Kumusta kayong lahat dito? May kinikita pa ba? Nakakalungkot no kasi sa panahon ngayon ang hirap makakuha kahit 0.01. Kaya ako ung mga tip na nakukuha ko binibigay ko sa lahat ng post na nakikita ko pati sa mga comment sa bawat post ko ang masakit lang kasi walang bumabalik sakin. Aminin man natin o hindi karamihan din talaga sa nandito dahil umaasa sa earnings na maaaring makuha dito. Isipin niyo un nasa 50 mahigit ung affiliate ko pero isa lang ang natira.. haha Sana talaga bumalik na ung dating sigla dito.
@Poldo
Joined 26 October 2022 · 1434 posts
Hello Guys 💕 01/20/2022
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Posts
Naghapunan na ba lahat? kain tayo mga kaingay manok galing Onyangs Street Wings masarap talaga ang manok dito at may ibat ibang flavor pa. Minsan gusto ko rin mag unli wings piling ko malulugi sakin ung may ari.haha

Meryenda kayo dyan mga kaingay, maghapunan na naman anong ulam niyong lulutuin?hehe Kain tayo burger ang mahal na nito no? parang nasa 40+ na siya dati parang 30 lang to tapos itong mango graham. Nauso to noon kahit saan meron pasarapan lang talaga

Tara kape. Iba na talaga ang gabi ngayon medjo malamig na ramdam ko na ang papalapit na kapaskuhan tapos ung licensya ko claim ko na. Strawberry matcha tong order ko ang sarap kasi dati gusto ko ung butterscotch kaso parang nalalasing ako. haha kayp ba mahilig din sa kape?
Happy Sunday Everyone, Nakapagsimba na ba lahat? Hindi man palaging nakakapagsimba ang mahalaga huwag kalilimutang magdasal upang humiling at magpasalamat malaki man yan o maliit.

Kakatapos lang magdinner, panghimagas naman walang diet diet.. haha kain tayo donut mga kaingay binili namin to kanina sa 7/11 di lang nakain. lahat ba nakapaghapunan na? aba'y kumain na at palalim na ang gabi.

Katatapos lang namin kumain. Sa labas na naman kami kumain as usual sa MCDO ulit kasi un ang malapit pero sympre may pasalubong ako sa bata nagtabi ako ng laman tapos isang pirasong fries lang binigay ko sa kanya at maalat talaga ang fries sa mcdo bawal na bawal sa mga doggy.
Yung kanina pa siya nagpapalambing e naglalaro ako ng ML kaya ung nagtatrabaho ang ginugulo niya nagpapakarga kaso hindi hindi pwede at computer hawak nun kaya ito wala akong choice kundi wag muna maglaro at haplos haplusin ko muna siya hanggang makatulog.
Sadyang kagigising gising ko lang kung di pa mainit di pa siguro ako babangon kaso walang mag-aasikaso sa aso namin kaya ako'y liligo na at pawis na pawis konting galaw lang. Pero papaligo muna ng aso namin kasi ako nga init na init siya pa kaya.
Dahil di ako kumakain ng kanin piling ko gutom pa rin ako kaya nagcrave ako ng chicha sarado na kasi mga tindahan dito samin bumili na rin ako ulam ng doggy namin. Arat

Tawang tawa ako ung kapatid ng jowa ko nahuli ko sa bakanteng unit buti nalang ako ung pumasok. haha open na open ba naman ung pinto tapos dun sila nag-aanek ginawang santo ung kapatid ng jowa ko nagkaluhod na ung gurl.. lol.. haha Pero sympre lihim lang un konyare wala akong nakita sabi ko nalang sino to konyare di ko nakita ung girl sa baba nakasubsob na e.. whahahahaha
Nakatulog ang dalawa sa upuan. haha Sige tulog lang kayo para naman walang sawayin. Minsan nakakatuwa pero madalas nakakainis kapag may bata at aso kayong kasama sa bahay . hehe Kumain na ba lahat? kami di pa parang di pa ako nagugutom maya nalang siguro kakain.
Tamang videoke lang kami kanina kasi kahapon di kami nakapagvideoke at hindi naset up naharangan kasi ng table kaya kanina kami nagkantahan. Kaway kaway sa mga mahilig kumanta pero sa bahay lang or sa cr ...haha
Good Night everyone I'm so tired nagcelebrate kasi ng birthday ung jowa ko kaya ako ung nagluto para sa kanya at ako na rin ang nagligpit.haha kaya ayaw na ayaw ko may handaan e mas better sa labas nalang ang venue or kumain nalang sa labas. lol Pagod much si ako kaso kapag ako nagluluto parang ayoko kumain. Ang sarap talaga ng Conti's na cake kahit mahal sulit ang bayad.

Nanonood din ba kayo nitong MARIA CLARA AT IBARRA? naiinis lang ako alam niyo kung bakit ang bilis ng commercial mas mahaba pa air time kaysa sa mismong palabas. haha Parang saka ko nalang to papanoorin kapag tapos kaso kaabang abang kasi...
Kumusta mga kanoise grabe nakakapagpuyat at nakakapanood na ulit ako tapos na ang review at nakapag exam na rin ako ng board nung October 2 after ng exam naglabasan lahat ng sakit ko ngayon sipon at ubo ako kaya kahapon pahinga lang talaga ako. 2 days pala kami sa Lucena Quezon kasi pinuntahan pa namin ung school na pageexaman namin. Sobrang Positive naman ako sa exam waiting nalang sa result sa December. kayo anong mga pinagkaabalahan niyo?
Grabe naman ung kulog at kidlat galit na galit paalis na sana kami biglang buhos nang malakas na ulan waiting na lang tumila kaso mukhang mamaya pa to at madilim pa ang kalangitan. Sa inyo ba malakas din ulan?

Good Morning everyone sana ay okay lang ang lahat dito nawa ay walang naapektuhan masyado ng bagyo. Kumusta naman po kayo? Samin nagkatulo pa rin palpak ung naggawa samin natulog ung gawa niya. Nakakainis lang kasi tama naman ung bayad sa kanya pero ung trabaho niya di maayos.
Ipinasok ko na ung mga sinampay ko di pa kasi tuyo medjo basa pa. Malakas na ung ulan dito samin, sana naman huwag mawalan ng kuryente. Ingat lahat lalo sa bahaing lugar at nasa malapit sa bundok. Pray pray lang tayo mga kaingay
May bagyo pala kaya pala kahapon pa nag-aalarm ang NDRRMC sakin. Ingat po lahat lalo na sa mga bahaing lugar dito samin di naman nabaha pero sa labas ayon dun baha. Ingat po tayo dahil mukhang malakas di bagyo kaya pala kahapon pa di naaraw pero nakapaglaba na ako sana lang di mamaho..haha
Magandang Gabi sa lahat, and Happy Feast Day St. Padre Pio. sakto dating namin kanina maghomily palang si father di ganon kapuno ang shrine dahil na rin ata sa paulan ulan pero marami pa ring tao. Dinadayo na rin talaga the ng shrine lalo na kapag dumarating ung puso niya di ka na talaga makakapasok sa loob.


Kanina lumabas kami para bumili ng shampoo, pabango at dog food ng aming baby un lang talaga bibilhin namin pero ang nangyare ayon napabili kami nang iba isang eco bag lang naman dala namin pero naka2k mahigit kami. Ang isang libo ngayon parang 500 na lang. Wala e pinili namin to maging furparent mahirap talaga at magastos ..haha

Ngayon palang kami magdinner dahil kanina nagkatamaran na kumain tapos nagstart na ung work ni jowa kaya lumabaa kami ngayon sakto at may bagong bukas na MCDO dito malapit samin di na lalayo masyado. Ang ganda ng branch nila kasi bago pero ung fries nila mas malamig pa sa relasyon namin ng jowa ko pero di na ako nagreklamo kasi nabadtrip ako biglang umapaw ung toyo ko. haha baka maibuhos ko pa sa counter.. lol Kain tayo mga kaingay

Tambay lang dito sa terrace sabi ko dito ako mag-aaral kaso napacellphone naman ako isa pa nakakaantok ung lamig. haha Kahapon pa pala naulan dito samin buti wala akong pasok ngayon kaya may isang batang tuwang tuwa sa ulan pero umahon agad at nilamig. Ang sarap matulog.
Kwento ko lang kagabi naubusan ako ng pamasahe nagkulang ako ng tres pesos so naghanap ako ng gcash umuulan pa nun unang pinagtanungan ko wala pangalawa ayon meron daw 100 lang ipapacash out ko tapos ang bayad 25 lintik di naman pwedeng maglakad ako at naulan tapos malayo talaga no choice talaga ako nun kaya kahit mahal ng bayad pumayag na ako. Grabe siguro mahal metro ng internet nila..hahaa
Blessed Sunday Everyone Nagchurch pala kami kanina sa TAAL BATANGAS para magpablessing ng motor at sympre ng lapis na gagamitin ko for board exam. Sobrang ganda talaga ng church na un. pero sabi nila marami na raw nabago sa simbahan dahil sa lindol dati.

10 na pala ako'y inaantok na 6 kami nag-umpisa nitong zoom namin sa lunes face to face kami. last wala ung mga face to face namin un tapos isang linggong pahinga tapos exam na. excited na kinakabahan ako. excited kasi kung andun ba yung mga alam ko pero kabado rin kasi baka wala pero think positive lang.
Nakalimutan ko di pa pala ako naghahapunan buti nalang may pagkain sa mesa. haha kain tayo pansit mga kaingay kanina kasi barbecue ulam di na ako nagpatira busog pa kasi ako kanina.
Andito na naman kami sa kapehan Meryenda tayo mga kaingay. Di talaga ako mahilig sa kape ewan ko parang nalalasing ako after ko uminom kaso masarap kasi kaya iced binibili ko. hehe Ang sarap din ng burger nila at fries bitin nga lang medjo pricey din kasi pero pak naman ang lasa.

Kain tayo mga kaingay, nagprito ako ng isda kasi pinaksiw nila gusto ko prito tapos ung lumpiang gulay ginawa ng kapatid ng jowa ko paninda niya yan bumili ako ng hilaw ngayon ko lang niluto. Umuulan na naman dito samin kaya baka mapasarap na naman tulog ko kaso need ko mag-aral. nakapaghapunan na ba lahat?