read.cash Log in
@Polaris more from that month

Dumating ka na rin ba sa punto ng buhay mo na ayaw mo ng maniwala na may magmamahal pa sayo ng totoo? Yung feeling na parang imposible na mangyari yun. Yung feeling na parang ang hirap na mahanap yung tao na yun. Yung feeling na parang nakakatakot na magtiwala at magmahal ulit. Yung feeling na napapaisip ka nalang kung worth it ba talagang maghintay. Naisip ko rin lahat yun. At hindi yun nasagot overnight. Pero ang pinanghawakan ko, “kapag kalooban na ng Diyos, wala ng makakapigil dun”. Balang araw, maiintindihan mo rin kung bakit hindi nag work yung past relationships mo. Balang araw, maiintindihan mo rin kung bakit mo kailangan masaktan ng paulit-ulit. Balang araw, maiintindihan mo rin kung bakit ang tagal mo siyang hinintay. Hindi ka pang madalian. Hindi ka pang malabong usapan. Pinaghahandaan ka. Pinapanalangin ka. Sinisigurong mahal ka. Hinihintay ka. Pinapangarap ka. Pinagtatrabahuhan ka. Imposible ba? HINDI. Kaya kahit gaano ka pa katagal maghintay, basta galing kay Lord, okay lang! Pero kung ang gusto mo lang ay magkaroon ng isang taong mag gogood morning at goodnight sayo, huwag nalang siguro muna. 🙂 Walang magandang naidudulot ang pagmamadali. Huwag magmadali upang hindi magkamali. Tanungin muna ang sarili, bugso lang ba ng damdamin ko ito o ito na ang gusto ni Lord sa buhay ko? At mabuti pa rin si God kahit wala pa sa atin ang ninanais ng puso natin. HE IS MORE THAN ENOUGH! *seriously* 🙂 Take note: Ladies, we are not called to pursue men. Hindi tayo ang gagawa ng unang move. Let them do their job, let God give them clarity first. 🙂 -CHAsed by Grace #NoiseQuotes

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.