read.cash Log in
@Poldo

@Poldo in August 2022

@Poldo

Ang lakas ng ulan kanina tahimik lang siyang umuulan tapos humina bahagya tapos saka biglang nagsimulang kumulog tapos umulan na naman tapos ayon sunod sunod na malakas ang kulog. Nakakagulat pa naman minsan. Di tuloy makalabas para bumili ng ulam kagutom na. Ung iba siguro sa inyo meryenda na iniisip.

@Poldo

Done watching nitong The entitled grabe si Alex G ang galing..haha sobrang nakakaaliw ung movie na to kaso nabitin ako, bitin ung isang oras lang.v Panoorin niyo na rin sa Netflix di kayo magsisisi medjo bad words lang talaga ung iba.

@Poldo

Rainy afternoon everyone, maghapon din nag-uulang ngayon kaya ito di pa ako nakakaligo. haha tamang review lang ako ang dami kasing need gawin sa online bukas pasok na ulit namin for review. buti talaga di ako tinatamaan ng antok masyado. nakaligo na ba lahat?

@Poldo

Kain Tayong lunch mga kaingay, dahil wala kaming binalot nag-order na lang kami sa jollibee. grabe sobrang nakakaantok ito talaga kalaban sa review namin. sana masarap din lunch nyu. enjoy

@Poldo

Kakatapos tapos lang mag dinner, kailangan matulog nang maaga dahil maaga rin babangon bukas dahil malayo ang venue ng review namin bukas at para di rin antukin dahil kanina tinamaan ako ng sobrang antok. Ang mahal na naman ng gastos bukas para sa pamasahe pero okay lang laban lang. good night na sa inyo mga kailangan

@Poldo

Magandang Gabi mga kaingay medjo nagiging busy na ako habang papalitan nang papalapit board exam. medjo nakakapagod sa review ngayon ang daming nafefeed samin kaya pagod katawang lupa ko. kaya patulog na ako. good night sa lahat.

@Poldo

Maulang hapon sa lahat, tapos na magkape tamang sagot lang ako ng mga online materials namin kailangan kasi tapusin bago mag pre board ung parang actual na exam na siya. Dapat may review kami ngayon sa malayo di natuloy dahil nagkaemergency ung lecturer namin pabor talaga sakin kasi wala pa talagang pera mahal din ang pamasahe. Dito ako nagsasagot sa labas kasama tong batuta na baby namin. Minsan iniisip ko kung ano ba iniisip nila. haha

@Poldo

Ang tagal ko palang walang post sobrang busy sa review lalo next week patayan pero okay lang para maging handa sa laban. Ngayon nasa review ulit kami tamang foodtrip lang pampawala ng antok. maya maya lunch na kami di pwede ung ganto lang..hehe

@Poldo

Snack time kain tayo pampatanggal antok habang nagrereview. MCDO muna tayo para Love ko to..

@Poldo

Magandang Gabi sa lahat, nakakapagod pala kapag sunod-sunod ang review bukas pahinga kami walang pasok tapos review na ulit pero okay lang mapagod kasi paghahanda naman to para isang magandang kinabukasan para sa licensyang inaasam-asam. kaya di makapag-update pagod talaga ako lagi pagnauwi. Kumusta naman kayo?

@Poldo

Saturday class grabe antok ko di kasi agad ako nakatulog kagabi kaya ito antok much..haha Kailangan ko na naman magpigil. Kumusta naman kayo dito? busy kasi ako nung nakaraang linggo sunod-sunod na araw review namin.

@Poldo

Review time na ulit grabe maaga naman ako natulog kagabi pero antok na antok na naman ako di tuloy ako makapagfocus. malapit na talaga board exam namin grabe nakakakaba na.

@Poldo

Ngayon ko lang napansin tong Free Tip meron na pala ulit akala ko may nagtip lang o may nagtip lang talaga? hehe. Salamat naman at may additional na kayo rin ba? natuwa talaga ako. tamang pahinga lang ako sa pagrereview sumasakit na kasi likod ko kakasulat huwag sana antukin pa.

@Poldo

Ang saya ngayon ko lang nalaman ung Free Tips pala ipamimigay mo. Matagal ko na gustong gawin to ung makapagbigay kahit maliit na halaga kasi di talaga ako nakakapagbigay at wala naman laman wallet ko. Thank You noise mukhang umaayon na ulit ang panahon sa atin nawa ay magtuloy tuloy na at bumalik na rin ung value sa heart

@Poldo

Maulang gabi sa inyong lahat, ang sarap matulog kasi maghapong umulan kaso kawawa naman ung mga nagbalik na sa eskwela ung iba nawalan na agad ng pasok. Kayo ba kumusta mga kapatid,pamangkin o anak niyo masaya ba naging unang araw nila? ako ay matutulog na pala ayan may pilit na sumisiksik sakin.. haha

@Poldo

Kanina pa dapat ako tulog pero itong kapitbahay namin grabe ang lakas ng videoke at hiyawan mga walang pakiramdam mag alas dose na, ang pagkakaalam ko hanggang 10 lang ang ingay buti na lang walang pasok bukas kawawa mga batang mapupuyat. Di ko kasi alam kung kanino tatawag para sana patigilin na sila nagbabalak sana ako magpost sa group kaso alam ko mababasa nila baka simulan pa ng gulo kaya huwag nalang hintayin ko nalang ibang kapitbahay magreklamo. Hanggat walangโ€ฆ

@Poldo

Habang naglalaba ako nakita ko to na amaze ako kasi ang ganda niya kahit naulan tamang laba ako kasi kapag di naglaba yare matatambakan di kasi makapagwashing at nagpapagawa pa kami ng kusina wala kasing space dito sa labas skl ..haha balik sa paru paro g ang pagkakaalam ko 1 day lang buhay nila tama ba o mali ako?hehe..

@Poldo

Kain tayo mga kaingay paborito ko na talaga kumain dito kasi kahit wala masyadong sahog ung mikibihon nila masarap siya kapares ng pandesal at coke..haha Mabubusog ka talaga kasi kasyang kasya lang sa tulad kung matakaw actually pang 3 katao ata siya..

@Poldo

1 month na lang ang nalalabi pero piling ko kulang pa parang di pa sapat ung tatlong buwan review, kaya ako ito tamang basa at sulat lang gusto ko kasi nasa iisang notebook lang lahat ng babasahin at mahahalagang bagay na dapat kong aralin. Humihingi ako ng dasal sa inyo mga kaingay. ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™

@Poldo

Patulog na sana ako kaso panay pagkain naman nakikita ko rito. haha imbes na antukin nagutom ako. lol good night na mga kaingay salamat sa araw na ito.

@Poldo

Isang mapagpalang umaga sa lahat, nakapaghatid na pala ako ng bata tapos nagpakain na rin ng aso buti pa ung mga baby namin di nalilipasan ng gutom..hehe.. Antok pa sana ako kaso ayoko na matulog kasi mas nararamdaman ko ung gutom..haha maya Maya ako magbbreak fast. kayo ba dyan mga kaingay? anong Balita sa inyo ? kumusta ang tulog?

@Poldo

Tamang luto palang ng ulam lumabas pa kasi kami para bumili ng semento at nagkulang di na matpos tapos ang kusina namin kaya tambak pa rin gamit namin. haha natutuwa ako sa niluto ko patatas na may konting giniling ito na rin ulam ni kuya na gumagawa.. magtiis siya kung di masarap.. lol kayo nakapagluto na ba?

@Poldo

Kain na tayo mga kaingay Patatas na may konting giniling for lunch pero huwag kayo bawi sa lasa yan..haha kayo ba ay tapos na kumain? anong ulam niyo? meryenda na lang iisipin para sa naggagawa mamaya.

@Poldo

Good Night everyone. I'm so sleepy need to rest. may tumabi saking bata mamaya aalis din yan ganyan yan e..haha gustong gusto ko kasi siya katabi para kayakap siguro ay naiinitan kaya naalis. sleep tight noisers ๐Ÿ’ค

@Poldo

Bukas na nga ang aming preboard practice namin to at review na rin para sa actual exam. Medjo kinakabahan ako na ewan. Kung kailan nalalapit na ung big day saka naman ako nag-ooverthink. Kailangan ko matulog nang maaga dahil 6 am dapat nasa venue na kami 1 hr ang biyahe mula rito samin. Apakaaga. Kaya maggogood night na ako sa inyo.

@Poldo

Time Check 3:58 in the morning Today is our preboard Ang aga ng gising pero late natulog di talaga makatulog kagabi. kailangan ko na magsaing at baka tanghaliin 6am call time namin.

@Poldo

Nagaganap ngayon ang nationwide preboard ng isa sa malaking review center sa bansa. 4 down majorship nalang kami tamang break muna medjo nasakit na ulo ko sa preboard namin pero di ko pinipressure sarili ko dahil di pa naman ito ung big day. lalaban para sa licensya. Kayo kumusta naman?

@Poldo

Kumusta naman araw niyo? Ako ito pagod ang katawang lupa ko. Natapos din ang preboard namin na parang mas mahirap pa sa actual board exam. haha 600 items din ung sinagutan namin. tapos nung pauwi na kami grabe biglang buhos nang malakas na ulan kaya nagpakabasa na lang kami di namin makita ung daan, ung ulan nagpiling bagyo. lol

@Poldo

Magandang Umaga sa lahat, Holiday ngayon kaya maraming bata na naman sabagay kahit nung may pasok na marami pa ring bata parang mga di nagsisipasok..haha Breakfast na kayo mga kaingay ako ito mag-iisip muna.

@Poldo

Just Got Home, Bumili kami ng kulang na semento at buhangin kakainis kasi tong naggagawa samin isang truck na sana oorderen para tipid sabi half lang daw labis na labis pa raw un tapos ending nakailang arkila na kami ng trysikel dapat din pala tinanggap na namin ung offer niya 25k sa kusina maliit lang naman kusina namin akala namin mas makakatipid na kami nalang kasi nagcompute siya nasa 11k lang un naman pala lalampas pa. ๐Ÿ˜‚ patawa si kuya tapos 2 linggo na ata siyangโ€ฆ

@Poldo

Ang sarap sanang magmasidmasid sa paligid kaso panira talaga ang mga wires ng kuryente dito sa Pilipinas sala salabat na. Sana inaayos man lang kapag nagkakabit. Tamang antay lang kami sarado pa ung aming sinadya.

@Poldo

Meryenda time salamat sa jowa ko nagpameryenda. Busog na naman kanina pa ako sa tindahan nakipagchismisan ..haha kayo anong meryenda niyo?

@Poldo

Ako lang ba ung init na init ngayong araw o samin lang talaga mainit..haha kanina kasi maalinsangan e napamarites ako wala naman init pero maalinsangan aba nangitim ako na akala mo nagbeach. lol Kain tayo mga kaningay naupakan na namin ung ulam paubos na bigay yan ng kapitbahay namin ung isdang ginataan ang sarap kapag bigay tapos maanghang. Ymmy tinik na nga lang napicturan ko..

@Poldo

Nakatapos din sa pagsusulat antok na ako tinapos ko na kahit pangit diko na ginupit mga gilid at antok na talaga ako. Kulang pa kailangan pa nung mga syllables bukas nalang ulit iba. Ang sarap din mag-aral ung gagawa ng mga ganyan nakakamiss.

@Poldo

Lomi is a dish of thick egg noodles, rich broth, and a generous amount of meat, innards, and pork cracklings, making this Batangueno favorite a sinfully good meal. In short kain tayo noisers. ๐Ÿ˜‚ Breakfast is ready