Weekends na ulit, review na ulit namin. Sa totoo lang hinahanap hanap ko tong review kasi dito sa bahay di ko magawa. Installment pala tong akin bali nakaka 5k na ako bukas bayaran ulit. Iniisip ko na naman baon ko para bukas kasi nasa 4th floor kami baka mauwi na naman ako nito sa 7/11.haha Ang hirap kasi magpababa baba. Nakakapagod lalo kapag iihi ka. Madalas pa akong maihi kasi nakaaircon kami.. lol. Buti nalang binigyan ako ng kapatid pambayad para bukas nabawasan…
@Poldo in July 2022
Magandang Gabi sa lahat, Nakatulog agad ako pagkauwi ng bahay , nakakaapat na linggo na pala kaming nagrereview for board exam sa CBRC. Ewan ko pero kanina inaantok ako sa review magaling naman ung nagtuturo mahina lang sadya ung mic niya tapos malamig pa. Haha Bukas pala sa ibang lugar kami tapos magtuturo samin ung mismong may ari na si Dr. Carl Balita kaya maaga dapat di na ako nakapagsagot at antok na talaga ako. Kaya good night mga kaingay
Nakakapagod na araw sa lahat pero walang karapatang mapagod para sa pangarap. Ang layo lang kasi ng venue namin kanina tapos trapik pa sa huwebes dun ulit kami tapos commute ako . Huhu Pero okay lang to kasama sa proseso. Hehe Kumain na ba lahat? Akoy matutulog na pagod talaga. Good Night sa inyo mga kaingay
Late dinner kain tayo mga kaingay, Ulam namin ay manok at lucky me naisipan ko lang dahil umuulan naman. Hehe Gutom na gutom na talaga ako at si kami nakapananghalian kanina at natulog lang maghapon.
Maulang Hapon sa lahat, Ang sarap sana ng kape ngayon sa labas kaso umuulan naman nakakatamad lumabas. Anong meryenda niyo dyan? Di pa ako nagtatanghalian kaya gutom na rin. Bukas may sched kami ng review bukod sa sabado at linggo sa malayo ulit kaya ngayon palang iniisip ko na kung saan ako kukuha ng pamasahe para bukas.
Good morning sa lahat, Maaga gumisijg kaya nakapagluto na agad ako. Kain tayo mga kaingay, malayo kasi venue ng review namin ngayon kaya kailangan maaga umalis at baka abutan ng trapik. Ingat ang lahat sa maghapon. Sana tumila na ulan.. huhu
Ingat ang lahat lalo ung malayo ang pupuntahan. Sana di masyadong trapik sa dadaanan ako dalawang oras din ung nilaan ko na oras kung sakaling trapik pero mukhang kulang pa rin. Buti nalang di na naulan kaya dala na rin kayo payong.
Hello mga kaingay, Sobrang lakas din ba ng ulan sa inyo kahapon? Buti nalang kahapon wala akong sundo kasi yari nakamotor lang kami kaya nagcommute na lang ako grabe dun sa lugar ng venue parang naging isang malawak na ilog sobra ung baha. Buti talaga di ako nagkasakit di ako nakaligo at pagod talaga ako sa review tapos 5 ung uwian namin mga 10 na ako nakauwi ang tagal ng biyahe ko partida expressway pa dumaan ung jeep what more ung sa high way . Buti nalang bukas sa mismong…
Share ko lang ung binili ko sa shopee na raincoat mura ko lang siya nabili pero natuwa ako nung dumating kasi makapal siya parang safe na safe kaya nagrate agad ako dun sa store maganda pa sinabi ko tapos sakto kahapon ang lakas ulan kaya ginamit ko tapos nararamdaman ko parang nababasa ako parang ang lamig sa may balikat ko un pala nababasa sa loob.. haha Ayon gigil ako binawi ko ung ratings at comment ko sa store. Hehe..
Punta sana kami 7/11 at baka sakaling may tira pa. Ayon panay alak. Haha Wala pa silang stock ng Hotdog bukas pa raw pero nakarami rin kami kanina wala kasi tao samin I mean hindi masyadong pila kaya marami pa kami naabutan. Takbuhan talaga namin 7eleven kapag nagugutom kaso wala nga kaya dumeretso nalang kami sa MCDO favorite namin tong Chicken sandwich malayo lang kasi talaga samin to. Kain tayo.
Good morning everyone, Ingat po tayong lahat. Have a nice day Katapos ko lang kumain ng almusal maliligo na sana ako pero mamaya na kasi nakakaramdam pa ako ng lamig sayang naman. Haha Kaya ito mag-uumpisa na akong magbasa basa. Ano bang magandang gawin para di makalimot?
Tulugan na. Friday na bukas ibig sabihin may pasok na naman kami sa review ang bilis ng limang araw lumipas at ang bilis din ng September excited na akong magkalicensya. Lahat ng mithiin natin ilapit lang natin sa Diyos. Good Night mga kaingay
GoodNight everyone Maaga pa bukas review day na ulit sa review center. Kanina pa ako inaantok di lang ako makatulog at may inaantay ako sana ay di ako antukin bukas sana masaya ung magtuturo samin. Dumaan lang ulan sana bukas di umulan mahirap magbiyahe.
Hot afternoon everyone, Kakatapos lang maglunch tapos binawasan ko na doggy namin kasi medjo mahaba na ang buhok kaya ito tamang blower na. Isa pa mahirap kapag mahaba buhok mahirap patuyuin. Di ako masyado makapagpost dahil busy sa review.
Maulang hapon sa lahat, kumusta naman kayo, ako ito tamang aral lang, tamang sulat lang. nagmeryenda na ba kayo? di naman makalabas dahil sa ulan. ang ganda ng halaman nato ni mother nag-iisa lang to siya.
katapos lang maglinis ng aquarium medjo nakakapagod ha. malinis na ulit sila pwede na ulit magdumi. langoy na kayo mga fishes. nagugutom tuloy ako parang ang sarap ng babacue.
Nakaraos na ulit ng review sa tuesday ulit. Share ko lang ung building na pinagrereviehan namin dyan kami sa 4th floor sa CBRC halos 1 month na rin kami dyan pero kapag booster nalipat kami sa mas malaking venue kasi magkakasama ung lahat ng section sa Laguna. Naalala ko 1st day namin dyan lagi ko kausap ung mga kasama ko sa table pero ni hindi ko alam mga pangalan nila. hehe pero ngaun close na kami tapos wala rin tubig ung cr dyan dati kaya no choice ka kondi bumaba from…
Actually nakakamiss ung dating noise ewan ko lang din kung bakit naging ganito na ngayon baka wala ng sponsor or tinitipid di natin alam. tutulog na ako baka paggising ko bukas magback to normal na ulit si noise. good night noisers
Akala ko pakiramdam ko lang ung lindol. Naramdaman niyo rin ba mga kaingay? buti nalang wala kaming review ngayon kasi nasa 4th floor pa naman kami lagi. ingat tayong lahat. happy Wednesday
Mainit na hapon sa lahat, arat kain tayo mga kaingay kasama na meryenda nagcrave kasi ako ng spaghetti at sundae ng Jollibee kain tayo. aminin di talaga nakakasawa pagkain ng jabee..hehe
Kape kayo dyan mga kaingay with tinapay palaman reno liver spread. paminsan minsan lang ako magkape kasi di talaga ako mahilig pero mga kasama dine sa bahay ginawang tubig ang kape mayat maya inom kahit mainit. lol kayo ba mahilig din sa kape?
Just got home, English kami kanina grabe talaga antok ko paano kagabi late na ako nakatulog di kasi ako makatulog. bukas may Formative test kami bago magreview. laking tulong din talaga ng review center at sympre pasasalamat lagi kay Lord na matandaan mo lahat nang inaaral. halos dalawag buwan na lang big day na namin. akoy iidlip mo na mga kaingay meryenda na kayo.