Umulan tapos sabay init lang. Hindi pa official ang summer nyan ha pero kabog na ang init. Naglunch na ba kayo? Dapat nasa dagat kami ngayon kaso may pasok naman kaya di kami nakasama pero okay lang kasi ewan ko ayoko talaga sa dagat maganda lang talaga view pero di ko kasi maenjoy gawa maalat.. haha masakit sa mata Mas gusto ko talaga water falls mga ilog or pool. Kayo?
@Poldo in April 2022
Totoo nga ang chismis lasang magnanakaw Ng puso ng masa.. haha Dito na lang ako magpopost para walang mang away sakin sa facebook kasi maraming diktador.
Good Afternoon everyone, Tapos na magpaligo ng isang aso ito namang shih zhu namin na niregla ng dalawang linggo. Grabe rin kasi reglahin ko hindi normal pagreregla niya bulok ung dugo na nalabas sa kanya pero pinacheck up na namin yam siya at ginamot normal lang naman daw sabi ni Doc. Kaya araw araw siya nakadiaper. At ngayon maliligo na siya paran naman mabawasan na kakaibang amoy. Teka may ulam na ba kayo?
Late lunch pasok na to para sa meryenda. Haha Di na kami nagluto nag-order na lang din. OA masyado ung inorderan namin ang tagal magdala nahigh blood talaga ako very light. Pero okay lang kasi mura naman kaso talaga naku. Kayo ba nakakain na? Huwag gagaya samin. Paalis sana kami ngayon kaso ung init nakakapaso. Tokwat baboy Langka Menudo
Nakapaghapunan na ba lahat? Piyesta pala dito samin bukas pero di mo pa rin ramdam siguro dahil pandemic pa rin. Wala kasing peryahan o paganap sa barangay. Dahil nga piyesta bukas nagutom ako kaya nagbukas ako ng kabinet tapos tadaaaan panay basura ang laman. Haha tumatanggap po ako ng gcash... Chariz
Rainy Morning everyone, Nagising ako dahil sa lakas ng ulan kaya dali-dali akong lumabas para ayusin ung isa naming aso nilagyan ko nag trapal. Kaya ayon nabasa ako sobrang lamig ayoko pa sana maligo kaso baka naman magkasakit ako. Sana maghapon na lang ganitong makulimlim lang tapos na kasi ulan para naman di uminit ng todo. Ingat lahat have a nice day po inyo. P.S ung picture ko wala na ulan maaga pa kasi umulan.
Maghapon na umulan dito samin kaya di kami nakalabas para bumili or magpadeliver man lang ng ulam kaya ayon sardinas na lang inulam namin masarap naman. Kaso wala nga lang ulam mga aso namin wala na kasi stock. Kayo kumusta naulan din ba sa inyo?
Good Night Everyone Time to sleep buti hindi ganon kainit ngayon dahil maghapon talaga umulan ngayon ambon na lang. Di ko alam pero nalulungkot ako ngayon parang gusto ko umiyak. Pero tutulog na ako para di na ako mag-isip. Salamat sa lahat.
Dalawang araw nang naulan mukhang totoo ung isang linggo raw to. Di tuloy kami makalabas. Tiis na lang kung anong meron sa tindahan na pagkain. Ang sarap ng gantong panahon kung may stock sa bahay at di kailangan lumabas kaso lumalabas pa rin talaga. Nagmeryenda na ba lahat? Ienjoy niyo yan huwag kayo post nang post nagugutom ako.. haha
Good Morning noise fam. Dahil dalawang araw nag-uulan nawalan talaga kami ng susuotin ang tagal kasi namin di nakapaglaba. Pero okay sana kung uulan lang din para di mainit. Hehe Kakatapos lang din mag-almusal kayo ba? Craving na naman ako ng Lomi.. haha. Ako'y abala abalahan muna ang tagal ko nakapag-umpisa sa paglalaba dahil napa marites ako sa tindahan . Lol
Let's Eat CHICKEN SANDWICH from MCDO Snack to ni jowa para sa lunch na mamaya kaso natakam ako kaya nakikain na ako. WFH kasi siya kaya nabili na kami ng foods para mamaya niya 11p.m ( lunch sa US ) Kaya lagi din akong puyat dahil panggabi siya pero malapit na siya mag office. Kain tayo mga kafoodie. Mamaya ipagluluto ko rin siya ng Pancit Canton.
Hello mga furparent. Meet our Baby Missy actually hindi na siya baby dahil 1 year 2 months na siya. Nagkakaproblema kami sa kanya nitong mga nagdaang araw dahil ang unti na niya kumain kahit may ulam parang nanawa na siya sa pagkain. Hindi na namin alam kung ano ipapakain sa kanya. Hindi na siya hyper tulad noon na sobrang ligalig. Sana okay lang siya. Normal lang naman to no? Kumakain naman siya di lang inuubos.
Start na pala ng Holy Week sa Linggo. Makakanood na naman ako ng 10 commandments. Tuwing holy week piling ko napakamakasalanan ko kasi inaalala ko lahat ng mga mali ko. Hehe. Talagang nakakapagnilaynilay ako. Pero madalas naakyat kami bundok or nagbebeach pero kapag walang ganap ayon nood lang sa bahay about God. Kaya Ngayong holy week ayon beach daw kami. Kayo anong ganap kada gantong mga panahon?
Tamang laro lang ng Mobile Legend hay naku nagsasawa na talaga dito lagi kasi talo. Haha iisip na ako ng ibang laro. Tapos tamang nakikikotkot ako ng chichirya sa nagtatrabaho. Grabe talaga tong Chippy napakaalat. UTI is waving. Bagay lang talaga to for pulutan. Hehe. Maya maya tutulog na rin ako. Kaya good night na sa lahat.
Okay Let's Eat noisers Extra Hot Pancit Canton pero di naman maanghang sakto lang. Medjo late na ganon talaga kapag tamad. Haha. Mukhang tapos na ang tatlong araw na tag ulan. Hehe Ang init naaaaa
Happy Palm Sunday, Grabe sobrang daming tao sa Padre Pio Shrine dito sa Sto. Tomas Batangas parang covid free na talaga di na kailangan ng baguna o kahit ano walang bawal bawal. Kaso biglang umulan ng malakas pero after mass tumila na ayon akala ko wala na trapik pero ang dami pa ring papunta. Kayo ba? Huwag kalimutan magsimba mga kaingay at manalangin.
Good Night sa baby namin. Tulog na siya. Masama talaga ang pakiramdam niya nung nakaraang araw paunti unti lang kain niya hanggang di na nakain kahit ano. Pero nainom naman siya tubig. Sumabay pa na wala pang pera.. huhu Ang hirap kasi di naman namin alam kung ano problema niya kaya need talaga maipagamot. Furparent talaga makakarelate tagal pa ng sahod. Sana talaga okay lang baby namin.
Magandang Hapon mga kaingay, Pagabi na naman sakto paglabas ko buong buo ung rainbow sa tapat ng bahay namin nung bata ako madalang talaga ako makakita nito pero ngayon madalas to lumabas ang ganda lang. Alam ko promise to ni Lord satin na hindi na ulit mangyayare yung lumubog mundo at namatay lahat at yung rainbow yung sign ng pangako niya. Hindi ko lang sure kung tama o hindi ko alam kung saan ko to nabalitaan basta ganyan pagkakaalam ko. Kayo ba anong pagkakaalam niyo sa…
At umulan na nga ng malakas sabi ko na e kasi sobrang dilim ng kalangitan, kaya ako'y maliligo na bago pa ako lamigin. Haha Kaso walang meryenda nito panigurado. Kayo kumusta sa lugar niyo naulan din ba? Ingat tayong lahat.
Ito yung nangyare sa aso namin. Huhu dumugo ung ilong. Tapos ilang araw na rin siyang matamlay at di kumakain. Kaya dadalhin na namin siya sa veterinary. Sumabay talaga na wala pang sahod si Jowa. Kaya nakapangutang pa nga. Pagpray niyo po siya na okay lang. Salamat po. Padaan muna ako mga kaingay. Salamat sa lahat ng tips niyo sa akin malaking tulong yan para sa Baby Missy namin. Kailangan na kailangan na talaga madala. Update ako later. 🙏 ❤️
Magandang Gabi sa lahat. Late post ako. Update sa doggy namin dinala na namin siya sa veterinary salamat po sa mga dasal niyo kaingay. Ang mahal nung turok sa kanya tapos gamot pa kaya halos naka 2k din kami. Thanks God at Lagnat lang ang baby namin buti raw nadala na namin agad sabi ni Doc. Kaya ito ngayon tulog na siya ayaw nga lang uminom ng gamot kaya sapilitan medjo nakain na rin siya sana magtuloy tuloy na. ❤️ 🐶
Hello noisers, reminder lang about our Planet We only have one Planet. Nagprotest ang mga scientist dahil may ilang taon na lang tayo para masave ang mundong to kung di mapipigilan tuluyan na talagang masisira at magbabago ang ating panahon. Kung magtutulong tulong tayo kahit sa maliit na paraan kapag pinagsama sama to malaki ang maitutulong nito sa mundo. - Please SAVE ENERGY, bawasan ang paggamit ng mga appliances at huwag laging kakalimutan hugutin ang saksak. - Bawasan…
Share ko lang tong tore sa may Padre Pio Shrine ilang beses na kaming nakakasimba dyan pero nung sunday lang ako nakaakyat. Hehe Ang ganda ng view sa taas may entrance na 20 pesos. Medjo busy ata ako di ako nakakapagpost. Kumusta naman kayo? Nakapagnilay nilay ba kayo? Linggo ng pagkabuhay na bukas kaya dadayo kami sa Monte Maria ung malaking Statue ni Mama Mary. Para lang akong bata dyan sa mga posing ko.. lol
Visiting Basilica of St. Martin sa Taal Batangas City 1 hr 30 mns mula sa amin depende kapag mabilis at walang trapik. Unang beses ko dun ang ganda ng simbahan legit. Tapos ung paligid niya na mga establishment mga old ang design. Pati loob ng simbahan ang gara. Asia's Biggest Church siya.
Masyado ata akong naging busy at hindi ako nakapagpost. Hehe May gising pa ba? Tara snack tayo inaya pa kasi ako lumabas ng 7/11 ayan napabili tuloy ako . Food trip pa nga.
Meryenda tayo mga kaingay. Nagiging peyborit ko na tong chicken sandwich ng MCDO tapos Mcflurry grabe perfect talaga. Ito lang gusto ko sa MCDO pati fries pero kung chicken at spag. Jollibee pa rin.. hehe. Kayo ba MCDO o JOLLIBEE?
Good Evening noisers, it's my second time to celebrate my BIRTHDAY here in noise. 🥳💖🎉 Di ako naghanda kasi gusto ko talaga magsamgyupsal kaso sa linggo pa kasi wala ako kasama. Nagsimba nalang ako kanina sympre to THANK GOD sa lahat ng blessings. Gusto ko rin mag thank you sa inyo sa blessings din na natatanggap ko rito. ❤️
Maulan hapon sa lahat. Kanina pa umuulan ng malakas dito samin. Di lang halata sa picture pero malakas talaga. Sira talaga ang mundo natin pero alam ko may magagawa pa tayo. Ako'y matutulog na lang muna at ang sarap ng ganitong umuulan. Malamig.
Grabe tong Subdivision namin tama bang pumayag na gawing venue ng meeting de avance ng isang kandidato sa pagkamayor ang club house.!! Di ba nila naisip na subd. to may mga nagwowork from home ung iba may mga pasok pa bukas. Buti sana kung nag-uusap usap lang sila hindi e with malakas na speaker. Sorry talaga ekis sa boto namin to... Haha. Magkanu binayad sa HOA namin? Pagtalaga usapang pera wala na pakialam ung presidente namin dito. Tapos ung subd. Di magawang maging…
Tara meryenda mga kaingay, mabubusog na ako nito kaya baka di na naman kami maghapunan.. hehe Kumusta naman kayo? Linggo na bukas face to face na ng pamangkin ko sa wakas mababawasan nang makulit na batuta dito kahit sa umaga lang magkaroon ng kapayapaan . Haha Sana magtuloy tuloy na at mawala na talaga ang covid na to. Kayo ba f2f na rin ba mga anak niyo o pamangkin?
Sobrang init tapos biglang umulan ng mabilis lang nabasa lang sinampay tapos biglang tigil din agad tapos ngayon lalong uminit lang. Kaya tiklupin ko na habang nanonood ng tv tapos makaligo na grabe init di ko kinakaya. Haha. Naglunch na ba kayo? Anong ulam natin dyan?
Nakauwi na rin kami. Ito lang talaga gusto ko nung birthday ko nung 21 ayoko na kasi maghanda kasi ako na magluluto ako pa magliligpit tsaka ayoko na ng may pacake cake parang naooahan na ako . Sign of aging ayaw na ng surpresa.. Wala lang talaga ako makasama nung mismong araw naghintay pa ng rd kaya ito wish granted. Romantic Baboy Unlimited Korean Food. Gusto ko lang din magpasalamat sa lahat ng bumati sakin dito. THANK YOU MGA KANOISE.. ❤️
Tamang luto lang ng sinigang na baboy. Mga tao dito samin nasa club house ngayon dahil ung sinusuportahan naman nila ang andun. Mamaya baka sumilip din kami magluluto lang ako. Mabilisang pagluluto lang to ng ulam. Baka di narin sila magsikain kasi mayaman ung tumatakbong un laging may pakain . Lol Kayo ba nakaluto na?
After ng face to face sa school module naman dito sa bahay. Buti na lang umulan kaya di mainit ulo ko sa pagtuturo .. haha kahit papanu tahimik ang bahay kapag umaga. Nawa talaga ay magbalik na sa normal lahat. Sana magtuloy tuloy na ang face to face.
Buti na lang umulan kaya di mainit ulo ko sa pagtuturo .. haha kahit papanu tahimik ang bahay kapag umaga. Nawa talaga ay magbalik na sa normal lahat. Sana magtuloy tuloy na ang face to face. Kayo ba mga kaingay nakaf2f na ba mga anak o pamangkin nyu?
Mainit na hapon sa lahat. Inaantok pa naman sana ako kaso di ako makatulog dahil sa sobrang init. Akala ko uulan kanina kasi makulimlim. Anong oras kaya gigising jowa ko at di pa ako nagtatanghalian hintayin ko na lang siya magising kain na lang kami sa labas sana may pera pa siya. Haha Wala kasing nagtitindang ulam sa labasan kaya ayon gutom. Di naman makapagluto samin at kakaiba talaga ang init. Kayo ba nagsikain na? Sana may dumating ja blessing.
Good afternoon noisers, Kakatapos ko palang mag-umagahan at tanghalian deretso meryenda na rin un.. hehe Ang ganda ng nakuhanan ko, isang butterfly di siya umaalis kahit nayuyugyog na siya ng hangin. Minsan ano kayang piling ng makalipad. Sana kahit isang beses lang pwede tayong maging hayop na gusto natin. Gugustuhin ko tlga maging ibon
Ang ganda ng kalangitan ngayon nakakarelax ung kulay ng langit. Parang ang peaceful peaceful niya. Kaso bago naman to napakainit muna sa tanghali. Kaya ito ako tambay lang dito sa labas pero inaantok antok ako . Hehe Di na ako nagmeryenda at 4pm na kamu kumain ng umagahan at tanghalian kaya busog pa. Ganto rin ba kalangitan sa inyo?
Umuulan pero di mo madama ung lamig. Hehe Kaya kapag ako nagkasariling bahay ayoko tumira sa gantong row house iba pa rin talaga kapag may bintana sa paligid man lang. Kapag ganto parang ang hirap huminga kaya kapag tanghali sobrang init na dito. Iba parin bahay sa probinsya talaga. Namiss ko tuloy samin sa Leyte. Good Night na sa inyo mga kaingay
Ilang degree kaya init ngayon? Grabe ung init maghapon talagang nakakahingal kahit di ka gumalaw pagpapawisan ka parin. Kung pwede lang ireset ulit ang mundo ginawa ko na. Hindi ko alam kung kaya pa ba ung 8 years ? Wala e ang mga tao sa pera na talaga ang sinamba tama nga naman ung sinabi nung isang babae nakalimutan ko pangalan. Aanhin mo pa raw ang pera kung pagdating ng panahon wala ng makakain kasi namatay na lahat mga hayop at halaman , wala ng malinis na tubig. Tama…
Lunch na ng nagtatrabaho. US time kasi sila. Sympre MCDO bagong paborito ko na talaga ang CHICKEN SANDWICH nila kaso ang tipid sa mayonnaise. Haha Snack tayo mga kaingay. May isang batang papansin nakaamoy bawal naman sa kanya kaya bibigyan namin ng kaunti wawa naman e paawa lagi.. hehe
Kahapon napakainit sasakit talaga ulo mo ngayon naman ito tamang ulan. Hehe mas okay na to kaysa init kaso habang nagiging ganto ang panahon nag-aalala naman ako sa mundo kasi alam kong hindi normal to. Makakatulog ako nito ngayon. Sa lugar niyo ba naulan?