read.cash Log in
@Poldo more from that month

Kawikaan 17:17 Ang pagkakaroon ng TUNAY NA KAIBIGAN ay isang bagay na pinagpapasalamat natin sa buhay at sa Diyos. Kung wala sila, wala tayong mapagsasabihan ng ating mga damdamin gaya ng mga problema at masasayang bagay para gumaan ang loob natin. Ang totoo, regalo ito mula sa Diyos ang pagkakaroon ng tunay at tapat na kaibigan. Pero ano ba ang kahulugan ng tunay na kaibigan ng tukuyin ito ng Bibliya sa KAWIKAAN 17:17? KAWIKAAN 17:17-"Ang tunay na kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon At isang kapatid na maaasahan kapag may problema" Ayon sa isang reperensya: Ang pagtatapat ng damdamin sa isang minamahal o sa isang pinagkakatiwalaang tagapayo ay makatutulong sa atin na makayanan at mapagtagumpayan ang negatibong mga damdamin bago tayo madaig ng mga ito. Ang pakikipag-usap sa iba ay makatutulong sa atin na makita ang mga bagay-bagay mula sa timbang at positibong pangmalas. “Malaking tulong ang pakikipag-usap,” ang pag-amin ni Simone. “Kailangang may mapagtapatan ka ng iyong nadarama. Kadalasan, sapat nang maibulalas mo ang iyong damdamin.” Ang paggawa nito ay tutulong sa iyo na maranasan ang katotohanan ng kawikaan na nagsasabi: “Ang pagkabalisa sa puso ng tao ang siyang magpapayukod nito, ngunit ang mabuting salita ang siyang nagpapasaya nito.”​—Kawikaan 12:25 Oo, ang tunay na kaibigan ay ang taong hindi kukunsintihin ka sa mga bagay na mali. Sa halip, sasabihin nya sa iyo ang kaniyang opinion sa isang bagay nang may tamang mga salita. Nandiyan din siya kapag may problema ka. Hindi niya maaalis ang problema pero dadamayan ka niya para higit na makatulong sayo, sa pinansyal man, emosyonal at lalong higit sa espiritwal.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.