Good Morning Everyone, November 1, mga ganitong oras abala na kami nito sa pagluluto tapos gogora sa sementeryo para dalawin mga mahal natin sa buhay pero ngayon dalawang taon ng sarado ang mga sementeryo. Pero nakadalaw naman kami hindi nga lang ung nakasanayang araw. Tirik na lang kandila. Kayo ba?
@Poldo in November 2021
Hindi pala nagpost isa kong post sa group. Sayang naman kung di mapopost. haha (Reposting) Lunch time, Nagpa Jollibee si kuya, CRAVING SATISFIED. Busog lusog na naman mga bulate ko. lol. Nakasanayan na kasi kada November 1 and 2 nasa sementeryo sama-sama doong dumadalaw sa mga mahal sa buhay. Kain na tayo mga kaingay,
Tirik Kandila para sa mga pusong patay na patay sa jowa nila pero ung jowa nila sa iba patay na patay. ouch. Charot. Para to sa mga mahal natin sa buhay na nasa Panginoon na. Nawa ay maligaya na sila sa piling ng Maykapal. Ang kandila ito ay simbolo na hindi natin sila nakakalimutan at kailanman ay hindi makakalimutan. Kayo ba ay nagtirik na rin?
Ayon na nga di ko na naman namalayan ang oras kakanood ng mga vlogs tungkol sa mga libreng earning app or site. Kainis lang kasi madalas referrals. Pero legit naman daw. Pero kontento na naman ako dito kay Noise actually noise ang nagigiing basehan ko. Kasi kung hindi lang din naman tulad nitong noise wag na lang.. hahaa Pero nung nag-uumpisa palang pandemic lahat sinubukan ko kaya panay scam. haha. Sinong relate? G o o d N ight na rin noisers.
YESTERDAY, I was just hoping to have 1k subscribers. TODAY, It happened. TOMORROW, Another Journey. And that Journey I want you all with me. I am so Thankful to have you Dear Noisers. Oppss hanggang dyan na lang ang baruk kong English. Story Time Si @sahayashin ang nagpakilala sakin dito sa noise, siya ung nagturo sakin nang lahat na hindi ko alam. Siya lang ung sumusuporta sakin nun. Nagtyaga lang ako hanggang nagkanilaga na. Marami rin akong SANA ALL nun, haha may mga…
Good Night Everyone, I'm so sleepy na.. Umalis kasi kami kanina, kaya medjo napagod. Buti na lang malamig lamig ang panahon ngayon di major matulog. Pero sabi raw ay may Bagyo. Sana di tumuloy. Salamat sa lahat guys. #1KSubscribers #1KThankful
Good Morning Dear Noisers, Ayan na ilabas ko na ang mga aso. Ang sarap talaga lumabas kapag madilim dilim pa tapos ang lamig lamig. Para ka na ring nasa Tagaytay City at Baguio City. Siguro mas malamig klima dun. Today is Nov. 3, grabe ang bilis tlga ng araw tapos na ang Undas. Oh siya ingat ang lahat ng nanglalabas para bumili ng makakain at papasok sa mga trabaho. Wag kalimutang pandemic pa ngayon.
Grabe init, nakakainit ng ulo. Summer na ba? Paalis pa naman kami ngayon. Gutom much na ako. Punta muna kami Laguna ngayon. Kaso wala raw wifi dun at nagkaproblema kaya parang ayoko umuwi.. haha.. Btw naglunch na ba kayo? pahinging ulam..
Nakarating din ng Laguna, Sobra ung gutom ko kaya kumain na kami kasabay na meryenda..haha Tapos kain tayo nitong chicharon guys ang sarap nabili ko nung nagsimba kami. Ang sarap niya no need na ng suka. Bukas uwi rin ata kami depende sa sitwasyon. lol.
Akala ko aamagin na mga naka add to cart ko. Kaya ito umorder na ako ng T-shirt kasi kailangan ko rin talaga at wala ng kasya sakin na damit tumaba na ako ng lubusan. jeje Every Sunday kasi nasimba kami at problema ko lagi ang damit kasi paulit-ulit talaga ung suot ko. Mga damit ko kasi Medium need ko na Large kaya wala na talaga pag-asa na magkasya.
Kumain na ba kayo kaingay? Arat na kain na kayo. Inihaw na Tilapia at Barbeque for tonight. Medjo bawas na ako sa kanin ngayon. Sa kanin lang..hahaahahaahaa Alam ko tapos na ang karamihan at patulog na kaya Good Night na po sa inyo. Bukas na lang po ulit. Magrarandom heart na lang muna ako. Nawa ay madaanan ko ung mga masisipag magheart sakin.
Nakauwi na rin kami ng Batangas, Grabe ang hirap ng walang wifi, Buong araw kaming walang wifi sa Bahay kaya pinuntahan namin tapos need daw ipaupgrade to 20mbps kaya nagpaupgrade kami pero maghapon wala pa rin. Nautakan ata kami. haha Kaya umuwi na kami kasi mahina rin ang data sa bahay ng kapatid ko. Wala tuloy akong update. haha KUMUSTA NAMAN KAYO RITO? PARANG ANG TAGAL KONG NAWALA..LOL
(Helping A Friend for Furbaby) I don't know if it is allowed but Hello Everyone here in Noise and to Pet Lovers. I just saw the post of my friend he is the owner of the father of my Dog(Missy). And it's sad news because the father of our dog have a #TUMOR and I really wanted to help but I don't have too. I believe this post will help Duke. This post and the earnings I will give it to them. Thank You everyone in advance.
Happy Friday everyone it's weekend, Paliwanag pa lang 4a.m pa lang gusto na magpalabas ng aso kaya tambay muna ako dito sa labas para di mag-ingay kasi madilim pa sa labas pero ngayon ito may kaunting liwanag na. May mga papasok na rin sa trabaho na nadaan kaya Ingat ang lahat mga kanoise.
Hot afternoon noisers, kanina umuulan kaya di kami makaalis, bukas na kasi ulit ang sementeryo kaya ngayon palang makakadalaw sa kapatid ni jowa. Umaraw na nga ngayon ang problema sobrang araw naman.. haha. Apakainit sana di mainit dun. Padaan lang ako kaingay. Mamaya ako babawe.
Nakauwi na rin sa wakas galing sementeryo, Wala naman tao na siguro ay nakadalaw na sila bago pa magsara. Ang daming ganap, ang daming stress sa buhay. Nagugutom na rin ako. hahaa un talaga un. Kayo ba ay nakakain na o nakapagluto?
Good Night na po sa lahat, Gusto ko lang ulit magpasalamat sa lahat. Dahil antok na ako alam ko di na ako makakanood kaya binisita ko na lang isa isa ung mga nagpuso sa last post ko. Napagod ako dahil nga dumalaw kami sa sementeryo mahirap naman kasi ung ikaw ang dalawin. hajaa Thank You so much everyone.
May Cake ba sa Jollibee..!! hahaha Kayo rin ba nakapag-uwi na ng baso o plato sa mga Fast Food? lol Breakfast na tayo guys nawalan pa kami ng gasul kaya di makapagluto buti may cake sa ref. tapos gatas muna. Sympre nag-aaya ako ng Lomi kasi ayoko talaga ng cake nakapikit pa ako Lomi na nasa isip ko..
Late Lunch, Grabe init ngayon nakakapaso. Kaya di talaga kami makakapagluto iinit ang buong bahay. Kaya umorder na lang kami buti na lang may natira pa. Kayo ba ay kumain na? sa hindi pa aba kain na.
May lutong ulam na ba lahat? hehe Kagagaling lang namin sa labas nakipagkita somewhere. Tapos naisipan na rin namin kumaij ng Lomi medjo masarap na rin ung kinainan namin. Pwede na..hahaha Aaraw-arawin ko na dun. char. Pasaglit lang ulit ako.
May gising pa ba? Kagagaling lang namin sa Barangay hay naku. Bakit ba naman kasi pag nangangati ipapakamot sa iba? Bakit ayaw na lang kamutin? Sinong gusto makichika?hahaa charot. Ako'y matutulog na antok much na ako.
Happy Sunday everyone, Late na nagising kanina kasi nga nagpabarangayan pa kagabi. Tapos deretso kami dito sa SM Calamba may tatagpuin lang. Tapos sympre nakakita ako ng Takuyaki di pwede tong palampasin.haha Tapos punta kami sa outing ng pamangkin at bday.
Nakarating na kami dito sa Taal Lake, Dami rin naliligo. Ang lakas ng usok din ng Taal. Wag lang talaga sasabog..lol. Padaan lang ulit update lang. Di makapagpost ng picture data is real.
Iba yung pagod ko ngayong araw, Nakicelebrate kasi kami sa birthday. Ang ganda ng Lawa ng Taal. Dahil kanina di ako makapagpost ng picture ngayon ko ipopost. Pagkauwi namin naghapunan na kami kaya deretso tulog na kami nito. Kamusta naman kayo dito kaingay?
Isang mapagpalang umaga sa lahat, Alam mo yun habang tumatanda tayo parang paikli nang paikli pasensya natin sa lahat ng bagay. Parang gusto lang natin ng tahimik na buhay. Gutom na ako wala pang umagahan tinanghali ng gising. Nakakasawa na rin ung mga paninda sa Bakery.
Nanginginig na ako sa gutom, Di kasi kami nakapag-umagahan. Lalabas sana kami kaso nasobrahan naman sa init sa labas. Kaya tamang luto na lang ako kahit mainit. Kakaiba talaga init dito sa kusina namin. Kayo anong ulam niyo?
Good Evening everyone, Dahil umulan nagcrave ako ng Lomi kaso sarado ung kinakainan namin na masarap tapos mura. Kaya nagtry kami sa iba, mahal na wala pang laman at sahog panay sabaw. Nawalan talaga ako ng gana. Para ka lang nagtapon ng pera. Kayo ba ay kumain na? anong ulam niyo? Parang ayoko na kumain bukas na lang masakit talaga ulo ko ngayon.
Napakinggan niyo na ba yung bagong #CSID ng #ABSCBN? grabe kapag sila talaga gumawa meaningful yung lyrics, yung tatagos talaga, mafefeel mo ung diwa ng Pasko, from 2009 hanggang ngayon lahat maganda talaga. Maganda rin naman ung gawa ng GMA kaso lang ung mensahe talaga ng lyrics nila parang wala. Di ako basher ha un lang ung obserbasyon ko.
Good Morning everyone lalo kay @wickedsoul napakagenerous laging nagbibigay yan dahil sa kanya nakikita ko ung dollar sign ulit.hehe Kakatapos ko lang magluto at kumain waiting na lang na matapos na ang nagwowork from home para makaligpit ng kwarto. Kakaiba na naman ang init ngayon.
Kakatapos ko lang magluto kaya kakain na muna. Niluto ko ung gulay na bigay ng Feeding sa School ng pamangkin ko kasi nabubulok na la ang ayaw pa lutuin. Masasayang lang ung gulay. Ayan ginisa ko lang. Tapos after kumain papaliguan ko naman ang aso namin na isa. Bago ako maligo rin. Kayo tapos na ba kumain? Anong inulam niyo?
Namiss ko talaga dito, Isa to sa 7 Lake of San Pablo. Sampaloc Lake, nakakarelax talaga tapos pwede ka pa magbike paikot sa lake. At sympre maraming foods..hahaha. Nagkakabit palang ng Christmas Decoration balik kami dito. Maraming gagalaan kasi medjo maluwag na. Isa isahin namin yan.. Padaan lang ako kaingay.
Maggogood night na ako sa inyo. Iba na ung antok ko. Naepekto na ata ung pagod namin kanina sa pamamasyal. Bukas na lang ulit mga kaingay bawe ako inyo di ko na talaga kaya. Pakiramdam ko mabigat ulo ko. Tapos ung mata ko pikit na.
Isang Mapagpalang Umaga sa lahat, Umpisahan natin ang umaga ng nakangiti, Wag kalimutan magpasalamat sa bagong buhay. Ingat ang lahat ng lalabas ng bahay para magtrabaho at kung may lakad na importante. Ako naman ito tamang #laba dahil sadyang tambak na ang labahan.
Hot afternoon noisers, Kakatapos ko lang magtiklop tapos ngayon may lalakarin naman kami, grabe ung init nangitim na ako ng sobra kakamotor namin. Iba na rin ung gutom ko di pa kasi kami naglulunch kaya sa labas na kami nito kakain after. Lipas na lipas na kami lagi pagkain. Padaan lang ako.
Hayzzzztt pagod much, Di naman sana ganon kalayo ung pinuntahan namin kaso ung init, un ang nagpapagod. Kakatapis lang namin maglunch, grabe rin ung gutom namin..haahha. Gusto ko muna matulog at magcharj., padaan lang ako kaingay, Meryenda na kayo.
Nakatulog din ako sa wakas ang problema nito baka di ako antukin mamaya. Naghapunan na ba kayo? Bibili sana ako pagkain namin kaso bakit kaya maintenance mga E-WALLET ngayon.? Kung kailan mo naman kailangan saka nagkaproblema buti na lang talaga di pa kami nakakaalis. Kundi mapapahiya talaga. 😁
Good Afternoon noisers, Kakatapos ko lang magtutor kaso di na kinaya, May iba talaga akong nararamdaman akala ko hinahigh blood na ako. Ang sakit talaga ng likod ko paakyat sa leeg ko parang may nakasakay sakin na mabigat. Tapos nagtae pa ako. Kaya ito naligo na ako at magpapahinga na lang muna.
Samang-sama talaga ako kanina, kaya natulog muna ako. Ngayon medjo ok na konting sakit na lang sa likod at medjo masakit na lang ulo. Pero nagugutom ako.haha. Kayo ba ay nagmeryenda na?
Ang lamig sa labas, iba na talaga ung hangin. Ang sarap maggala na sa gabi tapos may mga magagandang #ChristmasDecorations. Kumain na rin kami sa labas para deretso pahinga na iba kasi talaga pakiramdam ko. Natuwa ako sa dinaanan namin, may mga puno sa gitna tapos may mga pailaw di nga lang klaro sa picture ko. Wala kasi akong magandang camera ng phone.hehe. Kayo ba naghapunan na?
H A P P Y F R I D A Y K A I N G A Y, It's Weekend makakapagpahinga na naman ang mga katawang lupa after a week ng pagtatrabaho. May motorcade sana ngayon ng gusto kong maging Presidente kaso ang init.. Susuportahan ko na lang siya sa mga socmed.
Salamat Premise, August ko to sinimulan ngayon nakuha ko na siya 250 rin yan sa #paypal. Buti pa tong #premise wala pang isang araw dumating agad samantalang ung #clipclaps ko magdadalawang buwan na wala pa rin nadating sakin kahit pisong duling. Mas masakit un kasi taon ko un nilaro tapos scam lang naman pala. Try niyo na yang Premise kaingay survey lang yan. Nakita ko lang din yan dito. Baka may alam pa kayo dyan.
Just Got Home,. Grabe busog lusog, Nagsimba kasi kapatid ko dito sa Padre Pio Shrine dahil malapit lang naman samin kaya nagpasama sila sa masarap na Lomihan. Kaya ayon nakalibre pa nga baka di na kami maghapunan nito. Kayo ba ay nagluto na? Anong ulam natin dyan?
Happy Saturday noisers, Hot morning sa inyo. Gawin nating makabuluhan ang bawat araw na lumilipas. Prepare muna ako breakfast.
Piling sick talaga talaga ako ngayon. Yung mata ko namaga na panu nung isang gabi may ipis na nakapasok sa kwarto ako pa naman pag alam kong nasa kwarto pa di sko makatulog. Haahaa kaya binantayan ko talaga lumabas tapos ayon nahampas ko palabas siguro ay naghiganti sakin ung ipis. Lol. Ewan ko ba basta ayoko sa kanila. Ako lang takot sa Ipis???
Meryenda tayo kaingay, Da best to. Hahaa Charot lang, namamaga po kasi mata ko may nagrecommend lang nakaingay din natin. Kakaiba na talaga ung kati ng mata ko kaya piling ko sa ipis talaga to. Lalabas muna kami, makabili ng tusok tusok. Kayo anong meryenda nyu dyan?
Dinner na guys, Fried Chicken galing sa labasan, masarap din talaga mga gantong manok tapos mura pa kapag di ka makapagluto or wala maisip okay na rin tong ulam na ganto. Basta wag lang araw araw. Kayo naghapunan na ba?
Blessed Sunday Everyone, linggo pala ngayon kaya pala nalilito na naman tainga ko sa kung anong tugtog papakinggan ko. Lol. Kanya kanya na naman silang palakasan mamaya may magvivideoke pa dyan. Nagbreakfast na ba kayo? Kami tinapay na lang muna. Keep safe tayong lahat.
Grabe napakainit sa labas, Bumili kasi kami ng kawad para sa Alley namin nag-ambagan kasi kami for Christmas Lights and Kawad para maikabit na. Tapos kumain na rin kami sa Jabee, Kaso di na ako nakapagpicture di ko na naisip. Haha. Sana may magpameryenda ulit last year nagpa ice cream at soft drinks mga kapitbahay..hehe
Naghapunan na ba kayo? Kakatapos lang namin magdecor sa labas, Wala pang picture kasi hindi pa tapos nagkulang kami sa mga Christmas Light.. Kaya bibili pa bukas para umabot sa sasaksakan. Di namin alam kung bakit nagkulang.. haha Di ko kasi matandaan kung ilan to. Wala na ako makita sa baul.
Isang mapagpalang umaga sa lahat, Lunes na ulit isang linggong pagtatatrabaho na naman pero sa bilis ng araw di na natin yan namamalayan. May FACE TO FACE CLASS NA PALA NGAYON. sana naman maging successful yang f2f para kung buong bansa na next year e maging maayos at ligtas. at nais ko rin pala magpasalamat sa mga generous people dito sa Noise. Thank You so much.
Dito lang ba samin o sa inyo rin? Grabe bakit sobrang init? Antok na antok pa naman ako kanina kaya kahit napakainit nakatulog ako. Tapos nagising akong pawisan. 1p.m na paggising ko buti na lang may ulam na. Un agad inisip ko kaya kain na mga kaingay. Makaligo na rin after. Menudo at shanghai kayo dyan.
Merry Christmas Noisers, Advance ako masyado. Inilawan na namin, last year namin to naisip na maglagay ng pailaw para naman madama ng mga bata kahit papaano ang Pasko. Buti nga ngaun at hindi mahigpit kaya nakakalabas na sila. Ayan tuwang-tuwa sila sabi ko may entrance fee kapag papasok. Haha. Hindi na nga lang bongga at baka magkulang sa ilaw.
Good Morning Everyone, Kakatapos ko lang magdeliver nung kita basahan. At magpaligo ng aso, Ngayon ako naman ang maliligo at napakainit na talaga. Di ko na kinakaya. Ingat po ang lahat, lalo sa magulang na isinasama ang mga anak sa labas.
Gutom much na ako kakatapos ko lang magluto. Niluto ko na ung papaya na bigay sa school kumuha kasi ako ng module nilahukan ko ng sardinas kada punta namin dun may pagulay lagi. At siomai nagluto na rin ako. Hehe. Kain tayo mga kaingay. Diko na kaya ang gutom.
Bakit ang mga bata kahit maghapon mo yan silang paglaruin di naman napapagod, energetic pa nga?! Pero pagnagsasagot ng module nag-uumpisa pa lang pagod na agad. Kailangan mong magbaon ng maraming pasensya at pwedeng reward para lang mamotivate.. Ngayon inaantok na ako.. hahaa. Padaan muna ako.
May batang tuwang -tuwa na naman sa mga ilaw na kumukutikutitap. At iba pang bata andito sila lahat. Ung ibang alley kasi wala pa silang mga lagay last year halos lahat ng alley dito sa phase namin meron. Baka ay walang masipagmagkabit sa kanila. Ang Pasko talaga ay para sa mga bata. Naghapunan na ba ang lahat? Sana ay masarap ulam niyo.
Ayan na masisinagan na ang buong bahay namin ng maligamgam ( ha maligamgam )hàha naitype ko talaga maligamgam panu may bisita ung kapitbahay namin nanghihingi ng tubig tinatanong kung MALAMIG, MAINIT O MALIGAMGAM. LOL. Masisinagan na buong bahay ng sikat ng araw. Ireready ko na ang power ni haring araw mukhang magiging mainit na naman. Ingat tayong lahat, ung face shield niyo kung alam niyong di nmn na kailangan wag na dalhin. Hehe. Pero need pa rin ata sa iba.
Napa MARITES lang ako saglit di ko na namalayan na tanghali na pala. Magtitiklop muna ako ng damit at maghahanda ng dadalhin dahil kami ay uuwi mo na ng Laguna. Alis na rin kami after nito dun na kami kakain nito. Medjo gutom na rin ako . Happy Lunch sa mga kakain na
Dinner Time, Naghapunan na ba kayo? Dahil andito kami sa bahay nakakain ko ang bawal. Awooo Kaso ang problema wala na akong gamot 3 days na akong di nakakainom. Kain na kayo kaingay, sabay-sabay na.
G o o d M o r n i n g N o i s e r s, Kung anoman ang mga gagawin natin ngayong araw samaham natin ito ng Dasal. Mag-iingat lahat. ishare ko lang mga halaman ng ate ko na andito sa bahay. Nakakarelax talaga sila tingnan sa umaga. Gustong-gusto ko talaga magkabahay na maraming puno at halaman. Sana Soon magkaroon ng bahay at lupa.
Nagtanghalian na ba kayo kaingay? Kami ito bumili na lang ng luto. Pero di pa kami nakain kasi parang busog pa kami. Mukhang uulan na naman, okay lang din naman para mabawasan ang init. Dadaan lang ulit ako.
Ayan buti di kami naabutan ng dilim sa daan. Nakauwi na ulit kami, Natuwa naman ako may nadaanan kaming malaking bahay ang daming decor tapos ang nakakatuwa 4 pm palang ata un bukas na lahat ng pailaw nila. Sana all mayaman sa kuryente. Haha Akalw ko ko talaga mga nasa 6:30 na quarter to 6 palang pala. Ang bilis magdilim ngayon. Ngayon palang ako makakapagreply sa inyo.
Because sharing is caring, Ito nga pala guys isa sa pinagkukuhanan ko ng dagdag Satoshi itong COINPAYU. 1000 satoshi minimum balance to withdraw. Dagdag na rin yan kaingay. kiclick mo lang ung links sa dashboard then wait mo lang ng 10, 20 or matagal na ung 30 seconds. Click DASHBOARD then kapag Surf Ads kahit ibalik mo sa home okay lang makikita mo ung timer pero kapag Window Ads pagkaclick mo ng link need mo antayin. Ganon lang kasimple.
May umaga talaga na parang ang bigat-bigat ng pakiramdam natin, na parang tamad na tamad tayo in short nagising tayo ng umaga na PANGIT ANG ARAW. Pero may araw na MAGANDA ANG GISING MO, ANG SIGLA MO, MAGANA KANG KUMILOS. Pero ang mahalaga gumising man tayo ng pangit o maganda WAG KALIMUTANG MAGPASALAMAT SA DIYOS SA BAGONG BUHAY NA BIGAY NIYA SA ATIN. Magandang Umaga sa inyong lahat mga ginoo at binibining Kaingay.
Share ko lang Dumating na ung order ko ng LCD GLASS. Di ko talaga sinukuan tong phone ko. Ito ung kauna-unahang phone na nabili ko sa unang trabaho ko kaya kahit nabasag na di ko pa rin pinamigay. Nabasag kasi siya nung kawork ko rin noon. Pag talaga ung gamit kahit sira na itatago pa rin natin basta may sentimental value. Unit ay myphone rio 2 fun old unit ng myphone kaya nga binili ko na agad sa shopee kasi may available pa. Wala ka na talaga mahahanap na case nito kasi…
Good Afternoon noisers, Lumabas lang kami para may bilhin pero habang naglalakad kami may nadaanan kaming Chocolate Store, Grabe HEAVEN. Hahaha Ang daming chocolate, maganda dito at pwedeng tingi. Ayon nalagasan na naman ng salapi medjo madaming nabili para sakin at para sa mga pamangkin na rin. Kaway-kaway sa mga mahihilig sa khokolateng katulad ko..
Maghapon namin siyang di nababy kasi medjo busy tapos umalis pa kami di namin siya kasama kaya ayan sobrang maglambing ang baby namin ngayon. Di makapaglaro at gusto magpakamot. Furparent can relate. Love love namin yan tinuturing namin na tao yan hindi aso. Good night na raw sa inyo mga kaingay SALAMT SA LAHAT PARA SA ARAW NA ITO. #MISSY
Good Afternoon kaingay, Ngayon lang nakapag-update sobrang sakit talaga ng ulo ko kaya nakahiga lang ako problema ko lang talaga mainit. Ayoko naman basta basta iinom ng gamot di ko talaga ugali un.. Padaan lang ako kaingay, Imgat kayo palagi
Magandang Hapon kaingay, Buti nalang umulan kanina kaya hindi masyadong mainit. Kaso medjo masakit pa rin ulo ko. Kumusta naman kayo dito? Padaan daan lang ako. Paalis din sana kami ngayon kaso bagong linis ung motor.. lol.
Grabe napakainit, Ngayon lang makakapag-update. Kumusta naman dito? Nakapaglunch na ba lahat? Ako'y maliligo muna kakaiba ang init ngayon matindi na naman. Inaantok pa naman din ako. Dadaan lang ulit ako. Stay Hydrated Noisers
Hindi na kami nakapagsimba, ang tagal kasi ng inaantay namin. Kaya ito tambay na lang dito sa labas. Ang sad kasi namatay ung isa naming angel fish kaya ayan ipinakain namin sa Arwana. Di niya pa nalulunok siguro ay nahihirapan siya sa mga pakpak ng angel. May ulam na ba kayo? Anong niluluto niyo dyan?
Good Evening Noisers, Yas maagang pamasko ito. Salamat shopee. Hahaha Sa wakas mapapalitan ko na ung lumang phone ko ang tagal na rin ng pinagsamahan namin nun, di na kinakaya mga apps ko ang dami ko pa kasing Earning Application tapos lahat ng SocMed meron ako. Kaya kahit kanta wala ako at pagna-upload ko na sa FB binubura ko na kaya sabi ko mag-iipon ako para makapag-upgrade. Buti may naawa.. hehe. Ngayon may Oppo na ako Vivo lang lagayan. At may 128 gb na. Madami dami…
Ang bilis lang talaga ng process 1 day lang. Salamat sa mga ganitong earning application na libre lang walang puhunan kundi sipag at tiyaga lang. Withdrawal via Paypal max. withdraw of 500 pesos MONEY WELL CASH ALARM CASH'EM tapos may iba pa akong app. Na same lang din nila pero di pa ako nakakapag withdraw sa kanila MONEY RAWR THE LUCKY MINER Tapos pwede niyo itry ung PREMISE guys ito naman ay SURVEY via Pay pal din yan. Share rin dyan ng mga pinagkakakitaan niyon iba.…
Time to sleep, Ako lang ba yung hirap matulog kapag bukas yung ilaw? Ewan ko pero di talaga ako inaantok kapag ganon. Kaya mas gusto ko ung madilim may kasama man o wala mas nakakatulog ako. Ito ngayon patay ilaw sa kwarto pero ok lang naman kahit may konting liwanag mahirap din naman huminga kapag madilim na madilim. Ako'y matutulog na mga kaingay. Salamat sa inyong lahat. Kita kita tayo sa panaginip.
Magandang Umaga sa lahat, Ang sarap gumising na makakarinig ka ng CHRISTMAS SONG. Ilang araw na lang talaga Pasko na kaya ngayon pa lang nahihirapan na ako mag-isip ng mga ipangreregalo pero mas mahirap kung walang budget. Lol. Tamang laba na ako Ngayon kasi baka umalis kami wala na talaga kaming susuotin. Mag-umagahan na kayo sa mga hindi pa huwag magpapalipas.
Hindi ko alam kung may naitutulong ba yung mga puso ko pero kapag wala akong magawa o maipost nagpupuso lang ako ng mga post niyo na napapadaan sa wall ko. Ewan ko pero para sakin di okay yung last update mas ok talaga parin ung nakikita kung may halaga pa ba o wala mga p u s o natin. Kasi dati kapag wala na nagpapahinga muna ako. Minsan kasi nakakalimutan ko ung nasa wallet ko di ko natatandaan kung may nadagdag o wala. Btw naghapunan na ba ang lahat? Sana ay oo. Sa…
Magandang Umaga mga kaingay, Ligtas kaming nakarating dito sa Laguna at buti hindi mainit kinakabahan nga lang ako kanina kasi baka biglang umulan nakamotor lang kami. Malapit na nga talaga ang eleksyon at panay tarpaulin na ang mga poste dito. Basta ako may Presidente na. Saka ko na sasabihin kapqg campaign period na. Ingat lahat.
Ang kalmado lang ng panahon dito sa Laguna, Hindi mainit , hindi rin maaraw. Di nakakainit ng ulo. Jeje Ewan ko ba bakit ganon sa Batangas kakaiba init. Kape na lang tayo kaingay. May araw na masarap ang kape, di talaga ako mahilig sa kape nakikihigop lang ako. Kayo ba mahilig sa kape? Isang kape lang naman kasi gusto ko ang ma KAPE ling siya.ayie.
Patulog na ang aming baby at ate Calli, Sobrang kukulit pero kakaiba ung love na binibigay nila, walang katumbas kahit sinasaktan sila madalas ng mga tao pero loyal pa rin sila. Kaya nga tinatrato namin sila na parang tao at hindi hayop. Magastos sila alagaan pero okay lang ang mahalaga ung pagmamahal nila na walang katumbas. Furparent can relate. G o o d N i g h t na po from Baby Missy and ate Calli, A R F. A R F.
Good Morning noisers, Happy Weekend, Pauwi na ulit kami nawa'y hindi umulan kasi nakamotor lang kami. Sa mga tulad kong paalis ngayon mag-iingat po tayo. Kahapon hanggang ngayon makulimlim dito. Sana sa pag-uwi namin ganito lang din para di kainitan.
Magandang Gabi mga kaingay, Kasalukuyan kaming andito sa debut, Ito mahirap sa mga gantong my program ang tagal ng foods. Haha Nakakagutom na, ang tagal magkainan.. hehe Kayo ba ay may hapunan? Anong ulam natin dyan? Di na naman ako makapagpost ng picture data is real. Maya ako magpopost pag-uwi.
Happy Legality hindi na Debut, Kakaiba na talaga mga kabataan ngayon ang mga wish nila sa debutante ay SANA MAKAHANAP KA NA NG TAONG MAGMAMAHAL SAYO. Ohjivah jowa na mga iniisip nila basta naka 18th na. Imbes na pag-aaral ganon.. btw wish naman nila un. Yan pala ung design nila. Alo naman e nakikain lang grabe busog lusog kasi kanya-kanyang kuha as in walang bantay panawa ka sa pagkain buti hindi nagkulang kasi ang daming bisita. Kaya inom agad ako gamot at ang high blood.…
Buti naisipan kong sumilip dito bago matulog. At nabasa ko sa ilang post na may bagong update raw? Nabasa ko naman sa iba na bumalik daw yung old features ni noise. Dahil maritess ako ano ba yun mga kaingay? May gising pa ba dyan? Hehe Pero kung anong update naman yan alam ko para rin yan sa ikagaganda nitong platform na ito. Hintay na lang ako may makabasa .
Blessed Sunday noisers, Makulimlim ang panahon ngayon kaya hindi mainit, ang sarap namnamin kasi baka bukas napakainit na ulit. Pero sana di umulan mamaya para makasimba kami. Ngayon naman tamang laba lang ako mahirap kasi pagnatatambak labahan. Gusto ko lang din magthank you kay @wickedsoul sa palaging pagbibigay ng blessing. At kina @sweetiepie at @azumi26 . Hindi ko alam kung tip yan or yan na ung bagong update.. hehe .. Kung anoman salamat po.
Kaya pala nagugutom na ako mag-aalas dose na pala akala ko ay maaga pa kasi nga makulimlim ang panahon. Kakatapos ko lang magsampay at ngayon naman magluluto naman ako ulam. Kayo ba ay nakapagluto na o kumakain na? Habang nagsasampay ako nakita ko tong halaman ni mother pasalubong namin to sa kanya kapag nauwi kaming Laguna kaso mukhang mamamatay na siya. Huwag naman sana. Ano kaya magandang gawin dito para di tuluyang masira?
Kakatapos ko lang magluto ng Tinolang Manok, tamang tama sa panahon ngayon na makulimlim. Sayote at Manok sapat na plus ung mga lahok tapos more sabaw lalo kapag maraming kakain. Hehe Nilagyan ko pala ng dahon ng malunggay para konyare healthy . Kain tayo mga kaingay tapos liligo naman ako after nito tapos mag-iisip isip.. haha. Charice - nauusong expression yan ngayon. Lol
Dahil wala akong magawa ngayon kaya naisipan kong kunan yung mga ilan sa mga bahay dito na may pailaw. Wala lang naaliw lang ako. Tapos naenjoy ko yung lamig sa labas damang-dama ko na talaga ang palapit na pasko. Kaso pagpasok mo sa bahay mainit. Haha. May hapunan na ba lahat? Kami wala pang maisip. Parang ang sarap ng may sabaw ngayon nagcrave ako sa Bulalo tapos sa Tagaytay or Baguio ka nakain. Sarap mangarap.
Sobrang antok na talaga ako pinipigilan ko kasi may pinapanood ako kaso suko na talaga mata. Kaya bago ang lahat gusto ko lang magthank you sa inyong lahat. Salamat sa mga biyaya niyo kaingay. Good Night na pala di na kakayanin.
Magandang Umaga mate, noisers, kaingay Medjo late bati ko sa inyo. Kahit maraming negativity na nangyayare ngayon sa mundo hanapan pa rin natin to ng positive. Lalo na may bagong variant na naman hay di na matapos tapos tong pandemic. Kaya ingat lahat. May darating na malaking blessings sa ating lahat ngayong araw. Tiwala lang.
Sabi ko na kung kahapon maganda ang panahon ngayon naman ito napakainit na naman. Masakit na naman sa ulo. Lunch na kayo mga kaingay huwag magpapagutom. Sana maggabi na agad para lumamig na. Charj muna ako at lowbat na.. Isang beses lang naman ako magcharj sa isang araw dahil 5000mah na ang batt. Maya na ulit mga kaingay. Stay Hydrated 💦
Di natapos yung pagchacharj ko at biglang nagchat ung kapatid ko nagpapasama kasi may tatagpuin sila dito sa Batangas. Isaswap kasi nila nila ung owner sa L300 ata un kaso magdadagdag sila. Kaya ito kami tambay dito sa Waltermark. Nagulat ako daming tao pati parking punuan hanggang labas un pala ang daming nagpapabakuna at National Vaccination Day pala ngayon. Oh di ba ang dami na ring gustong magpabakuna kung hindi pa maghihigpit di talaga magpapabakuna mga tao. Share ko…
(Ang tagal naman mag-approved ng mga may channel dapat inoopen nalang for madla.) Our Dinner for tonight ( late post ) Lomi and Sisig It's so delicious. These are the foods I will never get tired of. It's even more delicious. Before I don't like Lomi because it was sticky but when I lived here in Batangas we always ate it until I liked it. I'm sorry for my english. Lol. Masarap lalo to kapag maanghang yung sawsawan da best ever. Mas lalong nagpasarap kasi LIBRE... jeje
November 30, It's Bonifacio's 158th birthday anniversary. The Father of the Philippine Revolution and the Supremo of the Katipunan. It's a regular holiday. Enjoy the rest of the day noisers. Today is the 2nd day of Vaccination, Magpabakuna na tayong lahat habang available pa at libre sa masa. Ingat po lahat. Photo Credits from Twitter
Hindi na kerebels ng mga eyeball ko antokers na akes. Kakatapos ko lang din magcharj. Kaya ngayon lang makakapost ulit. Bago ang lahat gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng di nakakalimot na magbahagi ng mga biyaya nila. Salamat sa inyo. At salamat din sa ating Panginoon kasi alam ko never niya tayo pinapabayaan kahit na maging masama man tayo ng sobra handa parin niya tayong patawarin kaya kung anoman mga pinagdaanan nating di maganda ngayong araw matuto pa rin tayong…