September 1st grabe BER MONTHS na agad ang bilis ng pangyayari magpapasko na naman. Dito kami sa lomihan ngayon tamang antay lang sa order namin late na ako bumangon at sobrang sakit talaga ng ulo ko hanggang ngayon. Kaya kami lumabas dahil may bibilhin kami pero kumain na rin kami. Ingat ang lahat.
@Poldo in September 2022
Hi everyone it's lunch time Let's eat chickensilog and lomi batangas Kapag nagtitipid dito kami kumakain kasi mura paninda nila pero masarap din naman siya kaya mura na masarap pa.
Good Morning everyone dahil napadaan na naman kami dito sa kainan dito na kami nag-umagahan kain tayo paborito ko na talaga tong mikibihon nila ang sarap. Kain tayo mga kaingay
Kain Tayo lunch mga kaingay, andito kami sa review ngayon buti maaga kami pauuwiin ngayon dahil bukas malayo ang venue namin. Dahil di makapagpadeliver nagpunta nalang kami mismo sa store malapit lang naman.
Welcome to the Christian World Annika Louvelle Late na kami pumunta galing pa kasi kaming review. Apakainit tapos sasabayan pa ng trapik grabe para kang hihimatayin. Inuman na naabutan namin dito pero nakakain pa naman.. hehe
Good Night everyone, maaga pa bukas ang review kailangan matulog nang maaga para di antukin. Medjo di nakakpagnoise. hehe busy kakareview
Fresh from the bath, Nagpahinga lang ako at kumain ng dinner naligo na agad ako kasi parang pagod na pagod at init na init ako. Galing pala ako sa review grabe bugbog na bugbog ang utak ko sa mga bagong kaalaman tapos ung katawan ko naman bugbog sa trapik. haha Ito pala ulam namin isdang paksiw to prinito ko lang.
Ang ganda nitong ugat ata to na ginawang parang halaman ang ganda niyang tingnan. Nakalagay to sa daanan sa school na pinagvenuehan namin kahapon at kanina. Napakachild friendly ng school. Anong tawag dito? haha
So sleepy good night everyone
Good Morning everyone, Tapos na mga gawain ko para ngayong umaga mamaya akong gabi maglalaba dahil wala kaming sched ng review ngayon di ibig sabihin wala akong aaralin..hehe kaya andito ako sa unit na bakante ang relaxing kasi dito kahit nasa subdivision kami buti may katabi kami na di pinagbilo ung lupa nila ang kabila nito subd. din. Basta may green nakakarelax talaga
Di ko na kinaya ang init sa labas sobrang init kaya ung mga nasa labas stay hydrated po. Dito na ako sa kwarto ngayon naligo lang ako tapos nagbukas kami ng aircon ako'y tigil muna sa pagsusulat mamaya nalang gabi pero balak ko sana maglaba mamayang gabi bahala na. Dahil bukas ang aircon kami sa kama ung tatlong chikiting ( kasama sa bilang ung aso namin baka hanapin niyo isang bata 😂) sa baba tabi tabi sila . di pa kasi naaayos kwarto namin kaya medjo masikip pa. hehe
Di pa nakakatapos maglaba ang ferson for the ulan naman. kaya ito pahinga muna ako at kakain nalang habang magpapatila sana ay tumigil. Dami ko pa naman labahan at isang linggo to.
Good Morning Everyone, kakatapos lang mag-umagahan. 11 na ako natapos kagabi sa paglalaba dahil sa ulan gusto ko na sana di ituloy kaso baka mamaho naman.. haha
Sobrang init ba talaga o samin lang? haha nasa bakanteng unit ako sabi ko dun ako magsusulat para presko pero tagaktak pa rin pawis ko. haha kaya umuwi na ako ng bahay at nagbukas ng aircon kahit isang oras lang.
Kaya ayoko talaga naglalaba kasi nagbabalat kamay ko di parin kasi ayos lagayan ng washing namin kaya nagkamay nalang ako. By the way maghapunan na ba lahat? kami maaga kami kumain mga 6 palang ata tapos bukas may sched kami ng review ang layo ng venue kaya need maaga matulog para di aantok antok. haha good night sa lahat.
Kauuwi ko lang galing review buti nalang talaga ung kasama namin may kotse kaya di hassle ung biyahe namin mabilis kami at ang lakas din ng ulan parang may bagyo pero dito samin mainit daw. by the way meryenda tayo bagay tong tinapay sa kape di ko lang alam ang tawag.
Review ulit last day na ata namin to sa face to face. Nakakatuwa naubos na mga kasama ko sa table lima kami walang natira buti may pumasok na isa kaya dalawa nalang kami. haha Problema lang nagugutom ako at di ako nakapag-umagahan.
Napapansit na naman kami kasi lumabas kami. Kain tayo mga kaingay. Ang sarap maglinis ng kwarto kaso ang init init. haha
Late dinner may gising pa ba? kain tayo mga kaingay sympre Jollibee ulit. hehe Stress na ako sa paghahanap ng bahay sa venue ng mismong exam panay fully booked na..
Biglang umulan nang malakas nasa unit pa naman ako nag-aaral pero okay lang kasi ung nakatira sa kabilang unit kawawa naman ung manok niya di na nakain at umiinom isang buwan na atang di nauwi un. Buti umulan kaya makakainom na siya pagtiisan niya nalang muna ung mga langganco insektong nakakain niya mamaya hagisan ko siya ng kanin.
Dalawa na ang utangan namin Billease tsaka itong tala infairness naman sa kanila hindi malaki ang tubo kaysa sa tao kauutang ipopost ka pa sa Facebook kapag di agad nakabayad..haha.. nagugutom ako anong meryenda nyu dyan?
Kain tayo mga kaingay, nagprito ako ng isda kasi pinaksiw nila gusto ko prito tapos ung lumpiang gulay ginawa ng kapatid ng jowa ko paninda niya yan bumili ako ng hilaw ngayon ko lang niluto. Umuulan na naman dito samin kaya baka mapasarap na naman tulog ko kaso need ko mag-aral. nakapaghapunan na ba lahat?
Andito na naman kami sa kapehan Meryenda tayo mga kaingay. Di talaga ako mahilig sa kape ewan ko parang nalalasing ako after ko uminom kaso masarap kasi kaya iced binibili ko. hehe Ang sarap din ng burger nila at fries bitin nga lang medjo pricey din kasi pero pak naman ang lasa.
Nakalimutan ko di pa pala ako naghahapunan buti nalang may pagkain sa mesa. haha kain tayo pansit mga kaingay kanina kasi barbecue ulam di na ako nagpatira busog pa kasi ako kanina.
10 na pala ako'y inaantok na 6 kami nag-umpisa nitong zoom namin sa lunes face to face kami. last wala ung mga face to face namin un tapos isang linggong pahinga tapos exam na. excited na kinakabahan ako. excited kasi kung andun ba yung mga alam ko pero kabado rin kasi baka wala pero think positive lang.
Blessed Sunday Everyone Nagchurch pala kami kanina sa TAAL BATANGAS para magpablessing ng motor at sympre ng lapis na gagamitin ko for board exam. Sobrang ganda talaga ng church na un. pero sabi nila marami na raw nabago sa simbahan dahil sa lindol dati.
Kwento ko lang kagabi naubusan ako ng pamasahe nagkulang ako ng tres pesos so naghanap ako ng gcash umuulan pa nun unang pinagtanungan ko wala pangalawa ayon meron daw 100 lang ipapacash out ko tapos ang bayad 25 lintik di naman pwedeng maglakad ako at naulan tapos malayo talaga no choice talaga ako nun kaya kahit mahal ng bayad pumayag na ako. Grabe siguro mahal metro ng internet nila..hahaa
Tambay lang dito sa terrace sabi ko dito ako mag-aaral kaso napacellphone naman ako isa pa nakakaantok ung lamig. haha Kahapon pa pala naulan dito samin buti wala akong pasok ngayon kaya may isang batang tuwang tuwa sa ulan pero umahon agad at nilamig. Ang sarap matulog.
Ngayon palang kami magdinner dahil kanina nagkatamaran na kumain tapos nagstart na ung work ni jowa kaya lumabaa kami ngayon sakto at may bagong bukas na MCDO dito malapit samin di na lalayo masyado. Ang ganda ng branch nila kasi bago pero ung fries nila mas malamig pa sa relasyon namin ng jowa ko pero di na ako nagreklamo kasi nabadtrip ako biglang umapaw ung toyo ko. haha baka maibuhos ko pa sa counter.. lol Kain tayo mga kaingay
Kanina lumabas kami para bumili ng shampoo, pabango at dog food ng aming baby un lang talaga bibilhin namin pero ang nangyare ayon napabili kami nang iba isang eco bag lang naman dala namin pero naka2k mahigit kami. Ang isang libo ngayon parang 500 na lang. Wala e pinili namin to maging furparent mahirap talaga at magastos ..haha
Magandang Gabi sa lahat, and Happy Feast Day St. Padre Pio. sakto dating namin kanina maghomily palang si father di ganon kapuno ang shrine dahil na rin ata sa paulan ulan pero marami pa ring tao. Dinadayo na rin talaga the ng shrine lalo na kapag dumarating ung puso niya di ka na talaga makakapasok sa loob.
May bagyo pala kaya pala kahapon pa nag-aalarm ang NDRRMC sakin. Ingat po lahat lalo na sa mga bahaing lugar dito samin di naman nabaha pero sa labas ayon dun baha. Ingat po tayo dahil mukhang malakas di bagyo kaya pala kahapon pa di naaraw pero nakapaglaba na ako sana lang di mamaho..haha
Ipinasok ko na ung mga sinampay ko di pa kasi tuyo medjo basa pa. Malakas na ung ulan dito samin, sana naman huwag mawalan ng kuryente. Ingat lahat lalo sa bahaing lugar at nasa malapit sa bundok. Pray pray lang tayo mga kaingay
Good Morning everyone sana ay okay lang ang lahat dito nawa ay walang naapektuhan masyado ng bagyo. Kumusta naman po kayo? Samin nagkatulo pa rin palpak ung naggawa samin natulog ung gawa niya. Nakakainis lang kasi tama naman ung bayad sa kanya pero ung trabaho niya di maayos.
Grabe naman ung kulog at kidlat galit na galit paalis na sana kami biglang buhos nang malakas na ulan waiting na lang tumila kaso mukhang mamaya pa to at madilim pa ang kalangitan. Sa inyo ba malakas din ulan?