Magandang Umaga sa lahat, Happy Sunday. Don't forget to go to church or Pray and be thankful to GOD. Init na samin after ilang linggong pag-ulan. Mas gusto ko na lang ata ang ulan kaysa init kaso di naman pwede kasi kailangan din naman natin ang araw. GCQ, MECQ and ECQ na naman iba't ibang panig ng bansa. Keep Safe na lang tayong lahat. Always wear Face Mask and bring Alcohol. ( Verse of the Day )
@Poldo in August 2021
Magandang Umaga Pilipinas, Noisemates at sa inyong lahat. Makulimlim mukhang nagbabadya ang ulan. Wag kalimutang magdala ng kapote at payong. Ingatan ang mga sarili. Wag din kalimutang kumain ng umagahan. Nakabalik na ba halaga ng mga post niyo? Ako nahihimlay pa rin pero lalaban lang.
Another Medal for Philippines. π π Hindi man nakuha ang Gold pero nakuha naman ang Silver Medal. Congratulations Nesthy Petecio. Isa lang talaga ang hiling ko sana after nitong Olympics masuportahan na ang mga atleta natin. #LabanPilipinas
Magandang Gabi sa lahat. Kumain na ba kayo dyan anong ulam niyo? Baka may tira pa baka naman.haha. Piling ko pagod na pagod ako ngayon kahit wala naman akong ginagawa iba talaga kapag sobrang init.
Ilang araw na tong inutos sakin na linisin kaso nakakalimutan ko lagi. Dyan kasi nanganak yung mga Danios Fish π namin. Tapos nung lilinisin ko na boom akala ko madaming anak yun pala madaminh KITI-KITI. Iba na yung nabreed namin.. π Mahilig din ba kayo sa Aquarium?
Magandang Umaga sa lahat. Late Breakfast dahil kakaluto lang. Maaga naman nagising pero nasanay nalang kami na late kumain. Tamang luto ako ng Tinolang Manok. Kain tayo noisemates.
So panay pagkain na naman nakikita ko. hehe Sige lang pasarapan kayo ng ulam. Kain lang kayo makita ko lang kayong busog okay na ako. π Skl grabe ang init ngayon na naman samin. huhu. Pwede bang ulan na lang ulit ?!
Good Night na po sa lahat maliban lang kay Nas Daily. Sinong nakakakilala o followers niya sa fb? Paki-Unfollow na nasa 50k na ang nawala sa followers nya.. Manggagamit ang tao na yan. Ginagamit tayong mga Pinoy para pagkakitaan niya. Sobrang nakakagigil yan.
Aso namin 4:30 a.m pa lang nag-aalarm na, dapat 5:30 e napaaga kaya napaaga rin masyado gising ko para ilabas silang dalawa para magpoops at wiwi. Magandang umaga na lang sa inyo. LOCKDOWN SEASON 3 is real. Balik sa pagtulog. π€
Napanood ko lang sa vlog wala namang masamang sumubok. hehe first time ko oorder ng ganitong mystery box. Good Luck sakin kailangan ko talaga ng new phone.. sana π kayo ba natry niyo tong mga mystery box?
Deds na deds ang oras ngayon sobrang nakakaantok. Naalala ko nung nag-aaral ako kaganitong oras pikit na pikit na mata ko tapos open pa ung classroom namin nun tapos nakakaantok pa yung prof. ko. Ang hirap pa naman din pigilan ng antok. Kayo kanoise anong pinagkakaabalahan niyo?
Kumusta naman ang unang araw ng lockdown? kumusta kayo? Sana talaga matapos na lahat to para ng lockdown at magback to normal na. Keep safe people. Magpabakuna na kung may pagkakataon. Good Night po. π€
Good Morning Sunshine, pagkaumaga ito agad mga tinitingnan ko nakakarelax talaga ang mga halaman ni mother. Lumalago na sila nagiging mini jungle na dito. haha. Kumain na kayo ng almusal at ingat sa trabaho. HUWAG NA LALABAS KUNG DI NAMAN KAILANGAN, SUMUNOD TAYO SA PROTOCOL. #covid #LabanaAngVirus
Kakatapos lang maglunch. Corned Beef na lang niluto ko kasi wala naman choice at hapon na. Kayo ba tapos na o nagmemeryenda na? hehe. SKL yung alaga naming KOI Fish dalawa na namamatay sa kanila. Bigla silang nagkawhite spot ang hirap nmn humanap ng gamot nila. Sana gumaling na sila. π
Hello noisemates, Nagdinner na ba kayo? Kami kakatapos lang, masarap talaga kapag libre. Ewan ko ba kapag libre nasarap talaga. haha. Iba-iba talaga luto ng mga ulam, medjo di ko bet yung SISIG dun sa kinainan namin paborito ko pa naman yun. Atleast alam mo na yung mga kainan na di na dapat balikan. π
Nahagok na katabi ko. Senyales na, na matulog na ako. Sumama lang loob ko kakalaro ng Mobile Legends. Sumpa na ata talaga na hanggang Epic lang ako.. lol. Good night sa lahat. #ML
Good Morning Ladies and Gentleman here in noise. Dahil Sunday ngayon hindi na naman magkaintindihan ang mga kapitbahay namin sa kani-kanilang tugtugan. lol. Alam mo yung iba't-ibang tugtog tapos palakasan pa sila. Gusto niyo yun?? makisabay kaya kami?? tapos Kpop naman.π.
Time Check: 12:15 na pala. Di na namalayan ang oras pero di pa ako nakakaramdam ng gutom kaya di na namalayan. Pero yung mga aso namin busog na si bali kaming gutom wag lang mga aso.. haha. Kayo ba kaingay kumain na? baka naman may tira pa kayo..π
Nood lang ng tv habang nag-iisip pa kami maiuulam. Inaantay din kasi namin yung #KMJS kasi nandun ung sa kapitbahay namin dahil nafeature yung pamilya nila dahil sa anak na natamaan ng ligaw na bala. Kung di pa nakmjs di pa aasikasuhin ng ospital grabe na talaga ngayon. Nakakaawa ang mga mahihirap. Nakakain na ba kayo? Sana oo dahil late na. haha.
Grabe di pa tapos yung KMJS pero antok na agad ako gusto ko pa malaman yung kwento nung sa batang nabaril kasi taga dito un samin. Mukhang matutulog ako ng maaga after nito. Kaya mag Gogood night na ako para kapag nakatulog na wala na problema. Good Night mga kaingay SALAMAT SA INYO. π€
Nagising ako palabas palang ang araw ang aga nagising ng mga aso kaya nilabas ko na agad para tumae at umihi. Tapos nakaidlip ako ngayon tirik na tirik na araw. Minsan mas gusto ko na lang talaga naulan. Breakfast na tayo kaingay. Nawa'y matapos na ang lahat ng paghihirap natin. In Jesus Name π Keep Safe po
11a.m pa lang mag-aalarm na dalawa naming baby ngayon ayan tulog na sila. Di yan sila nalalate ng kain kasi di sila tatahimik. Samantalang kami ito wala pa ulam.haha. Kayo noisemates nakakain na ba? aba IPOST NIYO NA YANG MGA ULAM NIYO PARA MAPASANA ALL NA AKO. π
Lunch namin meryenda na rin. Ganito kami lagi kumain kaya di na tama sa oras ang kain. Kayo ba kumain na? Grabe ang init apoy na ata binubuga ng electricfan. Ang sarap sana mag-aircon kaso sasarap din ang kuryente sa hirap pa naman ng buhay ngayon kaya tiis na lang muna.
Hello mga kanoise nag-error din ba kayo kanina? Kinabahan ako akala ko nasira na acct ko pero inisip ko lang na mabagal internet. Bakit kaya naggaganito? Btw Dinner na po kayo.
Di na kaya ng mga mata ko kaya need na matulog. Good Night na po sa lahat salamat sa inyong walang sawang suporta. Kita kits na lang po sa panaginip ko. Ito nga pala yung ilaw lang namin kapag natutulog ayoko ko kasi ng masyadong maliwanag.
Magandang Umaga sa lahat medjo late post na pero mahalaga importante umaga pa. Kumusta po lahat nakapag-umagahan na ba? Makulimlim ngayon sana ganito lang buong araw. Nakakatuwa yung halaman ang dami na dahon.
As usual meryenda na ang tanghalian namin, sobrang nabago ng pandemya ang pamumuhay namin. Kayo ba nabago rin ba kayo nito? After kumain nakapagpaligo na kami ng aso kasi iba na ang amoy e mahilig pa naman to maglambing at katabi namin sa kama kaya kailangan mabango. Padaan lang ako mga kaingay.
Good Even1ng Phowsz sabi nga ng mga jejemon. Kakauwi lang namin sakto nagluluto na si mother earth ng ulam. Tapos ako mananahi muna kasi binutas ng magaling na aso namin ung bedsheet. Di ko makita yung karayom namin ayaw ako panahiin ni ate kasi raw masama, kaso matigas ulo ko sabi ni mother pwede raw kasi DI NAMAN DAW AKO BUNTIS. π Pamahiin nga naman. Kayo ba naniniwala sa pamahiin?
Aga ko nakatulog kaya di na nakapost, nagising lang ako dahil tahol nang tahol yung aso namin. Nakakagigil !! tiningnan ko muna sa labas bago ako lumabas kasi nakakakaba baka bigla na lang may humablot sakin. Mahirap na. Pero tulog na ulit ako. Keep safe everyone and Good night π€ π΄ ahuu
Pakiwari ko ay may niluluto na namang bago si Pareng Noise. Kahapon pa ganito kada mag-oopen ako. Isang mapagpalang umaga sa lahat. Ang aga magpalabas ng mga aso di na tuloy ako nakakatulog pa. Ingat po tayo. Magpabakuna na po kung may pagkakataon. Thankssss sa blessing @meyzee ang agang blessing nun. π
Lunch na mga kaingay. Wala namang araw pero yung init kakaiba. Punta muna kina ate kukuha ng mga order na Ponytail at Basahan. Order na kayo.. haha Magandang klase di na lugi. Free Delivery na kahit saan man panig kayo ng mundo.. lol.
Tatlong buwan pero ang bilis ng lahat. Happy 500 subs. sakin ππ parang kailan lang 1 lang yan inabot ng isang linggo tapos naging 2. Gusto ko na nga umayaw nun kasi parang wala naman nangyayare pero matyaga ako. π Ang daming dahilan noon para umayaw na ako kasi itong nawawalan ng halaga ang puso ko. Pero SALAMAT sa lahat nung nag-uumpisa pa lang ako sa mga paalala kung anong magandang gawin hanggang natuto na ako. Thanks sa mga patuloy na nagpupuso sakin kahit alam ko walangβ¦
Magandang Umaga sa lahat ang bilis umakyat ng araw kanina ay madilim pa nung nagpatae at ihi ako ng aso. Ang ganda tingnan nung ulap pulang-pula. Mukhang di na ako makakabalik sa tulog nito. Ingat po ang lahat, dalawang taon na ang pandemyang ito kaya dapat alam na natin yan, mga dapat at hindi gawin. Magpabakuna na po kung may pagkakataon.
As usual dahil maaga ako nagigising minsan nakakatulog ulit ako kaya ito late breakfast tayo mga kaingay. Kanin kami ngayon kasi gusto ko tikman tong SINANTULAN isipin mo yun pwede pala tong maging ulam. Arat na kain na po.
Good Afternoon everyone, Kakauwi lang namin dumayo pa kami ng lunch kina ate. Chikahan habang tumulong na rin kami sa paggugupit ng basahan. Nakarami rin kami. Magandang pagkakitaan din to. Malapit na, ito nalang kakareren ko. Ipon lang pambili ng makina. π
Anong oras pa kaya kami nito makakakain!!! Medjo ramdam ko na yung gutom. Dami pa naming linising isda ang hirap kapag masyadong pet lover. haha.. Kayo ba anong hapunan natin dyan?? Makikisanaol na lang muna ako sa inyo. Enjoy eating kayo.
Tulugan na mga kasama ko, kapag natulog sila ang bilis samantalang ako kailangan pang magpaikot-ikot at tumbling-tumbling sa higaan. Kapag wala naman akong ginagawa at nakahiga lang panay isip ko nang kung ano-ano hanggang matulog na lang. Ikaw na nagbabasa nito bakit gising ka pa?
FRIDAY THE 13th, ito ung araw na pinaniniwalaang malas pero mukha namang araw-araw may di magandang nangyayari. Kaya Ingat us, lalo na sa covid parang lalong nalala. Laban lang po tayo.
Good Night na po lahat. Nawa'y magkaroon tayong lahat ng kapayapaan. Sana sa pagigising natin maayos na lahat. Stay POSITIVE be strong kaya natin to. Laban lang.
Lindol na naman dito sa Batangas. Buti mahina lang to ngayon di tulad last time. Sana okay lang lahat. Tamang laro kasi ako ng ML di kasi ako makatulog. Ako lang na naman ang nakaramdam akala ko guni guni ko lang. Tiningnan ko sa Twitter ayon trending nga. #Earthquake
Dahil maaga pa ito muna Kape-kape muna with pritong saging kasi panigurado baka makatulog na naman ako. HAPPY SATURDAY sa inyo. Grabe ang bilis talaga ng araw. Ilang araw na lang BER MONTHS na naman. Ingat lahat sa mga papasok sa work at lalabas ng bahay.
Yas may pa QR code challenge na naman so expect ko na after nito marami na naman ang mawawalan ng halaga ang mga puso. Pakisagot po ng tanong : ENGLISH, ONE WORD Anong English ng " BABAENG NAKATAYO SA ILALIM?." Makasagot siya po sesendan ko. Katuwaan lang. comment down π
Tamaguchi magluto ng ulam kaya bili na lang ng manok tapos yung natira kaninang tanghali bawal mag-aksaya. Manok manok manok walang kamatayang manok minsan nananawa na talaga ako sa manok at karne. Kayo po ba ay kumain na? kain na po
Good Night Everyone, Pero bago ang lahat salamat #NoiseCash sa pa QR challenge. Tutulog na rin ang baby namin may sarili siyang electric fan tapos may #REGLA siya ngayon dalaga na. Ang bilis niyang lumaki gusto ko sana baby na lang siya. #Missy πΆ Salamat sa mga β₯ niyo ngayong araw. Pagpalain nawa tayong lahat. π€
Maulang Umaga sa lahat. β 4 a.m pa lang gising na ako dahil ang aga nagising ni Luna di ko naman mailabas dahil umuulan. Pero ngayon nailabas ko na. Kape muna tayo mga kaingay, work from home si jowa akala ko wala siyang pasok ngayon buti maaga nagising. #KeepSafe #FaceMask #FaceShield
Happy Lunch sa inyong lahat, ako ito kaliligo lang at may pupuntahan baka sa labas na rin kumain. Oh di ba mapera.. π Wag naman sana bumuhos ang ulan minsan wala rin talaga tong pakisama e. God Bless Everyone Happy Sunday π
Late lunch na ulit deretso meryenda na. Kain tayo mga kaingay kakatapos lang namin mamili nang bahagya mga pang-araw-araw. Walang kamatayang manok pero matagal ko na talaga gusto kumain sa ONYANGS masarap kasi manok dito iba't-ibang flavor. Magsana all na lang po kayo π
Winner: @mariamadelynpedo ππ Logic ββ Logic ( Easy Level) Prize: 0.05 Katuwaan lang to ha walang seryosohan Anong tawag sa Pantalon ng Kabayo?? Comment π
Sunday Habit na namin ang manood ng #KMJS ito na lang inaabangan ko kada linggo. Hindi ko alam kung bakit may mga tao pa ring di naniniwala sa #covid!! Kawawa yung bata nakakadurog ng puso. Kaya please po maniwala po tayo, ingatan natin ang ating mga sarili. Ako ay maggogood night na rin sa inyo. Bukas po ulit may pa #Logic po ulit.
Gud Morning Noisers, medjo late greet ko ngayon. Pero mahalaga importante di ko kayo nakalimutan. ayieee.. π Kumusta naman mga parents dyan na nag-oonline na mga junakis? At nagstart na online class? Kayang kaya niyo yan ako di na muna tumanggap ng tutor mababa ang pasensya ko ngayon baka makasakal ako. π
Anong ginagawa niyo ngayon mga kaingay? Ito yung oras na sobrang patay nung nag-aaral ako pilit na pilit akong imulat yung mata ko nito π. Kaya ito kami busy sa paggawa ng gate-gatetan para di makalabas aso dahil pwede na siyang mabuntis at nereregla na ang baby no more namin.
Winner: Congrats to @xytrix081021 π Ayuda time ββ ( Hard Level char) Prize: 0.10 π° Clue: English May dalawang sundalo naligaw sa gubat may nakita silang bata na may dalang pugad tinanong dalawang sundalo kung ano ang pangalan ng bata. Sundalo: anong pangalan mo? Bata: kung ano ang pandinig niyo, kung ano ang hawak ko at kung ilan kayo yun ang pangalan ko.. Tanong: ano ang pangalan ng bata Good luck
Patulog na la ang ay napadpad pa ako sa #shopee tapos deretso type ako ng #Chocolate bigla akong nagcrave gusto ko umorder tuloy kaso need pagtipid may mas dapat unahin. Mahal naman kasi ng #Shipping kainis. Good Night po na bago pa ako makapag place order ng wala sa oras. haha
Tirik na tirik na araw nakatulog kasi ulit ako tamang luto ng Pancit Canton late na rin kasi mamaya na lang magkanin. Magandang Umaga sa inyo. Di pa huli ang lahat para sabihin kong INGAT.
Napadpad na naman ako sa Shopee para tumingin ng Blood Pressure Kit senearch ko ung Omron na Brand ANG MAHAL PALA niya, may mura naman kaso di ko sure kung ok ba ung quality niya. Ganon din kasi ung price sa mga drug store nasa libo rin. Ito dahilan kung bakit sobrang active ko dito sa Noise para makaipon at di ko na ipanghingi ang pambili dahil lahat naman hirap kumita ng pera. Kaya Salamat sa mga Puso niyong hindi pinagdadamot sakin. By next month siguro makabili na ako.
Blunch na kayo, ako maya-maya na siguro wala pa kasi mga kasama ko. Kaya ito ako tamang tahi ng damit ng aso namin while watching vlogs. Para naman maging makabuluhan araw ko. Sana makagawa ako..hahaha.. Enjoy eating po.
Hello noisemates. Kumusta kayo? Sobrang alala kami kay Missy ( dog namin) may regla kasi siya tapos may lumalabas sa kanya na parang ink tapos kakaiba yung amoy sobrang baho na ewan. Sabi ni Mother normal daw yun kasi sa tao ganon din daw patay na dugo raw. Wala kasi kaming pang vet. kaya nananalig na lang kami na normal lang talaga yun. Kayo po ba talaga bang may patay na dugo na nalabas kapag may regla? Kaya ayan nakadiaper siya ngayon. Pasintabi po sa naghahapunan.
Good Night na po. Papaantok lang ako laro muna ako ML para antukin kasi panigurado matatalo lang din ako. Sana matapos na regla ng Missy namin kaya binabantayan ko siya ngayon ayaw pa kasi matulog.
Magandang Umaga sa inyo, Paalala mag-ingat ka ngayong araw wag mong kakalimutan magsuot ng facemask. Nawa'y matapos na lahat ng hirap na pinagdadaanan natin. Patuloy tayong humingi ng kapayapaan sa Panginoon wag tayong magsasawang magdasal.
Yung iniipon ko para pambili ng Blood Pressure Monitor Kit magagastos ko pa ata para pampacheck up sa doggy namin pero ok lang kasi di namin alam kung ano nararamdaman niya, ako naman kaya ko pa naman kontrolin sarili ko yung aso hindi. Malaki na rin kasi nagagastos namin sa kanya kawawa naman kapag pinabayaan. Mukha kasing hindi na lang normal na regla lumalabas sa kanya.
Kakauwi lang namin galing Veterinary Clinic para sa check up ni Missy grabe naka 1.2k agad kami kaya zero balance na ulit buti na lang talaga masipag ako dito sa Noise kahit papanu nakaambag ako sa gastos. Sobrang Thankful talaga ako dito. Nakakagutom na rin. Kakain pa lang wala pang ulam.. Kailangan ulit magsipag, salamat sa inyong lahat.
Paligo na dapat ako tapos biglang nagkaslot sa bakuna first 100 lang kaya takbo na agad. Wala tuloy ako ligo ngayon. Di pa naman ako sanay ng ganitong walang ligo. Ayoko sana magpavacc. kaso wala naman mawawala maganda rin siguro ang may bakuna kaysa wala. Kayo na kaingay may bakuna na?
Late Dinner, skl kanina ulam namin ay tuna dahil nga biglaan yung pagdala namin kay Missy sa clinic di rin namin expected na ganon ung halaga sa dami ng gamot buti ngayon bumawi si Mother nagpasinigang opo sinigang po yan luto ko. Kulang lang sa rekados dahil walang alam yung nautusan first time ata kumain ng sinigang..hahaa. Kain pooo.
Maupay na Adlaw ha tanan, Okay pa ba kayo dyan? So far mukhang wala namang effect yung vaccine sakin. Masakit lang talaga yung braso ko. Kailangan maging makabuluhan ang araw na to. Ingat po kayong lahat.
Lunch na kayo mga kaingay kami nag-iisip pa. haha Late na naman kami nito. Tamang tahi lang ako wala kasing magawa. Damit ng aso. Trip ko lang manahi..hehe.. Padaan lang muna ako tapusin ko muna to then balik na ulit ako. Enjoy eating po.
Nakakainis tapos ko na sana yung tinatahi kong damit ng aso kaso nalaglag yung karayom tapos di ko na makita. Tinamad na ako maliligo na lang ako at matutulog. π΄ Patay na oras na naman nakakaantok. Mukhang walang side effect yung vaccine. Anong ginagawa niyo kaingay?
Maling desisyon ata na napadalaw ako ngayong oras dito sa noise. Naglalabasan na ng meryenda ( snack) . Magugutom lang ako magccrave..lol. Enjoy po kayo ha naol na lang...hahaa.. May araw din kayo.. char..
Kain na mga kaingay, maulan kaya masarap matulog ng maaga. Gulay kami ngayon para nakagulay din mga aso namin iinom pa kasi ng gamot Missy namin pero laga lang sa kanila. Kalabasa at Pugutang Tuyo samin. Kain na po.
Kulog at Kidlat lakas ng ulan, kanina nawalan na ng kuryente sana naman di mawalan ngayon nagbabalak ako maglaro ng ML. Di kasi ako aantukin. Naulan din ba sa inyo?
Tulog na sana ako kanina pa kung di dahil sa kulog at kidlat, grabe ung lakas galit na galit. Tapos pawala wala ung kuryente. Nawalan din ng internet pero ok lang kasi di kami gumagamit ng phone kapag ganon ang panahon. Pero nagcacrave talaga ako ng #Chocolate natry nyu na ba umorder sa Lazada o Shopee????
Good Morning po sa lahat, 4 a.m pa lang gising na ako nakakainis sobra si Luna aso namin na isa. Mas maaga siya nagigising di pwedeng di mo ilalabas. Tapos yung kasama ko naman nilalagnat epekto ng #Vaccine sa kanya kaya maaga ko pinakain at pinainom ng gamot. Sabi nila lagi raw gutom epekto ng Sinovac kaso ako noon pa man lagi akong gutom kaya di ko alam kung epekto ba to. π Ingat po lahat.
May paayuda, Pansit pampabaha ng buhay. Kain po ulit tayo. Wag sana sumama pakiramdam ko dahil sa vacc. Okay na ako kahit waalng effect..Kumusta po kayo anong pinagkakaabalahan nyu?
Grabe naman din yung KULOG AT KIDLAT kasabay ng malakas na ulan, kitang kita namin takot na kami sa loob ng bahay kaya di kami nagcecellphone buti wala na ngaun okay lang naman sana ung ulan lang.. Kayo ba malakas din ba Kulog at Kidlat??
Taas ng lagnat baby ko. Epekto ng Vaccine sa kanya. Sakin wala sabi baka sa 2nd dose ko raw wag naman sana. Di ko alam panu pabababain to tamang punas lang ako. Help po paaano magpababa ng lagnat?
Tamang bantay lang sa alaga kong may sakit. Nasa 38 pa rin temp. niya. Iinom pa siya gamot mamaya kaya need ko gising baka kasi pagnatulog ako di ako magising. Sana talaga umokay na siya at sana rin walang epek samin ang pangalawang Dose ng bakuna. Gud Nyt na po sa mga patulog medjo masakit na rin ulo ko.
As of now, 36 na lang temp. niya sana tuloy-tuloy na para okay na ulit. Gising na lang ulit mayang 4 a.m para inom ulit gamot hinintay ko na tlga mag 12 a.m kasi kung natulog pa ako tatamarin ako gumalaw. Pero monitor ko ulit bago ako matulog. May gising pa ba? bakit gising ka pa?
Gud Morning po, Medjo late na pero morning pa naman. Lagnat pa rin siya sana naman umokay na ngaung araw. Biogesic - Ingat
Brunch time na po, Ang ulam na ito ay hatid sa atin ng Belo, Sunsilk, charot hatid ni ate. π Lakas makasponsor. Ulam for today CHICKEN estopado first time ko makakatikim pero mukhang adobo lang din naman. Kain po tayo para lumakas, masipag, marangal, di ko na alam kasunod Panatang Makabayan.
Mukhang nagbabadya na naman ang malakas na ulan at nagpaparamdam na rin si Kulog wag naman sana katulad kahapon na sa sobrang lakas ng ulan, kulog at kidlat natatakot na kami magcellphone.
Medjo naging busy sa pag-aalaga kay Bossing nagrequest kasi siya ng #Sopas sinasama pa rin kasi pakiramdam niya super headache pa rin siya. Kaya lumabas pa ako para bumili. Di na rin ako naghapunan sopas na lang din. Tinamad na rin ako kumain ng kanin. Sana maging okay na siya ilang araw na ring absent sa work. Wala na kaming kakainin. Kain na kayo mga kaingay. Padaan lang ako.
11:11 naniniwala ba kayo dyan? Basta wish ko lang ay KAPAYAPAAN AT BUMALIK NA SA NORMAL. Mukhang makakatulog na ako ng maayos dahil di na tumataas lagnat ni Bossing, kaso di ko pa sure kung masakit pa rin ulo niya. GUd NYt na po sa lahat bukas na lang ulit. Claim ko na na maayos na bukas ang lahat. AMEN
Happy Sunday, Thank You LORD for another day, Thank You po kasi nandyan pa rin kayo para patawarin kami sa aming mga kasalanan. Wag natin kalimutang magpasalamat sa lahat ng mga biyaya hiniling man natin o hindi. Keep Safe kayo π
Napasarap ulit tulog ko nagising na lang ako kasi may laban pala si Manny Pacquiao ngayon. Kailangan magsupport. haahaa. Kayo ba nanonood din? Maglalaba ako habang nanonood. Good Luck sa kanya magkaka LV na naman si Jinky.. lol.
Congratulations to Mark Magsayo. Waiting na lang kay Pacquiao habang naglalaba. Sana manalo. Good Luck Pambansang Kamao. Panigurado wala na namang crime at traffic ngayon. Ganyan lagi samin araw-araw talaga traffic pero kapag laban ni Manny WALA.
Ito na naman ang malakas na kulog nagpaparamdam na naman. Uulan na naman siguro ng malakas, wag na naman sana kulog at kidlat. Nanggigigil pa nga ako sa pagkatalo ni Pacquiao .hehe.
Ulam for today SINIGANG ALA PORU, kahit kulang sa rekado bili nila basta may Kangkong. Ewan pagwalang kangkong di ako nasasarapan sa luto ko. Request ulit ni Boss yan kasi masama pa rin pakiramdam niya buti nakakakain na siya. Kain na po.
Good Morning Guys and Gals, punta muna kami sa center un kasi ang sabi nung hotline na tinawagan namin na nasa papel na binigay after mabakunahan. Di pa rin kasi naayos lagay ni Bossing. Nagdadalawang isip na tuloy akong magpa 2nd dose.. Hay naku.. Ingat po tayo.
Hay grabe, Bakuna Now, Die Later pala to. Pinipilit niyo mga tao na mapabakunahan tapos after kapag may complain wala naman palang magagawa. Kawawa ang mga tao hahayaan na lang mamatay sa bakuna? Kung di pa kayo nababakunahan magdalawang isip muna kayo kaingay. Sobrang hirap dinanas namin kanina ayaw kami halos tanggapin ng hospital. Pinagpapasapasahan kami. Napakawalang silbi ng hotline na nasa guide na pinamimigay wala naman din pala silang magagawa.
Dinner na po kayo, Ginilang with tomato sauce at patatas na lang niluto ko para madalian lang. Kumusta naman po maghapon niyo? nakakasurvive pa ba? Kaya pa ba ang pandemyang to? Well wala tayong magagawa kundi ang lumaban sa buhay. Doble ingat na lang talaga ang labanan ngayon.
Isang mapagpalang umaga sa lahat. Ang aga ko nakatulog kagabi tamang asikaso kasi sa may sakit, tapos ngaun tiningnan ko agam temp. buti 36. 4 na lang. Wag na sana tumataas pa. Ang aga ko rin nagising ngayon kailangan ilabas ng 5 a.m mga aso para magpoop at ihi. Ganyan gawain ko every morning tapos kapag walang pasok si Boss makakatulog ulit pero kapag meron tinitimplahan ko na siya ng kape tapos di na ako makakatulog kasi bukas ang ilaw.
Brunch na kayo π Duty done for this morning, 5 am gising para magpapoop at ihi ng aso ( nakakagigil yan sila saktong 5 lagi nagigising ) Nagready ng breakfast at pinakain ang may sakit at aso ( may iniinom din silang gamot) Konting linis ng bahay para naman mawala ibang virus. Lumabas para magpacash out at bumili na rin ng fruits. Dahil naulanan naglinis na ako ng Motor kasi mukha na siyang walang may-ari. Bumili na lang ako ng ulam for Lunch kasi matagal pa pagmagluluto. (β¦
Gud Afternoon kaingay, grabe naaliw ako masyado sa Online Sabong, pero color game at lucky nine nilaro ko. 5 pesos puhunan ko. Swertehan lang talaga sa kung ano ang tatama. Dapat kamag-anag mo si Rudy Baldwin para siya manghuhula. π Kayo ba nasubukan niyo na to??
Our humble Ulam for tonight, requested by boss. Lucky Me wd egg at corned beef wd egg plus calamansi juice and banana. Kapag talaga may sakit mapili sa kakainin. Kaya kapag may gusto ipaluto luto naman ako. Kain na tayo mga kaingay bawal magutom. Uminom na rin ako ng gamot kasi naulanan ako kanina at baka magkasakit pa. Happy Eating.
Oras na para matulog, pakiramdam ko sobrang antok at pagod ako ngayon. Magpapaalan na po ako, Kita kits po sa panaginip. Huwag kalimutan magpasalamat sa Panginoon bago matulog, ugaliin natin ang magdasal.
Gud Mornings sa lahat, Happy Wednesday, napakabilis tlaga ng panahon, ilang araw na lang ber months na naman. Akala ko tlga last year di na ganto kaso mukhang tatagal pa tong pandemic hay naku. Keep Safe po tayo, sumunod sa health protocol at wag na matigas ulo.
Pagdi ka talaga nagugutom, di mo mamamalayan ang oras, 4 pm na pala kakatapos lang namin maglunch kasabay na meryenda nito.. hahaa.. Kayo ba naglunch na o nagmeryendaa na??? Dahil Tuyot na pritong manok ulam kaya nagluto ako ng noodles, noodles everyday.. lol.
Done cooking, Pinaluto lang sakin kaya di buo ang rekados, patatas lang ang nakita kong rekado kaya ADOBO niluto ko kasi kung nilaga dapat may Pork Cubes. hehe. Kain na tayo mga kaingay at mukhang tatamaan ata ako ng sakit, di pa naman pa magaling si Bossing yare mga doggy namin. Iba na yung pakiramdam ko ngayon.
Ang dami ko pang nakapilang panonoorin lahat ending na lang, ito ung mga palabas na di ko natapos dahil sa pandemic. Itutuloy ko lang ngayon kaya magpapaalam na ako. Para antukin na rin. SALAMAT SA LAHAT, SA PUSO NIYO, KAHIT DI KO MAN MABALIKAN ISA-ISA NANDYAN PA RIN KAYO, sa mga susunod na araw yan pala gagawin ko iisa isahin ko kayo. THANK YOU GUYS.
Late Breakfast toast bread natira lang para maiba naman at itlog.. Milo sakin Gatas kay Bossing. Kayo ba nagbreakfast na? Good Luck sa mga magpapa2nd dose. Ingat po tayong lahat.
Tamang luto ng ulam ngayon pa lang nakaramdam ng gutom, Marinated na manok pero nung inutusan pamangkin ko sinasaulo niya NIRAPE NA manok paulit-ulit tapos narinig ko, sabi ko anong nirape? marinated, tapos umalis na bumalik ulit, ano nga ulit un? hahaha gantong-ganto ako nung bata kapag inuutusan tapos pagbalik ko iba ung nabili ko. π Kain na kaingay sa hindi pa. Sa kumain na kain ulit.
Ganto din ba kayo kakalat magluto? lol. kapag ako nagluluto sakop ko talaga lahat ng space plus madami akong hugasan. Manok again kami pero Tinola naman ang luto, magiging MULAWIN na kami nito mamaya. Kayo nakakain na ba? anong julam niyo?
Anong ibig sabihin ng bagong update ni Noise? Enlighten me. Haahaa. btw nakakain na ba lahat? Tinatamaan na ako ng antok. Maggogood night na rin ako sa inyo.
Friday na pala at ilang araw na lang ber months na, WALA PA AKONG NAIIPON. hehe. Sana maging Merry na ang Pasko nating lahat. Gud Morning sa inyo. Nakapag-invite na ba kayo? My affiliates is waving, bukas makalawa aabot na tayo ng libo rito at baka kahit mga sikat na personalidad nasakop na rin tong noise kaya Enjoy na natin.
Nakapaglunch na ba kayo? ako ito tamang linis pa rin ng mga aquarium medjo marami-rami kasi to. Bukas na ung iba at pagod na ako at nakakaramdam na rin ako ng gutom. Kakain na ako isa na lang. Kain tayo. Padaan lang ako.
Done cooking at nakakain na rin, dahil friday ngayon MUNGGO niluto ko, maaga kami nagdinner, tapos ngaun tamang laba na ako, waiting na lang kasi automatic naman na siya kusang naglalaba at banlaw na yan paglabas isasampay na lang. Kayo po ba kumain na? anong ulam natin dyan? Diko na nakunan ung luto ko.. hahaa..
Tuloy ang laban, tuloy ko na linis ng natirang aquarium, Hammerhead at Aruwana na lang natira. Linis muna ako sila ang taya sa pagluluto mamaya ako. Kayo anong lunch natin dyan? Mamaya ako babawi sa inyo.
Gud Afternoon kaingay, sadyang kamumulat lang at talagang pinatakam niyo naman agad ako sa mga meryenda niyo. Enjoy po kayo ako ito tamang muni-muni lang habang nanonood nitong Wish Ko lang, drama na pala to ngayon nagbago na dati alam ko nagbibigay sila ng tulong.
Pwede ba to ishare? As of now 37 na nasa affiliate ko. Di ko alam na bigla silang dadami. Well, WELCOME KAYO DITO SA NOISE. Wait lang kayo ng right time at be friendly pag may tanong kayo WAG MAHIHIYANG MAGTANONG. Make Good Content din ha para lahat tayo Happy dito. Bawal ang toxic.
Napagod ako maghapon, napagod din ako mag-explain sa mga nasa affiliate ko. Kaya ako'y mauuna na matulog. Salamat sa inyo ngayong araw mga kaingay. Sana talaga magustuhan o matyaga ung mga naturuan ko. Sinasabi ko sa kanila na WAG NIYONG ISIPIN NA MAG-EEARN KAYO, ANG ISIPIN NIYO YUNG MAKIPAGKAIBIGAN habang kumikita. Bonus na lang ung earnings. Gud Nyt all π€
Happy Sunday Noisers, Ang sarap tingnan ng mga isda namin kasi malinis na silang lahat ngayon. Sunday is Family Day kaya spend the day with joy, At wag kalimutan magpasalamat sa Panginoon. Ingat ang lahat, tiwala lang at matatapos din tong pandemya.
Done cooking, as usual ADOBO ang kanilang paborito. Adobong di ko sinasabawan hinahayaan ko lang magmantika at kusang magkasabaw basta takpan lang. Ako'y maliligo at madami na akonh pantal nangangati na ako. Natilas ata ako sa halamanan ni Mother. Tagtilas kasi at maulan.
Not so good afternoon, di ko na alam kung anong nangyayare sa katawan ko. Lalong dumarami yung pantay ko. Wala naman akong allergy e. Ano kaya to sa tingin niyo? Makati siya sobra. Kinuskos ko na to ng Asin na may Suka pero ganon pa rin.
Hello Philippines and Hello World, Happy Monday and today is Holiday Aug. ,30 and tomorrow is BER MONTHS NAAAAA. Oh kay bilis na lumilipas ang panahon, ngayon sa paglipas na ito ay ganoon naman kabagal ang pagpaghupa ng covid sa Pilipinas. Kaya manatili tayong ligtas. At may thunderstorm daw ngayon sabi sa forecast sa aming lugar.
Kawawa di siya makalabas kasi basang-basa sa terrace ang lakas ba naman ng ulan. Liligo sana ako kaso saktong naulan naliligo na ako sa banyo kaya di na ako naligo. Meryenda na kayo mga kaingay.
Natulog akong umuulan, nagising pa rin akong umuulan. Sana hanggang mamaya na to para masarap matulog..Sarap magmeryenda kasabay ng ulan. Hot Milo at Banana Bread. Kayo anong atin dyan?
Kakauwi lang namin bumili kami ng bagong Betta Fish at dahil kanina pa ako nagcrave ng Chicken nagtake out kami ng Onyang's Street Wings Hot Buffalo flavor ang anghang niya pero masarap. Kayo alam ko nakakain na kayo. Pero kain po tayo. Chicken is life hanggang magkabuni.. π
Good Morning Noise Fam. Today is Aug. 31, BER MONTHS NA. Excited na hindi kasi pandemic pa rin. Btw arat na Breakfast time, ininit ko lang ung natirang manok kagabi at nagprito ng itlog. Kung hindi manok, itlog ng manok. π Bukas magsisiliparan na kami. Kain po.
Kadedeliver lang namin ng mga Betta Fish. Ang ganda talaga nila tapos di pa maarte kasi kahit wala silang oxygen mabubuhay sila. Tanggal stress talaga sila. Kayo ba mahilig din sa mga isda?
Amg sad naman na balita. Patay na pala si Mahal, kakanood ko lang sa kanya sa KMJS, yun na pala last mission niya ang matulungan si Mura. Di mo talaga masasabi ang life kaya habang kaya mong gumawa ng mabuti ay gumawa na tayo kahit sa maliit na bagay. #RIPMahal
It's time to celebrate another milestone here in Noise. English yornn?? π Happy 600+ SUBS. π πππ Thank You all so much. Kahit di ko ramdam yang 600 oks lang. Marami pa tayong pagdadaanan, marami pang updates pero Ito pa rin talaga ang Best Platform for me.