad ng mag-isa, Patungo sa karagatang lambat ang dala, At sasakay sa bangka ng naka paa. - - Pupunta sa malalim na karagatan, Matustusan lang ang pangangailangan , Hinahatak ang madilim na daan, Maibigay lang ang aming kagustuhan. - - Lumang lambat, Lumang bangka, Mga bagay na pag-aari ng aking ama, Kitang-kita ang paghihirap sa kaniyang mga mata, Ngunit siya'y nakangiti kapag kami'y nakikita. - - Punit-punit na damit ang suot, Kapag siya'y aking titigan sa puso ko ay may kirot, Siya ang ipinagmamalaki kong kayamanan, Mga sakripisyo ay hindi matutumbasan. - - Sa bawat hugot nang kanyang lambat, Sa bawat pawis na pumapatak, Tinitiis ang bawat paghihirap, Para sa mga anak na may pangarap. - - Ang malawak na karagatan ang puhunan, Di alintana ang pagod ng katawan, Magampanan lang ang pagiging haligi nang tahanan, Pagmamahal niyang kailanmay hindi mapapantayan. - - Sakit at hirap ay hindi iniinda, Mataguyod lang ang kanyang pamilya, Ikaw ang haliging mahirap mapatumba, Kaya mahal na mahal kita aking Ama. - - Ako ang iyong anak na nag mamahal ng lubos, Aking pasasalamat sayo ay ibubuhos, Ako ang iyong anak nasaiyo magpapangiti, At hindi mag aalinlangang sabihin, " PAPA, NANDITO LANG AKO/KAMI SA IYONG TABI" - poorita

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.