read.cash Log in
@Poldo

@Poldo in September 2021

@Poldo

Good Morning Noisemates, What's up What's Up, It's Ber Months, Wake Me up when September Ends..haahaa.. Bakit ang daming natutulog ng buong sept.? Tapos gusto pa may taga-gising. lol. Kumusta naman kayo? Ginawa ko muna mga gawain bago magcellphone. Kaway-kaway na kayo kay Jose Mari Chan.

@Poldo

Antok much ako, pinipigilan ko talaga matulog kasi di na naman ako aantukin mamaya. Pero talaga nilalabanan ako..😁 Tamang nood lang ako ng Vlogs. Kayo kaingay anong ginagawa niyo ngayon? Mukhang maraming walang value ngayon isa na ako. Kayo ba?

@Poldo

Gud Morning, char.. kagigising ko lang kasi. Walang mameryenda e sayang naman ung mga tinapay sa ref. Kaya ininit ko at luto ng itlog + Fresh Milk. Arat po kain.

@Poldo

Gud Nyt na sa lahat, ang aga matulog ng mga tao sa bahay kaya nanood na lang ako ng Kdrama pero medjo antok na rin ako, kaso kapag nakahiga na ako nawawala naman antok ko. Kayo po ano pa gawa niyo?

@Poldo

Ang aga ko inantok pero kapag nakahiga na ako nawawala. Kayo rin ba ganon? Kaya naghanap ako ng mapapanood tapos nakita ko sa tiktok tong BIRTH OF BEAUTY, gusto ko ung mga ganitong kwento ung inaapi tapos maghihiganti. haahaa. Kdrama pala to. Ang kwento nito ay mataba siya tapos napaplastic surgery para maghiganti sa asawa niya kasi iniwanan siya.

@Poldo

Late breakfast kasi late rin kami nagising kaya ung isa naming aso nangangatok na sa pinto at gutom na pero nailabas ko na naman sila nung 5 a.m. Nakatulog na lang ulit ako. Pansit Canton, Itlog, plus tinapay at gatas. Madaliang breakfast. Kain po tayo.

@Poldo

Buti di pa ako nakakatulog, biglang dumilim na kasi kalangitan, at umambon na rin. Kaya pinasok ko na mga sinampay ko, may sampayin pa ako kaso inaantok ako kaya di ko masampay. lol. Ang hirap kumilos kapag inaantok.

@Poldo

Gud Afternoon noisemates, dahil walang mameryenda itong nag-iisang Apple na lang sa ref. kaysa walang makain. haha. Kayo anong meryenda nyu dyan? makikiwow at sanaol na lang ako. πŸ˜€

@Poldo

Kakauwi lang namin galing sa Takbong Pogi, kainan siya guys. Naisipan kasi namin kumain ng Lomi ang bigat niya sa tyan kaya di na kami nagdinner. Sana di ako magutom nito mamaya. Puyat pa naman ako lagi. Kayo ba naghapunan na? Ipost niyo na yan.

@Poldo

Hindi ko talaga kayang di kakain ng kanin. Kanina kasi kumain kami ng Lomi kaya busog kaso ngayon nag-aalburuto na mga alaga ko sa tiyan. Buti may fresh milk at Hopia Monggo pa sa ref. pwede na to pangtanggal gutom. Baka may tira pa kayong ulam dyan beke nemen pashare.

@Poldo

Friday na pala ngayon. Awuuuu. Happy Friday. Lapit na talaga Pasko wala pa akong naiipon. Sa panahon ngayon ang hirap-hirap mag-ipon. Excited ako sa Pasko hindi ko alam kung bakit. lol. Handa muna ako Breakfast. Kayo anong kinain niyo?

@Poldo

Kakatapos lang maglunch, grabe napakainit. Bumili na lang kami ng lutong ulam dahil di mo talaga kakayanin ang init sa kusina namin kasi wala manlang bintana o kabutas-butas. Ako'y maliligo na rin at baka himatayin pa. lol. Kailan kaya magsnow dito sa Pilipinas. !!

@Poldo

Nagmeryenda na ba kayo? Kami dumayo na lang sa 7/11 naghotdog kami. Nagcrave kasi. Share ko lang mga baby namin ang liit pa nila dati ngayon ang lalaki na nila. Nakakamiss ang bilis nila lumaki. Luna and Missy β™₯ Kayo anong pet niyo?

@Poldo

Gud NytzZZz Noisemates, Time to say Gudbye kasi mag-i ML pa ako. Daming star nawala sakin. Kakagaling lang namin sa bahay ng pamangkin ko kasi nilalagnag kawawa naman ang baby. Hirap pa naman maospital o magpaospital ngayon. Kasi minsan di na sila tumatanggap. Pray na lang tayo. Ipagdasal natin ang kagalingan ng mundo. πŸ˜‡πŸ™ Amen

@Poldo

Goood Morning Sabado pati na rin Linggo, hintay ka lang jollibee nand'yan na ako, Sabado ang araw ko, masusunod ang puso ko, Masaya ang buong pamilya, at home sa Jollibee. 🎢 napakanta un? hehe. Kain na kayo kaingay, kakatapos ko lang. Banana bread at Pansit canton lang kasi late na.

@Poldo

Aba naman ang sarap buhay ng baby namin. Sarap na sarap sa pagtulog porket bukas aircon. Bagong ligo siya kaya pwede sa kama. lol. Matutulog sana ako kaso sakop na niya higaan. Maka ML or nood na lang ng vlogs. Kayo po nakapaglunch na ba? Anong gawa natin ngayon?

@Poldo

Wala akong maisip na ipost kaya pa Logic ulit tayo ngayon. What: Logic ❗❗❗ Price: 0.15 πŸ’° Direction: There are 16 mistakes in the picture. FIND AT LEAST 5 OF THEM. Paganahin natin utak niyo. 😁 G O O D L U C K sa mananalo Comment πŸ‘‡

@Poldo

Maganda pa kayo sa gabi. Congratulations to @linoasis πŸ‘. Sa mga sumubok sumagot thanks din sa inyo. Next time ulit. Maliit na halaga lang yan saka na yan lalaki kapag may sponsor na. 😁 Abang-abang lang sa palogic ni kaPoldo.. Nagloloko noise ko ngayon pahirapan magpost ng picture. Di ko alam kung anong may problema baka sa internet ko lang.

@Poldo

Gud Morning noisemates. Done cooking Spicy Tuna Pasta. Maikwento ko lang kung bakit ito niluto ko. Dapat kasi ung instant na curly spaghetti to ang binili ng pamangkin ko ay literal spag. pasta. 😁 Kaysa masayang lang. Wala naman ibang mautusan. lol. Kain po tayo.

@Poldo

Katapos lang maglunch. Kayo ba? Medjo maganda ang panahon ngayon masarap matulog. Kaso ang dami kong gustong gawin di ko alam kung anong una kong gagawin.

@Poldo

Talaga namang ayaw magpaawat ng mga post niyong ULAM ha. Ako wala pa mapost at wala pa kaming luto, nakatulog kasi kami kaya kakagising lang. Di pa nagfufunction isip namin kung ano masarap iulam. Ginugutom ako sa mga post niyo.

@Poldo

Sunday Habit na talaga ang manood ng #KMJS piling ko di buo ang weekend kapag di nanonood nito. Naawa ako sa bata, isipin mo un magkatabi naman sila ng tatay pero ung bata ang kinagat. Siguro hanggang dun na lang talaga ang buhay ng bata. Natutulog lang nakagat tapos namatay. Di talaga natin masasabi ang buhay kaya araw-araw nating iparamdam sa mga mahal natin sa buhay kung gaano natin sila kamahal.

@Poldo

Good Morning Sunshine, Oh sino si sunshine? ahaha. So ayon habang kumakain kami napansin ko nanganak yung mga isda namin need agad kunin kasi kinakain nila. Ang hirap lang nila hulihin ayaw magpakuha ng iba kaya nakakain na sila. Nilagay ko na lang muna sa maliit na aquarium diko pa nalilinis. Kumusta kayo?

@Poldo

Yung nabili ng ulam sa Pluto pa ata bumili.hehe. Gutom much na us. Kayo ba naglunch na mga kaingay? Anong ulam natin dyan? Kami lutong ulam na lang ulit mahirap kasi magluto sa kusina at mainit sobra.

@Poldo

Wala raw ung ulam na binibilhan namin masarap kasi talaga luto dun. Kaya pritong manok na lang. Okay na rin to kaysa wala. Basta may Soft drinks. lol. Kain po tayo. Medjo late na. Inaantok din ako. Sarap matulog.

@Poldo

Kakauwi lang namin, basang basa kami sobra, uwing uwi na kasi kami kaya sumugod na kami sa ulan basta di lang mabasa ulo namin nakahelmet naman kami. Sana di kami magkasakit nito sobrang lamig ang hirap magdrive kasi mangangatal ka. Fresh na fresh na ang mga halaman ni Mother pero mamaya didiligan niya pa nyan kapag wala na ulan. 😁

@Poldo

Cold Morning everyone. Madilim ang langit sana laging ganito lang pero wag ka na uulan. Tipid na sa electric fan to. Preparing ng breakfast sadyang kakamulat ko lang ulit. Maaga kami natulog kagabi kaya di ako inaantok.

@Poldo

Yung kapitbahay namin di pa tapos 14 days quarantine lumabas na kahapon. Pero di alam ng nakararami na may positive. Bakit kasi di bantayan o ipaalam sa mga tao? tulad nyan di naman alam ng iba. Piling ko kaya dumarami positive kasi tinatago pa ung mga naghohome quarantine. Normal lang naman na pandirihan o layuan ng mga tao yan pero pagnaging okay naman na ang lahat mawawala rin yang tskot ng mga tao. Kaya stay safe na lang tayo kasi di natin alam kung sino-sino mga…

@Poldo

Kakatapos lang namin magpaligo kay Missy dapat di siya liligo kasi malamig kaso mabaho na tlga pinag-init ko na lang ng tubig. Kaya ngayon palang kami maglunch. Fried Siomai ayoko kasi ng steam. Kayo anong ulam? Kain na po tayo.

@Poldo

Pagsinabihan kang SANA ALL PAYAT. Body shame na ba agad un? lol. Mataba kasi ako kaya napasana all lang. BTW ayoko pag-aksayahan ng panahon. Nagdinner na po ba kayo? Maghapon umulan dahil sa bagyong Jolina stay dry po. Gulay na sitaw at hotdog inulam namin.

@Poldo

Palakas nang palakas ang ulan. Mukhang si Bagyong Jolina na ito. Di tuloy ako makatulog. Ingat po tayong lahat lalo yung mga bahain. Palagi po tayong maging alerto at maging updated sa balita. Keep safe po sa lahat. Wag kalimutan magdasal yan ang mahalaga.

@Poldo

Kasabay ng Birthday ni Mama Mary ang bagyo. Happy Feast Day Mama Mary for all the catholic. And Keep Safe everyone. #BagyongJolina Storm. Malakas na rin ang ulan maging alerto po tayo. Medjo antok pa ako ang sarap pa sanang matulog kaso kailangan mag-asikaso ng kakainin para sa nagtatrabaho.

@Poldo

Ang lakas ng Ulan at Hangin. Ngayon na lang ulit ako nakaranas nito. Kasi kahit may bagyo noon di mo ramdam pero ngayon malakas. Signal 2 samin Batangas. Ingat po tayong lahat. Sana maging matibay mga bahay natin ngayon. Alis ka na Jolina. Sama-sama po tayong manalangin. πŸ™

@Poldo

Sa wakas nagkakuryente at internet na kami. Grabe ang lakas nung ulan at hangin buti na lang talaga umaga nangyare dahil kung gabi mas nakakatakot. Kayo kumusta kayo kaingay? Sana okay lang kayo. Sobrang daming basura sa labas.

@Poldo

Ang daming chismis ngayon. Lol. Di ako masyado nakachismis at kanina lang bumalik internet tapos ang bagal-bagal naman. Totoo nga ata ang chismis na may something kay Yen at Paolo. Kawawa naman si Lj Reyes nagpuntang Baguio ung dalawa AS FRIEND. Pero umuwi AS LOVER. ayieee..Wag gagayin kawawa ang bata. Maaga na ako maggogood night sa inyong lahat.

@Poldo

Good Morning everyone, wala palang pasok si bossing kaya balik kami sa paghiga. Maaga lang talaga ako lagi nagigising para sa aso kailangan kasi ilabas. Buti nagpapakita na si haring araw at kailangan maglaba panay basa yung mga labahan namin. Ingat tayong lahat.

@Poldo

Patakam din talaga mga post niyong ulam e. Ayoko pa sana kumain kaso bakit kayo ganyan?haha. . Kakain muna kami. Happy Lunch sa ating lahat. Wala pa kaming ulam kaya wala pa ako ipopost baka bibili na lang kami. Enjoooy

@Poldo

Katapos palang namin maghapunan. Masarap pala tong manok ng Fae Fae, hindi siya yung normal na malambot ung balat medjo crispy siya. Kaso yung sauce lang talaga negative hindi masarap. Kayo ba kumain na? sa hindi pa kain na po kayo.

@Poldo

Tinigil ko muna pinapanood kung series sa Netflix nanood muna ako ng ng Shopee Live kasi andun yung GG ng Korea na Twice. Tamang scroll lang ako sa app. wala ako maorder kasi wala naman ako kailangan napupunta ako sa pagkain lalo sa CHOCOLATES lol. Kayo ba nakapag check out na? Anong naorder niyo dyan?

@Poldo

Good Morning Noisemates, mukhang magbabadya na naman ang malakas na ulan dahil madilim na naman ang kalangitan. Baka dahil kay Bagyong Kiko to. Sana naman normal na ulan lang. Ingat tayong lahat.

@Poldo

Yas dumating na order ko from Shopee inorder ko na siya bago pa mag9.9 sale. Kasi ganon din naman. Free shipping pa rin naman. 75 yung shipping tapos free 50 pesos okay na rin ung less. Mas mahal pa yung shipping fee kaysa sa item. Dalawang rain coat inorder ko kasi alam ko mas kailangan namin to. Di ns ako basta-basta na lang naordee kung anong matripan ko. 😁 . Kayo ba nakaorder na ba kayo?

@Poldo

Maulang hapon sa lahat. Kagigising ko lang pero piling ko antok pa ako. Nagmeryenda na ba kayo? Paalis sana kami sayang gusto ko pa naman ng hotdog sa 7/11 kaso naulan. Nakakatamad umalis kapag ganito. Sinong nagreread. cash sa inyo? Paturo naman parang ang complicated kasi ng site na un.

@Poldo

Nagdinner na ba kayo noisemates? Kami kakatapos lang. Sana tapos na rin kayo. Maghapon lang akong nakahiga nanood ng series at vlogs. Oh di vahhhh piling richh. 😁 Wala naman kasing magawa sa buhay. Wala ba kayong ipapagawa sakin? haha comment down πŸ‘‡

@Poldo

Who's still awake? You need to sleep now. hehe. It's already 10:55pm and I'm so sleepy. Time to say Good Night everyone. Thank You everyone for your heart to me. See You tomorrow. byee

@Poldo

Rainy Morning Everyone. β˜” Ang sarap magpaikot ikot sa higaan kapag ganitong malamig. Dahil bawal ang kape, Milo tayo dyan kaingay hanggat wala pang 2nd dose. Ingat po yung mga lalabas at papasok sa trabaho wag kalimutan ang payong, facemask at faceshield.

@Poldo

I'm so happy, another milestone here in noise. Happy 700 subs. to me. But sometimes I wonder sa bawat post ko madami na yung 10 likes minsan napapaisip ako kung totoo ba to lahat!!! Now I'm calling all my 700 subs. where are you guys? come on. πŸ˜‚ MAGPARAMDAM KAYO.. Are you ghost? lol.

@Poldo

Are you done eating lunch noisemates? for sure it's done because it's late. We need to eat healthy to fight against the virus. Oh jivah englishh. Sorry na sa grammar practising lang..lol. Basta kumain na kayo kain na tayo. Ulam namin TILAPIA.

@Poldo

Good Afternoon kaingay. Dahil wala kaming ginagawa nagpost ulit ako ng mga basahan at marami namang umorder. Kakadeliver lang namin ng iba, bukas yung iba kasi naulan na. Yung isa pa di namin nadala kasi iba yung address. Mali yung naibigay niya siguro ay bago lang sa subd. kakainis buti di kami naabutan ng ulan. Order na kayo kaingay..hahaa..

@Poldo

Natuwa naman ako sa Paru-paro na to pumasok sa loob ng bahay tapos saktong dumapo sa may cr, naging totoo yung nakadikit sa pinto. lol. Kaso sabi ni mother pangit daw un. Masyadong mapamahiin talaga ang matatanda nadadamay pa ung mga walang kinalaman..haha. Naghapunan na ba kayo? nabili palang si Bossing.

@Poldo

Mukhang magiging matindi ang init ngayong araw tirik na si Haring Araw. Oras na para ilabas ko muna mga sinampay. Happy Sunday sa lahat. God Blessed everyone. Always keep safe.

@Poldo

Nagbreakfast na ba kayo? Kain po tayo mabilisang prito ng Hotdog at Itlog na lang kasi 5 minutes break lang si Bossing. Huwag kakalimutan lagi mag-umagahan kahit late kasi important meal of the day yan. Ang aga napakainit na agad.huhu.

@Poldo

Napasarap tulog ko kaya masakit sa ulo. Buti na lang may luto ng ulam si Mother Earth kasi kung wala lalong sasakit ulo ko kung wala pang ulam. XD Kain po tayo mga kaingay SINIGANG NA HIPON sympre bawal sakin to kaya dalawang piraso lang sakin sabaw-sabaw na lang.

@Poldo

Good Afteenoon guys. Kakauwi lang namin nagdeliver kami ng mga basahan. Deretso simba na sana kami kaso ang daming nanghuhuli di pa namin napaparehistro yung motor. Pinara kami nung una buti lisensya lang hinanap kaya di na kami tumuloy bibili na sana pati gamot. Kayo ba kumusta sunday niyo?

@Poldo

Dahil natakam ako sa amoy ng barbecue kaya yan ang naisipan kong iulam. Laman, Isaw, Toryo at Dugo. Kung nasa bahay lang ako panigurado napagalitan na ako ng ate ko. Masama raw kasi lalo isaw, sinasagot ko lagi minsan lang naman. hehe.. Kain tayo kaingay. Kayo anong ulam?

@Poldo

Weekend done. Kaway kaway Monday na bukas at BACK TO SCHOOL na sa Public. Module is waving na naman. Need to rest na. Good Night na po sa lahat. Sleep Well. Mwah mwah tsup tsup. πŸ’€ 😴

@Poldo

Good Morning noisemates, Back to School here in the Philippines in Public School. Grabe di ko talaga akalain na aabot ng ganito katagal na hindi face to face class. Sana naman next year maging maayos na lahat. Good Luck Dear Student and Parents magiging busy na naman tayo sa mga module. Laban lang. Magbaback to normal din tayo malay natin bukas okay. Let's claim it. πŸ™ Photo from Twitter

@Poldo

We just finished our #haircut and lunch as usual late. How about you guys are done eating? Oh english.. lol. Sympre bili lang ulit ulam namin kasi masarap talaga #MENUDO ni ate and our all time favorite #hotdog. At sa wakas nakainom din ako ng #BukoJuice but in bottled but it's okay. Let's Gooo.

@Poldo

Naabutan pa nga kami ng ulan sa pagkuha ng aquarium may bumili kasi wala kami stock ng 15 gals. sa bahay. Ang lamig pa naman maligo ngayon. 😁 . Nakaligo na kasi ako. Btw anong ulam niyo? Di ko talaga bet mag-ulam ng tilapia ngayon lalo kung sinabawan. Di naman sa maarte ako pero di ko lang talaga feel ngayong gabi. πŸ˜‘

@Poldo

Inaantok na ako. Naglaro ako ng #ML talo kayo tinigilan ko na tapos nagtry ako mag #Netflix kaso wala ako magustuhang series ngayon. Any suggestions ung magandang series? Ako'y matutulog na. Good night po sa lahat. THANK YOU.

@Poldo

Good Morning everyone and to our fishes, nauna na silang kumain mamayang 7 naman mga aso tapos 8 kami ni Bossing. Di kasi pwedeng kumain ng maaga mga aso at sinusuka lang nila. Tirik na ang araw di na ako babalik sa pagtulog at baka sumakit na naman ulo ko. Ingat po ang lahat lalo sa mga taga NCR mukhang itutuloy na nila yung #GranularLockdown at sa mga may #module laban lang. Kayang-kaya niyo yan.

@Poldo

Kakatapos lang maglunch hinintay ko pa kasi sila at nagpa 2nd dose na si Mother Earth. Sana walang maging epekto sa kanya at samin, kami kasi bukas na. Lunch na sa hindi pa. Enjoy Eating. Napakainit sa labas stay hydrated pips.

@Poldo

Maulang hapon sa lahat, sadyang kagigising lang. Grabe ung init sa labas kapag nagluluto talaga sa kusina. Wala kasi manlang singawan sa labas. Yan ang problema dito sa bahay. Anong meryenda natin dyan? Nakakagutom matulog..haha

@Poldo

Let's take our foddie noisemates, I need to rest early because tomorrow is my 2nd dose of vaccine. Sana tulad lang ng 1st dose ko na walang side effect. Cross finger. Sa mga may schedule rin bukas ng bakuna, take muna ng Paracetamol daw at magpakabusog, bawal ang pagod.

@Poldo

Spread Noisemates,, β—β—β—πŸ’£ Suicide bombing and terror attacks Please stay away from Religious Facilities and Crowded Places. The terror attacks might include suicide bombing. Stay alert & updated with the news. Sea countries included : Indonesia, #Philippines, Singapore, Malaysia, Thailand, and Myanmar.

@Poldo

Slightly busy kanina, kaya ngayon lang makakapagpost. Time to rest because today is our 2nd dose. Hopefully there are really no side effects. Preparing na for our meal and going to vaccine center. It's really hot outside kung di lang kailangan mabakunahan di kami lalabas.

@Poldo

Yas we're done in our 2nd dose. I am now a certified #FULLYVACCINATED. Hopefully like my 1st dose, my 2nd dose won't have any side effects. Magiging #DISCOUNTED na ba ako sa mga kainan? hahaha.. Good Afternoon sa inyo. Tamang pahinga muna bago lumabas ulit.

@Poldo

Just Got Home. Kung kailan kami new vaccine saka naman ang dami naming ginawa. We go to #FishShop and #Market to looked for seven (they said it was a medicine for ticks), then we delivered the ordered fish. Share ko lang, While we were looking in the Market this #biscuit and #brownies I first saw. Basta food my eyes is so clear. 😁 We done eating our dinner, how about you noisemates? Time to relax now then later we will our #medicine, it's #Paracetamol. Sorry for my english,…

@Poldo

Tapat na tapat sakin ang liwanag ang aga ko gumising kasi nilabas ko ung mga aso pero alam mo ung pakiramdam na bigat na bigat pa mata mo. Parang nanghihina ako. Tapos parang may mga kuliglig pa akong naririnig sa tainga. Ibig sabihin nito matulog pa ako. 😁 . Ingat po lahat mga kaingay don't forget your breakfast it's the most important meal. Tulig muna ulit ako.

@Poldo

Grabe ang init na agad, kung pwede lang ibalik yung panahon noon mas pipiliin ko. Noon mga gantong oras kahit maaraw di mo ramdam kahit maglakad ka sa labas ngayon basta sumikat na ang araw ang papaso ka na. Namiss ko bigla kabataan ko yung wala pang gadget, mga panahon na un okay pa ang mundo. Dami kong sinabi e lalabas lang naman kami kaso mainit. lol.

@Poldo

Naligo na rin sa wakas. Kakatapos lang namin paliguan yung dalawang aso. Matagal tlgang paliguan ung #shihzhu namin kasi mahaba buhok need patuyuin ng maigi. So kwento ko lang nagpunta kami sa #grocery para bumili ng #shampoo ng aso kasi naubusan kami dahil nasa dulo ayon nagliwanag mata ko sa mga nadaan namin kaya napadampot ako. Hahaa. Di ko naman kakainin to lahat. lol. Pagnagutom lang kaso ang problema lagi akong gutom. πŸ˜‚

@Poldo

Good Evening everyone. It looks like noise having trouble. It's hard to log in. I hope it's okay now. How are you guys? Did you eat your dinner? It's raining tonight so masarap na naman tulog namin nito. Kaso bukas may lakad kami depende kung matutuloy. Punta kaming Laguna kaso baka may check point. Wala pa kasing rehistro motr namin.

@Poldo

Goodbye noisemates. Time to say Good Night. Bukas na lang ako magiging active antok na antok na ako. See You tomorrow. Sana kung anuman yung magiging bagong update ay para sa ikabubuti nating lahat.

@Poldo

Good Morning noisemates. Ang bigat talaga sa katawan kapag late ka na nabangon at masakit sa ulo. Nag-umagahan na ba kayo? Ako ito nag-iisip pa. Napakahirap lagi mag-isip ng kakainin. Lalo kung walang pambili. haha.

@Poldo

Kanina habang nakatambay ako sa labas may dumaan na mga bata, grabe murahan nila malulutong, malutong pa sa chicharon. Ibang-iba na talaga mga kabataan ngayon. Wala nang kinatatakutan kahit na ata magulang kaya I wonder kung kahit sa mga teacher nila wala na rin sila takot. Hindi nila namana yung mga kaugalian noon, kung sabagay mga magulang kasi ngayon madalas walang time sa anak panay trabaho na lang pero di ko naman nilalahat. Iba pa rin talaga yung laki sa palo. 😁 @…

@Poldo

Madilim na naman. Nakapagluto na kami ng sinaing pero ULAM dyan nagkakaproblema. haha Kayo anong ulam niyo? Gusto sana namin gulay kaso anong gulay kaya?

@Poldo

Ang daming nawindang sa bagong update ni Pareng Noise. Ako tamang nakikiramdam lang. Yung iba natuwa, yung iba di pa rin nagegets tulad ko. haahaa. Di ko pa rin binabago wallet ko okay lang ba to papasok pa rin kaya to sa coins.ph ko o need talaga to ayusin? anyone? Ano po bang dapat gawin?

@Poldo

Grabe sobrang pikit na ng mata ko. Di ko na kayang pigilan antok ko kaya magpapaalam na ako. Good Night na sa lahat. See You tomorrow. Bukas ko na iintindihin ung bagong update ni noise about sa wallet. πŸ’€

@Poldo

Parang hirap na hirap ako gumamit ng noise ngayon. Huhu. Dahil pa rin kaya sa update to? By the way GOOD MORNING NOISEMATES ang aga ko nakatulog kagabi. Kumusta naman nakapag-adjust na ba lahat o naliwanagan na ba? 😁

@Poldo

Bagong ligo ang baby namin. Binilhan namin siya ng ipit pero pangpicture lang kasi maya maya nasa bibig na niya yan at sira na. Kaya after picture tanggal na pag-aalis na lang iipitan. Kain na kayo ng lunch kakatapos lang namin. Piling ko napakainit ngayon. Nakakairita.

@Poldo

Maghapon atang #error tong noise ko. Di ko magamit nang maayos. Laging nag-eerror, di makapagreply kahit post naiispam. Sana okay na ngayon. Kumusta naman maghapon niyo niyo? super init kanina dito samin kahit umuulan na pero ngaun medjo malamig na kasi di pa rin natila ulan.

@Poldo

10 pm na rin pala akala ko ay maaga pa. Good Night na sa inyo kaingay. Dahil may bago akong pagkakapuyatan na series sa Netflix. Mukhang korean ata to. Trending to sa Tiktok kaya nakita ko. Title niya ay SQUID GAME. Tagal kasi ng last seasong ng Lost In Space.

@Poldo

Good Morning Noisemates. Let's drink hot milo. Bawal ang kape. Nakikiinom lang naman ako kasi di rin ako mahilig sa milo, gatas or kape. WFH na si bossing kaya maaga gumising. Umuulan na dito sa samin. Ingat po ang lahat ng lalabas ng bahay. Have a blessed Sunday everyone.

@Poldo

1 na pala patapos palang ako sa pagluluto ng ulam. Di sila nakabili ng Kangkong pag wala pa naman kangkong piling ko di kompleto sinigang. Di ko na pinabili at naulam. Tamang tama to. Kain na po tayo.

@Poldo

Maghapon ako nagsagot ng module ng pamangkin ko. Kaya nagutom ako buti na lang marami akong nakaimbak kaya ito ung brownies 50 pesos ko to nabili sa palengke. Kain tayo pamatid gutom. Nagutom ako sa module dahil ang hirap kahit grade 6 lang to. Natagalan ako sa math. πŸ˜‚

@Poldo

97 Days na lang pala before Christmas. Nararamdaman niyo na ba? Ako kasi hindi pa. Nasanay kasi ako noon na kapag ber months na marami na akong nakikitang mga nagtitinda sa labasan ng mga pailaw at parol. Wish ko sa Pasko sana maging normal na lahat. May ilang buwan pa malay naman natin. btw nagdinner na ba kayo? Don't skip kain na kayo. Bawal diet.

@Poldo

Good Morning Noisers. Humabol pa sa module pamangkin ko. Kakatapos lang. Kaya ako'y maglalaba ngayon at wala na masusuot. Mukha nga lang uulan pero walang makakapigil sa paglalaba ko. hehe. Nag-umagahan na ba kayo? Kami hindi pa mamaya na lang siguro deretso kain na ng tanghalian para isahan na. Tipid na.

@Poldo

Hi noisers tanong lang. Bago pa kasi mag-update ng wallet si noise may goal kasi ako tapos napuno ko na siya. Bali yung address ko pa dun ay #Coins.ph kaso di pa rin napasok. Sadya ba yun na matagal or papasok kaya yun o need ko ayusin na yung bagong wallet? Baka kasi kapag inayos ko yung wallet ko di pumasok sa coins.ph yung kakapuno ko lang na kota. Please enlighten me. Thanks

@Poldo

Tamang salang lang ng labahan. Habang nagpaligo ng aso. Matagal kasi tuyuin, matagal iblower. Ngayon magsasampay naman ako ng tapos na. Medjo nakakaramdam na ako ng gutom kasi kumain kami ng umagahan ay 11 na kaya sabi ko tanghalian na rin un kaso nagugutom na ako. Iba talaga kapag nasanay na katawan na natin sa ganong oras. Kaso tulog pa si bossing kaya mamaya pa talaga kami kakain nito. Kayo panigurado meryenda na hinahanap..hahaa..

@Poldo

Parang busog pa rin ako na ewan. Kasi kanina 11am na kami nag-umagahan tapos 5pm na kami nagtanghalian kaya piling ko parang busog na busog pa. Baka magtinapay nalang ako kasi need may laman tummy at iinom ng gamot. Kumusta naman kayo? Nagdinner na ba kayo?

@Poldo

Matutulog na kami. Di pala kayang tapusin lahat ng episode ng Squid Game ngayon. Ang ganda na ng kwento sana magka season 2 agad. Bukas na lang ulit. Gising pa ba kayo?

@Poldo

Good Morning noisemates. Mukhang magiging maaliwalas ang kalangitan ngayon. Ibig sabihin magiging mainit ang panahon. Ingat po tayong lahat lalo sa mga kailangan lumabas ng bahay para magtrabaho. Wag kalimutang magpasalamat sa lahat ng biyaya. Amen.

@Poldo

Magtitinapay lang dapat kami kaso naalala ko di kami nagkanin kagabi kaya pala kami hinang-hina ngayong umaga. Kaya nagsangag na lang ako at corned beef. Kain tayo mga kaingay.

@Poldo

Ayan pinilit na namin tapusin tong #SquidGame. Kayo ba napanood niyo na ba to? #1 trending to dito sa Philippines. Grabe yung #Episode6 pinakanakakalungkot. Ang ganda ng tinakbo ng kwento talagang intense. Panoorin niyo na guys. #Bitin nga lang siya kasi may #season2 pa.

@Poldo

Good Evening noisemates, Kakauwi lang namin galing kina ate hinatid yung kita sa mga basahan tapos kumain na rin kami sa Takbong Pogi, masarap kasi #LOMI nila at nag-uumapaw. Kaya di na kami naghapunan at busog pa. Panigurado mamaya kami nito magugutom pero okay lang dahil may mga snack ako dito.haha.

@Poldo

Magandang Umaga kaingay, Kanina pa dapat ako nakaluto kaso may bumisita saming #AHAS 🐍 sa kusina. Saan ka nakakita ng subd. na may ahas? huhu. Kung hindi dito samin sa ibang bahay. Maraming ahas talaga dito. Nakakatakot na tuloy magluto. haha.

@Poldo

Tamang-tama pagdaan ng scramble. Dahil init-init na ulo ko sa pagtuturo ng module. Siguro ganito rin ako nung bata. haha mainit din ulo kung sino man nagtuturo sakin noon. Pero mahaba na pasensya ko ngayon dahil kaya nga ako nag teacher.

@Poldo

Dinner time vege. kami ngayon. Pak na pak bet na bet #PakBet. Dahil ayoko ng isda kasi isda na kami kanina kaya #Hotdog na lang. Minsan masarap din talaga kapag gulay ang ulam. Kayo anong ulam natin dyan? Kumain naa ba kayo? Pakabusog po kayo.

@Poldo

Good Night Everyone, Ako lang ba yung di makatulog kapag maliwanag? Sanay ako sa madilim kapag natutulog kasi pagtulog tayo di naman natin alam o nakokontrol yung posisyon at itsura natin kaya mas gusto madilim para kahit ano pa yan walang makakakita, isa pa nakakasilaw kasi kapag maliwanag. Kapag madilim kasi wala kang nakikita piling ko ANG PAYAPA NG KAPALIGIRAN. Wala kang nakikitang ikakastresa mo.

@Poldo

Good Morning Noisemates, Punta akong comelec ngayon kasi ilang araw na lang matatapos na ang parehistruhan. Magpapatransfer kasi ako ngayon. Sana mabilis lang para mabilis kami makauwi.

@Poldo

Tamang Pila parin dito sa #Comelec, kailangan magpatransfer dahil nagkakabayaran daw dito sa Batangas. hahaa. Charot lang. Umaga pa kami umalis ng bahay, kumuha #ID sa Philhealth, nagdeposit sa bangko at ngayon ito pila sa Comelec. Napakabagal ng pila dito.

@Poldo

It's so hot in the Philippines, after 10000000 years nakatapos din magpag TRANSFER from Laguna to Batangas. Grabe ang Pila, grabe rin kapag kay kakilala mauuna pa sayo. Nauna pa saming umaga palang nakapila na yung mga Online, Senior, at KAKILALA NA NAGLALAKAD NA SA KANILA. Kaya di na sila pipila. Di ba sobrang unfair ng buhay. Naubos ang maghapon ko sa pila. 😐

@Poldo

Good evening everyone πŸŒƒ The moon is so beautiful, πŸŒ™ I see it in our window and it makes me more sleepy. It was a tiring day. 😴 Sorry for not replying all of your comment to me. Bawe po ako bukas. Kung lahat lang talaga sumusunod sa tamang proseso mabilis sana yung pila kanina sa comelec kaso wala ugali na talaga natin yun, di na natin iniintindi yung hirap ng pila ng iba basta mahalaga ang sarili. Tapos yung mga tatakbo sa eleksyon mukhang corrupt lang din naman at…

@Poldo

Good Morning Noisemates, The β˜€ is hot, hot like me. πŸ˜‚ Everyday the sun is getting hotter and hotter. Yesterday we couldn't teach and then my nephew saw me wearing jacket he though that we are leaving again. Then our neighbor wants to tutor her daughter but I have a lot of money, I don't need money. haha. joke.

@Poldo

Hot afternoon to you all. I thought hindi ako magiging busy ngayon kaso biglang bumisita kapatid ko, dinalaw nila yung pinapalandscape sa kanila. Dahil nandito na sila sa #Batangas nagcrave na rin sila ng #Lomi. The Lomi cost 299 good for 6 to 8 persons, with toppings of Lechon Manok, Lechon Baboy, Sisig, Shanghai, Egg, Kikiam, Chicharon and Hotdog. It's overload.

@Poldo

Again I am looking for my 800 subs. Just Kidding. I can't imagine, I am now with another digit of celebrations. Thank You so much noisemates for always there for me. For giving me heart GOOD or NON SENSE POST. Edit walang nagcomment kaya wag na. Bibigyan ko na lang yung isang nagcomment.

@Poldo

Good Morning Noisemates, Today is 10th Death Anniversary of my jowa's brother and we where going to cemetery later while it's not too hot. We will clean and light a candle. Keep Safe everyone, don't forget your Breakfast before you go go and your MASK, FACESHIELD( Pinaka ID natin yan πŸ˜‚ ) and umbrella just in case

@Poldo

Tinanghali na kami ng punta sa sementeryo mainit pa naman pero parang paulan. Wag naman sana. Sakto naman ang pag-aantay ko dito sa labas may dumaan na scramble. Melon flavor masarap din pala to.

@Poldo

Here at cemetery, it's so hot here. I saw this plant. I remember yung bunga nito ung lagayan ginagawa naming earings. I'll really miss my childhood, so simple, life is easy and no problem. I'll miss also every Nov. when we are visiting to our love ones. I hope the pandemic will end soon. I'm so hungry.

@Poldo

Lomi again, iba-iba pala talaga lasa ng lomi ng Batangas di ko na alam kung saan ang original nito. Pero ang sarap nito mas masarap sa kinakainan namin da best to for me so far. Nagiging paborito ko na ang lomi. πŸ˜‚ . Kain po tayo mga kaingay kakagaling lang namin sa sementeryo. Arat naaa attack..

@Poldo

Who's using CLIPCLAPS? I'm using it for almost a year. I don't know it's really hard to earn here but because I started it I need to finish it. Maybe before October I will withdraw from it. Patience is a virtue. How's your day today? I hope your okay. I'm going sleep, I'm so sleepy.

@Poldo

Good Morning Noisemates, It's so hot. Done eating breakfast and cooking. Pahinga lang konti magpapaligo naman ng dalawang aso dahil mukhang init na init na rin sila. Kawawa naman dahil di naman sila nakakapagsalita kung naiinitan na ba sila. Stay Hydrated na rin sating lahat. Tapos nakita ko tong flower. Daisy ata to ang ganda nag-iisa lang siya. Nakazoom kaya pangit kuha ko mainit kasi.

@Poldo

Lunch done, busog naman na dagdag taba na naman ako nito. Kayo ba ay kumain na? After kumain para kang nag #GYM sa init grabehhhh. Kung wala naman gagawin sa labas wag na lumabas mainit. Kape tayo mamaya. 😁

@Poldo

Good Night everyone, I'm so sleepy. Nakakapanghina ang init. Para kang pagod na pagod. Bukas na lang ako babawe. Di na kaya ng dalawa kong malilit na mata ang antok sa youtube na lang ako manonood ng KMJS.

@Poldo

Good Morning Noisemates, Until now my head is aching I think it's because of the #earthquake that happened earlier at 1 in the morning. And the epicenter is here again in Calatagan Batangas. Pangawalang beses ko na tong nagising dahil sa #lindol. Nakakatakot lang kasi baka dahil sa Bulkan to. Wag naman sana. Keep Safe na lang tayong lahat.

@Poldo

Nadagdagan ng isa tutor ko, isang grade 2 at grade 8. May isa pa na gusto magpatutor sana na grade 6 kaso tinanggihan ko na at isa pa nga lang masakit na sa ulo. Kaya ayan nakalimutan na namin kumain at di naman nakakaramdam ng gutom dahil maya't - maya nagmeryenda maraming sponsor. haha Dagdag income ko na to panggastos sa pang-araw-araw para yung kita ko dito maipon ko na. Kayo kumusta kaingay kumain na ba kayo? anong ulam?

@Poldo

Good Night noise fam. Bukas ulit. Medjo antok na. Manood na lang muna ako ng vlog hanggang antukin na. Bukas na lang po ulit. Salamat sa inyo.

@Poldo

Good Morning noisemates, Napanood ko to sa social media kagabi yung video na nagflash flood. Grabe akala ko isa lang namatay tatlo na pala. Ang sad naman na balita. Isipin mo yun wala naman ulan or anything nag-eenjoy ka lang pero biglang ganon. Kaya ingat tayo palagi.

@Poldo

Instant Spaghetti na lang for breakfast and bread. Tapos maliligo na habang nagtutor. Agang aga pawis na agad ako. Sasakit na naman ulo ko maghapon nito. haha Kayo kumusta nakakain na ba?

@Poldo

Good Afternoon noisemates, Tamang tutor pa rin habang naglalaba pero ngayon pinakain ko muna sila kasi may sampayin na ako. Tapos after ko sampay ako naman kakain saka ko sila pababalikin. Sayang din kasi ang init. Kayo ba kumain na? enjoy kayo.

@Poldo

Good Afternoon noisers. Kakatapos lang namin magmodule labis-labis sa oras. Wala naman kasi ako ginagawa kaya okay lang kaso tinatamaan talaga ako ng katam. Katamaran. haha. Kayo anong ginagawa niyo? Pakiramdam ko ngayon busog na busog ako. Ewan ko kung bakit.

@Poldo

Good Eve kaingay. Tong pamangkin ng jowa ko kung kailan gabi saka magmomodule sa umaga panay ML. Ako'y nauumay na sa module na yan. Pero bukas module pa rin kami. jeje. Sinong relate?? Kumain na ba kayo kaingay? Anong ulam natin dyan?

@Poldo

Sa wakas napatay na ung ahas sa bahay, ilang araw din tong di nagpakita samin. Ito rin ung nakita ko nung nakaraan ngayon ako rin nakakita sa kanya. Ang galing nga kasi bumalik siya dun kung saan ko unang nakita. Sana lang talaga wala na maligaw. Iniisip nga namin kung nasaan mga kapamilya nito sana lang wala sa bahay. Nakakakilabot talaga.

@Poldo

Good Morning noisers, Happy Wednesday. Have a great day. Take care us always lalo kapag nalabas ng bahay. Don't forget to bring Alcohol and wear face mask.

@Poldo

Alas dose na pala kaya pala di na maipinta mga pagmumukha ng mga tinuturuan ko. Kaya pala nakakaramdam na rin ako ng gutom. Lunch na muna kami babalik na lang mamaya. Kain na tayo kaingay.

@Poldo

Sila nanonood ng Squid Game ako naman tumutulong sa paggawa ng Performance Task ng pamangkin ko na nag-aaral sa ibang bansa. Face to face at online sila dun walang module na ata sila. Kontrolado na kasi sila dun dito tulad dito satin, matitigas pa ulo ng mga tao. Kumusta naman kayo? Patulog na rin ako maya-maya.

@Poldo

Hello Philippines and Hello World Noisers How are you noisers? Walang araw pero init na init na naman ako. Kakatapos lang namin mag-umagahan. Kayo ba? Have a nice day ahead kaingay.

@Poldo

Module time na ulit, kain muna pansit para magkalakas. Wag naman sana uminit pa lalo at lalong nakakasakit sa bangs. Naghahanda na ba kayo pamanghalian? Kami may naluto na kanina pang umaga. Mahirap kasi talaga magluto samin at napakainit.

@Poldo

Umulan na nga inantok tuloy ako ng malala kaso marami pa kaming module na kailangan sagutan. Ni hindi na kami nakapagtanghalian wala pa palang kanin. Hahaa busy sila sa panonood ng Squid Game nagustuhan kasi ni mother earth. Gutom na rin ako. Kumain na ba kayo anong ulam niyo?

@Poldo

After tutor nakatulog na naman pala ako. Walang gumising sakin kaya ngayon lang ako nagising. Panigurado anong oras na naman ako nito makakatulog mamaya. Di na ako nakapagmeryenda dadamihan ko na lang ng kain mamaya..hehe..

@Poldo

Good Night, Grabe ang hirap manood ng live coronation ng MUP kanina palipat lipat kami ng live. Wala kasi kaming pambayad sa KTX. jeje. Akala ko talaga Katrina or Steffi ang mananalo pero Dark Horse na naman. Alam ko may kanya kanya tayong pambato pero sana wag natin ibash ganyan ang mga Pinoy. Ang dami ko na nga nababasa kanina panay puna sila kay Cebu City. Imbes na suportahan na lang kasi wala na nanalo na siya e.