Santa Cruzan 2022, first time may nanguna para dito sa Subd. Namin walang nag-attempt kasi gastos din sabi ko nga kapag kami may pera na I mean maraming pera mag-organized din kami ng ganto. Parang ang saya-saya, kahapon pala to naganap. Kalaban lang talaga kahapon umulan kaya ayon di masyado naenjoy pero atleast nakapagpictorial. Hehe Natuloy pa rin naman ung parada kaso basang sisiw talaga kawawa ung mga gowns. Kumusta sa lugar niyo may Santa Cruzan din ba?
@Poldo in June 2022
Time Check 12:49am , actually 12:30 ko talaga ginigising si jowa 1am kasi pasok niya sa work. E di pa kami naghahapunan kasi bumisita kapatid ko nanglibre ng Lomi dito sa Batangas kaya ayon busog hanggang nakatulog na siya. Ako di na ako natutulog kasi baka di ako magising sa alarm. Haha Kaya ito luto muna ng Pancit Canton Sweet and Spicy ito talaga gusto naming flavor. Mag-iinit na rin ako ng ulam manok. Kain tayo kaingay
Chismis time, mahirap talaga kapag celebrity ka no? Nalalaman ng buong Pilipinas ung problema niyo. Ang mga babaeng iniwan, magaganda na yan ha at mapepera na rin pero niloloko pa rin. Sadya ata talagang sa relasyon di maiiwasan na may isang magloloko or sabihin na nating natetemp. lang pero di ba pwede namang pigilan un or hindi? Sa tingin niyo? Ginusto ba talaga nila magloko or natukso lang? Kahit kasal or may anak na di pa rin sapat para di magloko ang isang tao.…
Magandang Gabi sa lahat, opo may regla na naman ang aming baby kaya nastress na naman ako. Kakaiba kasi talaga to magregla buti sana kung ung normal lang. Hindi kasi normal ung dugo na nalabas sa kanya amoy bulok talagang di mo kakayanin amoy tapos magastos pa sa diaper.. 2 weeks na naman tong pahirap. Kaya mahirap din umalis. Medjo antok na rin ako. Good Night na rin mga kaingay
Nakauwi na rin galing sa PSA, nagpaappointment lang kami 3pm tapos mga 5pm nakuha na rin namin agad mabilis lang pala kung ikaw na mismo maglalakad kaysa ung ipapalakad mo mahal na ang tagal pa makuha. Tapos nakita ko lang tong basura sa upuan. Napaisip lang ako ugali na talaga ng pinoy ung walang disiplina dadalhin na lang ung basura at itapon sa tamang basurahan di pa magawa. Ako naman ugali ko kapag walang makitang basurahan hawak ko lang or lalagay sa bulsa o bag.…
Grabe tong kapitbahay namin, bihira sila I mean mag-inom man sila tahimik lang pero ngayon nag-iinuman sila todohan. Ung akala ko malala na ung iba naming kapitbahay tuwing nag-iinom MAS pa pala, parang huling inuman na nila ITINODO NG TODO. Mga kapitbahay na walang pakialam sa paligid nila sa bagay mayabang kasi talaga sila. Kung may number lang ako ng barangay tatawagan ko talaga. Ano sa palagay niyo dapat gawin? Subdivision po pala tong tinitirhan namin. Anong action…
Good afternoon everyone, meryenda time, bumili ako ng Kikiam sa kapitbahay nung nakaraan sa iba ako bumili kasi may nadaanan ako grabe parang di mo makain ung kikiam parang hilaw pa ung sauce nila para kang kumakain ng harina. Kaya itong binili ko dito sa malapit samin. Masarap luto ni ate kasi malutong ung kikiam at ung sauce masarap di nga lang maanghang. Tapos ito na nga pinicturan ko kasi nga ipost ko dito pagtingin ko sa gallery wala.. haha Yung asang-asa ka na may…
Here at SM Sta. Rosa , nakalibre lunch pa nga at meryenda na rin to. Haha Dito na naman kami sa Greenwich dito na kami madalas nakain para maiba naman. Sana lang talaga di umulan sa pag-uwi namin. Medjo antok na rin sana di ako makatulog nakamotor pa naman kami.
Magandang gabi sa lahat, nakapaghapunan na ba lahat? Ako 9:30 pa nagbago na naman sched. Kaya ito tamang basa lang ako ng reviewer na mga hiniram ko pero nag-enroll na ako sa review center sa CBRC kailangan na kailangan ko talaga kasi wala na talaga akong maalala sa lahat. Haha Basa basa lang ako sa 18 pa 1st day namin. Nag-installment lang ako kasi walang pangfull, 2.5k ang down tapos sa 18 another 2.5k ulit, di pa man nag18 problema ko na ulit tapos baon ko pa kasi 8 to 5…
Good Night na sa lahat, medjo busy kaya wala ako maipost.
Bakit kaya ganito wifi samin kada magbrown out di na nakakabalik yung wifi connection. Huhu pangalawang beses na to. Sabi naman nung tao meron naman daw mahina lang pero wala naman talaga ayan tuloy 2 days absent na sayang kita sa isang araw buti sana kung binabayaran nila. Nagugutom na ako.. haha kaya wala muna picture picture mahina data.
Sa wakas bumalik na rin ung wifi namin after 3 days. Napabili tuloy kami nitong Smart, napagastos pa kami ng 1.500k . Kailangan din kasi sa trabaho kapag nawalan ng wifi ito muna gagamitin. Malakas naman ang signal kaso magastos sa gb kasi maexpiration. Ito siya may libreng 10gb pero 7 days lang may monthly naman din siya 999 ata un pwede na kung malakas naman sa inyo signal para ka na ring nakawifi.
Bakit naman ganto pagkamatay ko? Haha Heartbroken talaga? Naalala ko tuloy before first break up ko inisip ko na rin yan buti nalang di ba natuto. Nakakatuwa ung pamilya ko bakit naman panay hayop? Heje Katuwa talaga tong laro sa FB minsan paaasahin lang tayo. Sana totoo nalang ung pera.. lol Mahilig din ba kayo magkalikot sa fb? Minsan ako kapag walang magawa pero di ko pinopost minamy day ko lang.
Sa totoo lang inaantok na ako. Patulog na sana ako kaso kanina ko pa to nararamdaman na parang may babara sa ilong ko at ayon na nga barado na kabila kong ilong sinipon na nga ako. Di ko alam kung dahil sobrang init tapos papasok sa malamig.. Kainis pinaayaw ko pa naman sipon.
Happy Birthday to my nephew, binilhan ko na lang siya ng damit sa SM marami rin namang magandang damit dun na mura lang kahit hindi branded pero quality din naman sipagan mo lang talaga maghanap. Kahit pang matanda marami rin mura na ibang brand basta wag ka lang mapili.. haha. 7th birthday niya pala kaya nagpunta na rin kami kahit malayo at may pasok uwi na lang agad at magsharon na lang.. lol Nakakatuwa rin naman at may clown..
Time to sleep, Pero natatakot talaga ako sa electric fan namin na to baka kasi ilipad nito buong bahay namin. Haha Bumili kami ng tatlo nito kasi sabi nila mahina daw sa kuryente to di ko lang alam kung totoo pero okay naman siya malakas naman din kaso walang hinaan at lakasan ng hangin. Sana lang talaga magtagal to konting ingat lang siguro tatagal din to. Sinong may ganto?
Ito muna para ngayong umaga at nagluluto pa sila. Ako rin naman ay hindi talaga nag-uumagahan. Hehe Medjo kakabangon ko lang din at mainit na kailangan maunahan ko ung sikat ng araw bago tumama sa mga aquarium at lulumutin agad. Kayo anong umagahan niyo dyan? Ipost na yan. Ingat tayo sa maghapon.
Due date na pala ngayon ng Billease namin nag-installment kami dito buti may laman pa ung gcash ko. Nagagamit ko nalang ung coins ko para dun magbayad kasi free pero pinapasa pa from gcash 15 ang bayad kasi kapag sa gcash nasa 40 ang bayad. Wala na kasi ako kinikita dito sa noise.. hehe. By the way mga kaingay kung gusto niyo ng installment ma walang mangchichismis sa inyo okay dito sa Billease ang limit na namin ay 5k nasa 500 lang ang tubo wala pang chismis kapag di…
Late dinner hinintay ko pa kasi lunch ni jowa sa work niya. Nakawork from home siya. Ito ulam namin fried sardines at galunggong na paksiw. Kain tayo mga kaingay naging paborito ko na talaga tong fried sardines madami pang laman. Di ko kasi afford ung nasa bote mahal masyado. Haha Kapag naka L L na un nabibilhin ko doble ang sarap nun. Sympre may kasamang coke yan para lalong mas sumarap kahit may ubo at sipon na.
Nagulat ako paglabas ko ang ganda ng buwan lagi talaga akong naiinlab sa buwan kapag nakatingin ako sa kanya parang ang peaceful. Kimuhanan ko gamit cellphone ko kaso mukha lang siyang ilaw. Haha Kailan kaya ako makakabili ng SAMSUNG S21 ULTRA. Dream phone ko talaga yan bukod sa Iphone 13 pro . Dati nakukuhanan ko ng maganda ang buwan kasi may DSLR ung pamangkin ko kaso di na ako dun nakatira sa kanila. Pero nung bata ako takot ako buwan kasi paniniwala ko kay multo kapag…
Yung tutulog ka nalang, pipikit ka na lang pero napasilip ako sa tiktok tapos ito bumungad sakin mukhang. Haha Nakaramdam na naman ako ng gutom. Lol
Good Morning Pilipinas, first day ng road to Licensya ko ngayong araw. 8am pa naman umpisa ng review namin nawa ay marami akong matutunan at malamang tips. 8 to 5 kami ngayong araw every Saturday and Sunday siya hanggang September kami. Kain muna tayo umagahan mga kaingay Pansit at Spaghetti. Tapos liligo na ako kahit medjo nilalamig pa ako.
Just Got Home galing sa review for Board Exam buti di kami naabutan ng ulan pero panay ang kulot at kidlat. Grabe 1st day palang wala na talaga akong matandaan sa mga exam namin kanina sa review 2015 pa kasi ako grad. Tapos may kasama kami sa review na may photographic memories siya amazing ung ganon. Bukas 2nd day namin may take home kaming sasagutan. Mamaya ko na sagutan gusta ko muna magpahinga. Kayo kumusta naman maghapon niyo mga kaingay?
2nd day ng review namin here at cbrc Laguna Branch. Panay sulat kami ngayong umaga namiss ko ung ganito magsulat.. hehe mamaya ung binigay naman ng drills ang aaralin namin na pinasagutan sa bahay na ginogoogle ko kasi diko talaga alam.. hehe Break for 15 minutes lang kami tapos kapag ccr ka 5 minutes pababa sa 4th floor.. haha
Done na maglunch, bumaba pa kami ng building ang taas pa naman tapos linggo pala ngayon day off ang mga kainan buti nalang may 7/11 dahil kung hindi wala kaming lunch. Kayo lunch naglunch na ba kayo? Huwag kayo magpapalipas di ako makapagpost ng picture dahil data is life.. Ay pwede ata magpost ng picture mabilis data dito sa taas.
Nakaraos din ng unang Week ng pagrereview, grabe yung Biology , grabe din ung nagturo samin hinimay himay niya talaga at ang galing niya magturo mapapanganga ka nalang kung paano niya lahat un natatandaan. Top 2 pala siya nung board exam sa licensure for teacher from UPLB kaya di na rin nakakapagtaka. From 8 am to 5pm nagsulat lang talaga kami tapos nagsagot ng 50 items lang . Namiss ko magsulat pero hindi buong araw.. hahà. Pero kasama sa proseso ang hirap. Next week ulit…
Magandang Gabi mga kaingay, Di ko na namalayan ang oras kaya pala nagugutom na ako. Tulog lang ako kanina siguro ay dala ko parin ang pagod nung sabado at linggo sa review pero nung hapon nagbasa ako at nagsulat mas natatandaan ko kasi kapag sinusulat ko. Nagsusulat ako habang nakikinig ng mga nagtuturo online kahit papanu e baka maalala ko exam day na. Promise ko sa sarili ko na bawas social media talaga muna ako hanggang September. Kaya kakain muna kami at gutom na talaga.…
Dahil naubusan ng gasul sa bahay kaya bumili na lang kami sa 7/11 sa halagang 39 makakakain ka na pero tong binili ko 60 pesos bumili nalang may malapit dito samin huwag lang talaga araw arawin to tapos dito sa labas ng subd. namin opening ng coffee shop nila buy one take one sila kaya bumili na rin kami ng iced coffee infairness okay naman ang coffee nila basta malamig di kasi talaga ako mahilig sa kape.. hehe. Kain tayo mga kaingay tapos magbabasa basa muna ako bago…
Maulang hapon sa lahat kaninag tanghali umulan na pero tumila rin agad tapos kumulog nang kumulog after ung kulog at kidlat na galit na galit tapos ngayon ito umulan na nga ng malakas. Masarap na naman nito magkape pero ang init pa rin dito sa bahay namin. Hehe Di makakalabas para magmeryenda .. huhu kayo anong meryenda?
Good Night na po sa lahat antok na. Lowbat na rin. Kakanood ko ng Kdrama may pinapanood kasi ako ngayon lumang kdrama na siya. Wala lang gusto ko lang panoorin after magbasa ng reviewer. Ikaw huwag ka na mag-isip matulog ka na at ipagdasal mo nalang yan.
Late dinner mga kaingay, ngayon kasi ang lunch break ni jowa nakawork from home kasi siya. Unang break niya kasi 15 minutes lang bitin sa pagkain kapag 10pm kasi 1hr kaya kanina ng biscuit lang muna kami at di pa naman din ako nagugutom. Tapos nagcrave talaga ako ng manok kaya ayan napadayo kami sa mini stop. Masarap ang manok dito at malaki kaysa sa 7/11 mas okay manok nila. Kain tayo mga kaingay sa mga hindi pa.
Maulang hapon sa lahat kahapon umulan din sana naman bukas hindi at sa linggo di talaga ako makakapasok sa review. By the way nakita niyo rin ba ung alignment ng mga planeta kagabi? Ako kasi hindi di ako ginising nagising na ata ako 5 maliwanag na tapos maulap na huhu. Sayang ung pagkakataon na makasaksi ng ganun. Ctto sa pic nakita ko lang online.
Good Night na sa lahat, maaga pa bukas di ko na nasagutan lahat ng take home exam namin sa review sobrang antok panay sulat na naman kami kanina pero ayos lang basta pumasa. Akoy di muna magiging active at busy kapag sabado at linggo kaya tulog na ako mga kaingay.
Kape tayo mga kaingay, masarap pala ang kape kapag malamig. Jeje Nakakaadik ang kape dito sa may subdivision namin may bago silang pakulo kapag naka 10 ka na free na. Naalala ko nung unang kape ko malay ko naman sa mga lasa nito grabe ung nainom ko nun ang pait. Haha Kaya kudos sa mga mahihilig sa kape na ang pait pait pero parang nasasarapan parin. Masarap din tong nachos nila kulang lang sa sauce.
Wala kaming ulam pero mas pinoproblema pa namin sa araw araw uulamin ng mga baby doggy namin. Haha Sila laging atay with gulay kami minsan noodles lang. Sana all healthy sila. Mahirap din naman kasing magkasakit mga baby natin at di natin malaman kung may sakit ba sila o wala.
Ngayon lang kami maghapunan dahil 10:30 pm na siya nakapagbreak kaya ngayon lang kami kakain medjo naantok na rin talaga ako parang ayoko na kumain ksso kawawa naman at wala ng pagkain sa bahay wala na rin biscuit tapos 3am pa trabaho niya kaya sinamahan ko na. Haha Kain tayo mga kaingay.
Late dinner again, kain tayo mga kaingay gantong oras na kami madalas kumain sana mabago oras ng break nila kaso US kasi sinusunod kaya malabo ata. Purefoods tong alam namin nakalimutan ko tatak gusto ko sana ma ling kaso wala kami makita. May naalala lang ako sa Ma Ling parang nawala kasi siya noon at may usap usapang tao daw un.. chariz.. pero di ko sure kung tao o may napasamang daliri.. ewan.. hehe
Napadaan na naman kami sa kapehan, arat kape tayo mga kaingay, laging malamig lang inoorder ko kasi nga ayoko ng mainit at di naman ako mahilig pero natikman ko ung mainit masarap pala. Kaso parang nalalasing ako ewan ko.. haha May kasama nga palang fries yan wala kasi nachos.